Package
Sa ilang buwan na pag iintay dumating na din ang package na galing kay Mami kengks na kakagaling lang ng bakasyon sa pinas. Akala ko nga tinangay na ng bagyo ang pinadala ni Mami Kengks, kasi ilang weeks na ang nagdaan wala pa rin siya. Kaya nabigla nalang ako ng pag gising ko ay may inabot ang care taker namin ng package. Yaho! At eto na po siya! (Indi ko na Kinodakan yung para sa baby ko. Yung toy ko na nalang! lOls)
Pang dagdag na naman sa toy collection ko. Ang ganda ng eroplano. Feeling ko naging instant piloto na din ako. At sabi ng little princess ko Mami kengks, salamat daw. Mayaman na siya dahil lahat ng daliri niya may sing sing. Ahe he he. To pala ang princess ko, at ako na asungot sa pic. ahe he he.
Forbidden Kingdom
Sa wakas pagkatapos din ng walong taong pag iintay sa unang tambalan ng mga idol ko, napanuod ko na din ang Forbidden kingdom sa malaking tv. Ang ganda ng movie, as usual nakakatawa pa din si Jackie Chan. Kung natatandaan niyo pa ang mga dating kuwento ko about sa pagkahilig ko sa martial arts, Japanese, chinese at sa lahat ng mga singkit, nakakarelate ako sa movie. Ang american guy dun eh mahilig sa martial arts pero wala talagang alam sa ganun, na katulad ko din. Hanggang kwento nalang, indi naman ako makaka enrol sa isang martial arts class kasi ang tanda ko na. Tapos ang ispasparring saken eh 7 years old. Asa pa siya makakaligtas siya sa paa ko. Lols.
Anyway, highly recommended ang movie na to. Nagulat din ako na nandun si rapunzel. Buti nalang at hinulog siya ni Jackie chan sa bangin. Kung ako nandun, isang razor lang siya, kalbo na talaga ng buhok niya. Superb ang special effects , nabibitin pa nga ako sa mga fight scenes nila. Sana may kasunod pa ang tambalan na yun. Ang ganda din pala ni Sparrow. Nainlove ako ng buong oras sa kakapanuood sa kanya.
Simba
Kailan nga huli akong pumasok sa simbahan? Pasensya pero indi ko na talaga matandaan ang huling pasok ko sa simbahan. Tinopak ako kanina, at biglang naisipan magsimba. Kaya siguro minalas malas na ang buhay ko kasi nakaimutan ko na siya. Masarap ang feeling pagkatapos magsimba. Parang lahat ng problema at stress mo sa buhay mo nawawala. Gumagaan ang hair ko, kahit kalbo ako. Isa lang ang ayaw kong makita, at yun ang ang mga pamilyang sabay nagsisimba. 2 years na din pala ako nag iisa dito sa isla ng Cebu, at namimimiss ko na pamilya ko big time! Tinatanong ko nga uli sarili ko, kailan kaya ang huling pasok naming magpamilya sa simbahan?





Posted by wei vines on Abril 20, 2008 at 3:22 hapon
hintay ko nga yung dvd sa quaipo eh..hehehe.. peace kay jackie chan.
hala!!pirata~
Posted by xienahgirl on Abril 20, 2008 at 3:26 hapon
naku
kung kelan kayo
papasok ng simbahan ng sabay
na buong pamilya?
wag naman sana
yung nauna kong naisip
hahaha
may package din siya
yiheee
Posted by kengkay on Abril 20, 2008 at 4:42 hapon
welkam
actually dapat kasama ko yan sa pinas kaya lang nalimutan ko sa oyropa e, hahaha. pasalamat ka at thai airways gamit naming eroplano kundi la kang pasalubong
sige, kiss mo na lang daw itong mga little kengkays ko sa little miss maldita…
Posted by jeck on Abril 21, 2008 at 12:44 umaga
ayos. buti ka pa napanood mo na. ako ala na kwaltang pang nood. haha
pag nagkita tayo minsan simba tayo sa may quiapo. pahula na ka na rin. lolz. all the best!
Posted by madbong on Abril 21, 2008 at 1:54 umaga
mapanood nga din yung forbidden kingdom, lahat ng pelikula ni jackie chan hindi ko pinapalampas. pero ang isa sa bagong idol ko ngayun si tony jaa ng ‘ong bak’, napanood mo din ba to?
