Natuwa ako nung binuksan ko ang page ni bossing badoodles kaninang umaga. Ugali ko na ang buksan ang lafftop ko sa tuwing babangon ako. Aba aba aba! Ang buhay naman pala no, indi sa lahat ng oras e api ako! LOLS. Lumabas na po ang partial results para sa Project Lafftrip Laffapalooza sa 10 PinakaDaBest na Humor Blogs ng Pilipinas. Unang letter palang ng sentence niya eh mamasa masa na ang itlog ko sa kakatense. Hala. This is it! This is..this is!!!taran!at Number 4 ako! Ohmahgawd!! (OA na)sheyt!
Indi ko akalain na mapasali pa ako. Realli. walang halong linlang, lies, lice, duda, pagiimbot. I am not expecting that I’ll be on that slot. Toink. Akalain mo, madami pala ang nagwagwapohan este nasisiyahan sa mga sulat ko. Sa mga nagdududa, indi ko po binayaran ang AC Nielsen sa results na yan. Wahahaa… Mabaho pa ba hininga ko?
Eto, maraming salamat, salamat….salamat!! sa lahat ng nagboto sakin. Eh kung meron pang boboto eh, sampong sako ng salamat para sa inyo! I am so touched!!!Tach for a very pers taym!awww! Sana po eh mapasaya ko parin kayu in my own little words. Naks naman, echus.
Pero wag muna tayung magsaya. Indi pa kasi naman tapos ang botohan eh. Malamang mapapaalis pa nito si GMA before ang final na results. Timing kasi kung sino ang mananalo, siya ang uupong presidente. Indi sa trono ni GMA, kundi sa wheelchair. Ang social di ba? Movable upuan. Tapos travel travel sa deserts ng Zimbabwe. Ang saya…habulan ng leon, tigre, at leopard…syett!!walang kwenta na namang imahinasyon.
Sa gusto pong sumali at magvote pa, may chance pa po. Kasi alam niyo, may premyong laan sa mga boboto. Dinig ko kasi mamimigay ng sampong kalabaw, sampung kilo ng bigas, oten ng kabayo at limpak limpak na ukay ukay galing divisoria si badodles. Sa ayaw maniwala eh eto naman ang totoong premyo. ahehe.:
Nokia N70 Music Edition, Sony Cybershot Digital Camera, o halagang 15,000 pesos.
Socialan ba?OO!!Social na to. Ang saya saya. Daig pa neto ang pa raffle ng PCSO. Atleast indi mo nakailangan mag linya at tumaya sa lotto para manalo ng cool gadgets na to! Ayurn? Kaya kung ako sa inyu, simulan niyo na ang pag boto. Dito makikita ang rules and regulation kung indi kayu nakakaintindi sa langauge ko. Body langauge lang kasi ako perpekto. Indi to nakakasakit, indi din ito uubos ng time niyo. All you have to do is to sit, prepare your legs fingers and do the fingering!!! (sa keyboard ha), wag bastos!
Salamat sa lahat ng kaibigan ko dito. Alam ko naman nagpaplastikan lang tayu dito kaya niyo ako binoto. Hmmmp!! Pero, sa panahon na eto, magplastikan ulit tayu. ahahaha…vote vote vote na!!
Salamat sa sponsors like:
1. Manny Paquiao for the boxing gloves na ginamit ko sa fine dining sa Waterfront hotel.
2. Porras Funeral Parlor para sa make up. Ang ganda ng pagamake up niyo saken last time. Daig pa ang prosthetics. LOL
3. Jolibee para sa billboard na nilawayan ko nuong pag openning
4. Sa mga kapatid nating sundalo na nag aaksaya ng bala, indi naman makakain.
5. Sa mga endangered at exotic na pagmumukha, there is hope! Maniwala kayo. Sama sama tayu. Sa pagsapit ng Pasko.
6. Sa mga bulag na bumabasa ng blog ko!
7. Sa mga virgin na katulad ko (past 10 years?)
8. Sa nga frends ko dito sa blogroll ko. (plastikan na to) LOLS!
9. Sa kay master baddoodles para sa contest na to. Lets bolt in na!
10. Last but not the least, sa kay God, na nagbigay saken ng katawan ni adan, at humor ng “somewhat” snake/serpent ng nagbigay ng apol ni epol kay eba.
