Bringing the Child in Us

Marami akong hilig. Tatay ko ang unang nagturo saken ng kung anong anong icocolect. From music cd’s, toy cars, manok na pangsabong, shirts, books at marami pa. Kaya namana ko lahat ng eto sa kanya. Sa kuya ko naman nakuha ang mag collect ng baseball caps. Pero hanggang isang dosena lang ako at tumigil na ako kasi indi ko naman nagagamit talaga ang mga caps. Indi naman kasi ako mahilig sumuot nito. Kaya yung iba pinamigay ko nalang.

Matindi talaga ang desire ko na magcollect ng mga bagay bagay. Ngayun yung collection ko includes, FHM mags, shirts (I already got over a hundred), kunting caps, DC and marvel comics (thanks Eric para sa inpisration.LOL), books and syempre mawawala ba ang action figures? Big no!!

Nagmimistulang tambakan na ng ukay-ukay room ko. Namomoblema nga ako pano na if uuwi na ako sa Iloilo? Sino ang magbubuhat ng lahat ng pinamili ko dito sa Cebu. Sigurado talagang papapuntahin ko pa kuya ko dito para tulungan ako. Pero matagal pa naman yun. Mga ilang months pa ready set go na naman ako sa Makati to find  greener pasture. Lols.

Dahil sa hilig ko talaga ang mangolect ng ka ek-ekan, balak kong gumawa ng isang blog para sa mga collections ko. Medyo excited na nga ako para simulan ito. Ano ba mas bagay na medium, English o tagalog?

Anyways, dahil medyo malaki laki rin nakuha ko sa 13th month ko, hulaan niyo kung ano naman ang bagong dagdag ko sa collection ko.He he hehe…Eto!

12inch_donatello_tmnt-01.jpg

Ayan si Donatello ng Ninja Turtles. Yung unang kinamulatan kong cartoons nung bata pa ako aside from X-men na syempre  all time fave ko.  Asteeg di ba? Killer smile pa o! O pano Jeckass at Gasti, simulan niyo na ang inyo at gaganapin soon ang labanan ng toys natin. hehee.

Next project ko?Si Phoenix ng X-men. Medyo asteeg kasi ang design niya kaya pagiipunan ko pa. Sarap maging bata.

9 Tugon to this post.

  1. mas hokey kung tagalized tol. pero kung gusto mo ma-network dun sa ibang mga collectors around the whole wide world. i englishized version mo na lang.

    sa probinsya namin, dami mukhang ninja turtle.

    yun na nga ang problema ko eh..pag tagalog mas ok kasi dami makaka relate….pero indi naman ako makakapagnetwork pag tagalog kasi atin atin lang..masyado pa naman akong ambisyoso…hehhee….ganun ba??maka punta naman sa probinsya niyo nang mahuli naman sila..ahhehe

    Tugon

  2. Siguro nga mas ok kung english version naman para maiba at makakonek naman yung mga porenyjer… Nga pala pwede ba makiukay-ukay dyan sa inyo? hehehe…

    Pwdeng pwde…aehhehe…problema baka magka anemia ako dahil sa nose bleed..lols

    Tugon

  3. Ipinaskil ni antuken noong Disyembre 11, 2007 bandang 8:26 hapon

    ang mga kapatid at iba kong pinsan mahilig din sa ganyan! toys for the big boys ika nga. si jason (of greenpinoy fame) may blog din tungkol sa mga batman figs nya. dati nangarap ako magkolekta ng barbie. may mayaman kse akong pinsan (ay tita ko pala sya) andaming barbie, nainggit ako. eh poorita lang kami kaya hanggang isang barbie lang ako. hahaha.

    Hehehe..pagpatuloy mo na ngayung may work ka…dapat go for our dreams talaga…gusto mo bilhan kita ng barbie?ahehe

    Tugon

  4. tagalugin mo na lang pards para mabasa ko maigi…lumalabo kasi mata ko pag ingles nakasulat eh lols!

    pag naayos na yung digicam ko sisimulan ko na ang pictorials ng aking koleksyones…nga pala may 3 ninja turtles ako na alaga sa bahay 8 yrs old na hehe!

    wow…hihintayin ko din yan pareng gasti..go go go sago tayu!

    Tugon

  5. Ipinaskil ni jeckyll27 noong Disyembre 12, 2007 bandang 1:14 umaga

    mas maganda siguro kung gawin mong taglish para maintindihan ng lahat. gayahin mo si cofibean pare, baka naman you get a lot of mambabasa pare. hehehehe
    ayos ka rin maghamon ah.alam mo bang ang collectibles ko lang eh yung mga mamisong plastic toys na nabibili sa chichirya. kulang pa ako ng ulo ni shaider at kaliwang paa ni michaelangelo.hehehe
    ang gustong kumpletuhin eh yung action figure ng ‘Pandakekok’ nila herbert bautista kaso wala akong makita. basta kapag nakapag-ipon na rin ako, labanan tayo ng toys. matira matibay. babalutan ko ng alambre at tingga ang mga laruan ko. parang tatsing. hehehe!

    Gago!!walang kwenta!!ahahaa

    Tugon

  6. [...] Who Am I? Bringing the Child in Us [...]

    Tugon

  7. Ipinaskil ni jeckyll27 noong Disyembre 12, 2007 bandang 7:00 umaga

    oist B1, iwewelkam kita dito sa Makati paglipat mo..papakilala rin kita kay Maja sa personal para makalimutan mo na si Ederlyn mo..bwehehehehe!

    Putah!wag nalang….punta nalang ako sa bundok kung ganun.

    Tugon

  8. me nabibili pa palang ninja turtle toys ngayon?

    Tugon

  9. Ipinaskil ni Di-Nagpakilala noong Oktubre 15, 2008 bandang 8:06 umaga

    elow foe!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    high then!!!!!!!!!!

    Tugon

Tumugon sa paskil na ito