Posted by linglingbells on Abril 21, 2008 at 2:57 umaga
ako din, ang tagal ko ng di nagsisimba at ang huling pagsisimba naming pamilya ay last year pa; nung umuwi ang aking itay mula sa tate..
panoorin ko yang forbidden kingdom, mukhang maganda!
Posted by koreanmine on Abril 21, 2008 at 4:38 umaga
huwaw, bagay na bagay ang salamin sa epleyn! pilotong piloto ah! maverick statue?
may kyuty li’l maldita ka na pala
Posted by gasti on Abril 21, 2008 at 6:51 umaga
naiinggit ako dahil wala akong package..haayas sayang at hindi ko nakulimbat ang mga ferrari ni kengks nung dumating sya sa pinas..huhuhu!
di ko alam pero nung makita ko ang pangatlong title ng post mo “simba” ang unag pumasok sa isip ko ay lion king. haaay kamoteng buhay matagal na rin pala akong hindi nagsisimba.
Posted by gasti on Abril 21, 2008 at 7:32 umaga
aasahan ko yan pards..ipapadala ko na complete address ko kasama na ang celfon number pati na rin ang landline. hehe! kung meron ka pang chinita dyan ipa-package mo na rin. salamat!
exchange gift tayo. lols
Posted by madbong on Abril 21, 2008 at 8:30 umaga
panoorin mo bro highly recommended ko saka yung latest film ni tony jaa na ‘the protector” (yun ang taytol nung lumabas yung bagong pelikula dito pero baka iba taytol sa ibang bansa). super galing siyaa
Posted by batabatuta on Abril 21, 2008 at 9:09 umaga
huwaw..cute nga po ang eroplane…sana ako din meron…hahaha..kakainggit ka kuya napanood mo na forbidden kingdom…ako din gusto ko…haysz..kaso mejo busy pa ang bata,,haysz…tgal mo nang di nagsisimba.,.hmmm….tsk..tsk..
Posted by Geisha on Abril 21, 2008 at 3:49 hapon
ganda ng eroplano
naiinggit naman ako!
Posted by islander2007 on Abril 22, 2008 at 12:35 umaga
gusto mo padalhin rin kita ng pink sand galing bermuda? heheh pink kasi buhangin dito…
Posted by maris on Abril 27, 2008 at 1:10 hapon
waahhh napanood ko din yun, pareho kong gusto yung 2 un. Love ko si jackie chan! Crush ko yun dati!hehe dami akong dvd nun dati ewan ko anung ginawa nun ni kuya! =( I dont mind watching again ganda kasi. si jet li di ko maintindihan magsalita parang nagsasalitang cartoon character haha! kaya ginawa ko tuloy interpreter ate ko. wahahaha!
Posted by maris on Abril 28, 2008 at 3:17 umaga
oo ganda ng movie. ganda nga ni sparrow. kaso eengot engot lang sya nung bsta na lang niya hinarap ung jade lord ba name nun? yan tuloy natsugi sya wawa naman si kano walang karir! wahahaha! maganda din si rapunzel ah, ang tapang ng dating.
Posted by M on Abril 29, 2008 at 5:11 umaga
Boss Maldito, nako ang cute naman ng iyong prinsesa. Iintayin ko siya para maligawan ko pagdating ng panahon. Joke.
Hanggang ngayon hindi ko pa din napapanood yung Forbidden Kingdom kahit hindi naman siya forbidden na panoorin. Hindi ako makatyempo ng panonood.
Posted by maris on Abril 29, 2008 at 8:12 hapon
si jack sparrow pala yung sinasabi mong crush mo huh.
akala ko pa naman…tsk. lols!
Posted by maris on Abril 30, 2008 at 5:24 umaga
joke lang. masyado ka naman depensib. huwag na u tampo! wahahahahahahaha!
Posted by maris on Abril 30, 2008 at 7:44 umaga
kung naisip mong mangutang sa akin. im not here leave a message. lols! (joke =P)
Posted by maris on Mayo 2, 2008 at 2:25 hapon
meaning hinde. lols!
Posted by eloiski on Mayo 4, 2008 at 6:54 umaga
wahahaah!
ang ganda nga ng forbidden kingdom!
kakapanood ko lang noong April 30!
Ayus sa effects!
Idol ko talaga si jackie chan!
Walang katulad para sa akin!
huwaawwww!!!
Posted by b@kekang on Disyembre 24, 2008 at 10:14 umaga
hayz d q nkumpleto simbang gabi kc 3 days aq ng stay sa bahrain..gusto q rin mga movies ni jackie chan..merry xmas!!