Sa lahat ng nagbabasa neto…mabuhay tayung lahat. At dahil mayaman ako!!!!..magpapapapapapappapapappapa……yun lang. LOLS
babush!

Ipinaskil ni kengkay noong Enero 12, 2008 bandang 3:21 hapon
naka relate ako dun sa number seben mo, hehehe
congrats! galing, sige antay ko yung pagpapapapapa… mo okay?
Ipinaskil ni chuvaness noong Enero 12, 2008 bandang 4:59 hapon
ahahha
anak ng! number 4!!! huwaaaaw!! congrats to us for making it on TOP 10 – we sooo deserve it! hahahhaha
Ipinaskil ni lilmiz noong Enero 12, 2008 bandang 8:25 hapon
binoto kita bhe! now lang! ahehe. galingan mo ha, pag di ka nanalo, break na tayo
hahah. wag ka na magtaka, deserving ka naman eh (plastikan na to! lolz jok
). labyu bhe pero gusto ko yung 15k cash ahaha
Ipinaskil ni jinoe noong Enero 13, 2008 bandang 10:55 umaga
Teh may blowout na ni?
Ipinaskil ni gladita noong Enero 13, 2008 bandang 11:49 umaga
Ara ko da sa number 7 ah. hehehe….congrats! iboto ta gid ka. cno pa b mabinuligay di si blogosphere? naks, drama.
Ipinaskil ni reyna elena noong Enero 13, 2008 bandang 3:50 hapon
Psst!!! I LOVE YOU. ~*ngiting aso*~ Congratulations!! Kelan mo ako sasagutin?
Ipinaskil ni Holy Kamote noong Enero 13, 2008 bandang 7:50 hapon
chalamat kay ate XienahGirL at natuklasan ko itong pwesto mo.
i’ll be back.
Ipinaskil ni partofyou noong Enero 13, 2008 bandang 9:45 hapon
close na sila ni reyna?, aaaahhhhhahahahahaha!!!!!kungrrrrats, u deservit! galing mo tsong!
Ipinaskil ni gasti noong Enero 14, 2008 bandang 1:38 umaga
di nga pre walang halong kapalastikan nakakatawa talaga blog mo…seryoso. kelan mo kami lalasingin ni jeckass? lols!
magtataka pa ko kung wala ka sa top 10.
Ipinaskil ni jojie noong Enero 14, 2008 bandang 4:55 umaga
party na!!!! LOL!
oi! hindi ako bitter at no.4 ka at ako ay no.5-6. hindi talaga! @!#@$!! hindi talaga! hahahaha!
Ipinaskil ni repah noong Enero 14, 2008 bandang 5:06 umaga
wow congratumalations… bangizzz.. maldito k tlaga.. hahaha..magpakanton ka ska magpahipon…dhil dyan may tag ako sau!!
Ipinaskil ni Alveel Kaith noong Enero 14, 2008 bandang 6:52 umaga
baw pagbasa ko man to sang nagligad, nag yuhom2 ko kay t ano abi nga abyan ko top 4! diin ka da! haha. oi, panglibre kung madaug ka ha. mangita ta flying voters. hahaha.
Ipinaskil ni YouAreYou noong Enero 14, 2008 bandang 11:08 umaga
isa ka sa mga matatawag ko na asteeeg na blogger.. wag ka na magtanong kung bakit, kitang kita naman…
dahil na rin huli mo ang kiliti ko.. este ang kiliti naming lahat dahil napapasaya mo kami… Cheers to you!
Galeng mo Tol!
Ipinaskil ni camilleeee noong Enero 14, 2008 bandang 4:17 hapon
wowwww *clapsss*
congrats maldits!!! wuhooooo!
ang galeng!
Ipinaskil ni lex22 noong Enero 15, 2008 bandang 4:37 umaga
tenks nga pala sa comment mo kahapon.hehe.
congatz nga pala! sana maging maganda standing mo. good luck!
ang astig ng mga sponsors mo.hehe