Matapos ang pagpapahinga ko ng ilang araw dahil sa na overdose ako sa kakaisip ng problema ko, ang iyong lingkod ay nanunumbalik sa ere. Nagpapasalamat ako sa lahat ng dumamay at bumisita sa burol ko, este sa blog ko at walang sawang nagparamdam ng pagmamahal sa akin mapa lalaki man o babae. Pasensya sa mga bakla kung indi ko kayu na mentioned. Sabi kasi sa Genesis, 3 lang ang ginawa ng Diyos. Una ay ang lalaki, pangalawa eh ang babae, at ang pangatlo ay….ang ahas. Akala niyo apol no? Indi ko naman kayo kayang tawaging ahas. Di ba? Charush!
At dahil matambok ang utak ko sa kagagohan, balik na po tayu sa dati kong sarili. Naisip ko kasi na ilang years na din ako nagiisip ng problema, bakit indi naman ang problema mag-isip saken? O diba may twist? Kaya eto po ang nagbabaga at mabagsik na showbiz forecast sa taong ito. Ihanda ang arenola kung sakali magkatotoo ang prediction ko.
Dahil matagal tagal na din akong indi nakapag tira ng mga celebrities, ito po at gagawan ko na naman sila ng forecast. Very reliable po ang forecast ko, sa katunayan nga may testimony po ang isang artista para saken:
” Totoo talaga ang forecast ni Maldito. Kung ako sa inyo, magpatingin na din kayo sa kanya. Siya lang ang may alam ng daan patungong kasikatan”- Bentong, Dating child actor, ngayun janitor ng corniks.
Oh diba? Sikat na sikat talaga ang nag testi. Patunay lang po na ang sinasabi ko sa blog ko ay pawang katotohanan lang at walang bahid ng dugo. Kaya isa isahin na natin ang mga artistang sisikat sa ngayun semester.
1. Ramilele Malubay-Kagaya ni Jasmie Trias, sisikat din si Ramielle sa Pinas. Kung indi lang siguro matigas ang ulo niya at sinunod ang mga judges na wag kumanta ng mga kantang kinanta nina Perre Como, Willie Garte at Yoyoy Villame eh di sana nasa top 5 pa siya ngayun. Kaya ayan ang parusa sa kanya, kick out sa American Idol. But dont worry. Malakas ang kita mo sa Pinas. Kagaya ni Jasmine na kinuha ng McDo para maging model, si Miss Malubay naman ay kukunin ng pang masang food chain. Kung inaakala niyo na sa Jobee siya kakanta ng pa-pa-ra-pa-pa love ko to, nagkakamali po kayo. Dahil mas lalakas ang popularity niya if gagawin siyang official singer ng lydia’s lechon at Manang Nancy’s Gotohan diyan sa Baclaran. Gagawa din si Miss malubay ng mga come back songs,katulad ng Aray, Labi sa labi at mga kanta ni Mystica na naging national anthem ng mga grade one at mga bading sa kaka split sa bubog.
2. Manny Paquiao- Aba at nanalo na naman ang peoples champion noong nakaraang boxing. At halos lahat na ng advertisement ay si manny na ang endorser. Mala medyas, sardinas, gamot, beer at energy drink man dyan, kamao ni manny ang makikita. Dapat mabasa to ng mga buisnessmen ang blog ko na to. Dahil nakikita ko sa bolang crystal na lalakas ang kita ng mga Napkin pag si manny ang nag endorse. Imagine si manny, nag gygymnast sabay hawak ng napkin sa boxing gloves at sasabihin na“, Para sayo ang napkin na to, para sayo ang dugong ito. Indi lang pang muningning, pang sugat pa! Taray ni Manny, masakit sa bangs ang commercial. Yes, yes awww!!
3. Jobert Sucaldito- Makikita niyo na po ang pagmumukha niya sa international scenes. Kung may cable po kayo paki abangan nalang po siya sa Discovery Channel at National Geographic. May bagong project na din po siya na ginagawa na papalabas sa buong daigdig, eto po ay hango sa librong the horse whisperer. Pero kung nasa Pinas ka, simple lang po ang translation ng movie niya. Eto po ay ang remake ng Petrang Kabayo. Lalabas din siya sa pinoy version ng Spiderwick. At tatawagin naman po itong Spider Weak. Tignan natin kung sino ang indi manghihina sa pagmumukha ng taong to.
4. Gabby Conception- Marami ang nagulat sa pagbabalik niya. Marami ang masaya at ang chakang mega star, kinikilig naman. AMpft! Feeling bagets! Anyways, babalik ang tambalang shawie and gabby sa pinilakang tabing. Dadami na naman ang tatandang dalaga dahil sa kakasunod ng yapak ni Gabby na tila mismong lovelife nila ay nakalimutan na. Dadami ang mga katulong na iihi sa kanilang panty sa kakatili pag pinakita na ni Gabby ang kanyang tinatagong……tetra pack. Akala niyo six pack no? Asahan din ang mamumuong annulment dahil sa kakaselos ni Farnkie. Lols.
5. Mahal- Sa lahat na predictions na ginawa ko, kay mahal ang ayaw kong gawin. Unang letra palang ng pangalan niya eh nasusuka na ang mga daliri ko sa kakatype. Oh well! Good news sa mga fans ni Mahal. Ikakasal na naman siya sa bagong boylet niya.Indi na tumanda ang chanak, at naghanap pa talaga ng taong mamahalin niya at magpapaligaya sa kanya. Kung sino pa ang indi nakakaalam ng lalaki sa buhay ni mahal, time na ito na makilala niyo.Siya ay walang iba kundi si Dennis Rodman. Abangan natin ang unting unting pagdidislocate ng panga, atay, baga at pancreas ni mahal sa bawat sundot ni Rodman. Kay Mahal, goodluck sa pinasukan mong gulo. Kayanin mo ang balls niya. Lols. Ahahahhaa.
At kay Jimboy, kung sakali mang mapadaan ka dito, panoorin mo tong sinabi ni Mahal sayu.
Nang magalit si Mahal Kay Jimboy.
Naiintidihan mo ba Jimboy? Ako indi! Dahil ang na gets ko lang talaga sa sinabi ni Mahal ay ang salitang PIANO?
Sa buhay natin, kailangan nating tawanan ang problema. Kaya, sa lahat ng problema ko, pakyo!

Ipinaskil ni Kotsengkuba noong Abril 16, 2008 bandang 12:35 umaga
insan, nabasa ko yung mga dramakols mong post. ahehehe. parang narinig ko tuloy ang tumutugtog ang “natutulog ba ang dyos” ni gary v. at grabe, pinanood ko ang vedio ni mahal. nakakatakot na mag-hysterical si mahal. hahaha! napapamura si mura. hahaha!
Ipinaskil ni gasti noong Abril 16, 2008 bandang 1:21 umaga
napaka importanteng tao naman pala ng mga nasa forecast mo..hehe! langya naman kung si mahal at dennis roldan este rodman..mala anaconda yun eh pano naman magkakasya kay mahal yun? parang rape scene ang mangyayari tapos baka maglabas pa sila ng scandal.
Ipinaskil ni linglingbells noong Abril 16, 2008 bandang 1:49 umaga
kawawa naman si mahal.. lols
Ipinaskil ni madbong noong Abril 16, 2008 bandang 4:57 umaga
at kinumpetensya pa si madame auring lols!
Ipinaskil ni Salve noong Abril 16, 2008 bandang 8:59 umaga
Ay, maldito ka nga! Aliw ako sa prediction mo ke pambansang kamao. panalo!
Salamat sa pagbisita sa blog ko.
Ipinaskil ni rhapsody noong Abril 16, 2008 bandang 10:14 umaga
ahahah.. di ko maimagine si mahal at rodman… di ko alam kung sino ang mas nakakaawa sa knila hahaha
Ipinaskil ni MisyeL noong Abril 16, 2008 bandang 8:54 hapon
ayos ahh ala madame auring…. si mahal at rodman? pwede! hahaha!!!
Ipinaskil ni islander2007 noong Abril 17, 2008 bandang 2:03 umaga
ito na ba bagong raket mo…heheh interesting yun ha si mahal at rodman…hahah
Ipinaskil ni sexymoi noong Abril 17, 2008 bandang 7:30 umaga
Uy nabuhay ang maldito… buraot uli…
Ipinaskil ni landah noong Abril 19, 2008 bandang 4:35 umaga
sayang nga si ramiele, she’s not confident kasi in every performance.. that’s why, di nya na pi-pick ang mga songs na suited to her..
Ipinaskil ni maris noong Abril 20, 2008 bandang 4:35 umaga
Idol ko pa rin sina mahal at madam auring. mga LEgend kasi sila. lols! sana magtour sila pupunta ako. wahahaha!
Ipinaskil ni maris noong Abril 20, 2008 bandang 12:50 hapon
si jobert sucaldito, pag nakikita ko sya sa the buzz, habang nagsasalita sya, panay hawi ng hair nya, sarap sabunutan, ang yaman yaman, di nabili ng pantali sa buhok. ang arte pa nya magsalita, sarap bigwasan hmp!
in perness maganda ang hair nya-kahit sa hair man lang.
Ipinaskil ni aKDa noong Mayo 3, 2008 bandang 3:42 hapon
” Totoo talaga ang forecast ni Maldito. Kung ako sa inyo, magpatingin na din kayo sa kanya. Siya lang ang may alam ng daan patungong kasikatan”- Bentong, Dating child actor, ngayun janitor ng corniks.
LOL.
–
Si Manny Pacquiao, inaabangan ko nga pag naka-jogging pants na siya, puno kasi lagi yung shorts niya ng ads. So, malay natin, mapa-jogging pants siya next time.
–
Si Mahal, direcho na ng ospital yon, di para manganak, pagdating niya don dead-on-arrival na.
Ipinaskil ni bernardumali noong Mayo 11, 2008 bandang 11:48 hapon
forecast Gaby : oo nga, marami nga atang tumandang dalaga sa kanya?
forecast Mahal : kelan kaya ‘to? excited na ko, pwedeng mag ripleys believe it or not!
Astig!