Monsters Incoporated

I. Shifting

Unang araw ko sa bagong schedule ko. Indi ako masaya sa dinatnan ko sa buhay ko sa unang araw ng kamalasan. 3 PM to 12 Midnight ang duty ko, at ang tanong kamusta naman ang uwian ko? Walang imik akong pumasok sa opisina, naninibago ang mga kasamahan ko saken at sabay pang nagsigawan na “LATE” daw ako unang kita palang nila saken na papasok sa selda namin. Indi din ako nagpatalo at sinigawan ko din sila na “Putangenga niyo! Mga tanga! Bago na schedule ko! Mamatay kayung mga anak ni Barok”! Indi ko parin alam kung bakit indi sila tinablan ng galit ko.

1 PM to 10 PM ang schedule nila…

Ako lang mag isa kahapon ang may shift na ganun. Kaya pala ang saya nila. :(

II. Uwian

Unang araw, unang araw din nag pagkawala ko ng virginity ko sa paguwi ng wee hours. Katakot takot ang daan lalot na nagmamadali kang pumunta sa Jeepney Stops at wala na palang jeep na nagbyabyahe. Kung safe lang gumamit ng MP3 player sa daan, pinatugtog ko na ang “Stranded ni Jennifer Paige” para mainternalize ko talaga ang pag iisa ko sa dun. Pero mahirap na especially ngayun na wala akong bullet proof pagsinaksak ako sa tagiliran. Goodluck ba naman dumating sa buhay. Putache! Sarap murahin ng mga ninang ko kahit wala silang relasyon sa problema ko ngayun. Feel ko lang murahin sila, pambayad sa ilang christmass na indi pagkilala saken tuwing kakatok sa pintuan nila.

II. Wrong Way

Umisip ako ng paraan para makauwi. Malapit ng mag ala-una ng umaga at nandito parin ako sa daan, naglalako ng karne ko. Kailangan kong pumunta pa sa isang city para lang makasakay ng Jeep papunta naman sa main city ng cebu. Ito na siguro ang kabayaran ng pagtulog ko lang sa bus nung nag tour kami dito sa Cebu noong 2006. Umuwi lang kasi kami sa amin ni indi ko nakita ang hugis ng Magellan’s Cross. Tinatamad kasi ako lalot na kung pagod ako. Indi ako makataxi, sinasanay ko na ang sarili ko na magtipid at 100 pesos nalang araw araw ang nilalagay ko sa bulsa ko.

III. Waiting

Umabot din ako sa terminal ng Jeep patungong Cebu city. Nasa Mandaue kasi yun kaya kailangan ko pang pumunta don para lang makasakay. Nagtanong ako sa doctor ng saksakyan (conductor?), na kung maiinit ang ulo mo ay lalaong iinit dahil sa pagmumukha na kulang nalang espaltuhin mo at magmumukhang provincial high way na.

“Patungong Jones ba to?” patanong na sabi ko habang humahawak sa bayag ko, at baka nawala na sa sobrang galit ko sa buhay.

“OO!” Sigaw na sabi niya. Nanlilisik ang mga mata na animoy ang nagtanong sa kanya eh isang maligno.

Sinabi ko sa sarili ko na, putah, kahit pauupuin mo siya sa tabi ko at icocompare di hamak na gandang lalaki ako (sabi ni nanay nung 1988). Wala kang karapatang pagsigawan ako lalo nat isa akong expat ng Mt. Olympus.

IV. Still waiting

Indi ko namalayan 3 days na pala akong umuupo sa sasakyan na yun, nag iintay na umandar. Pootah na talaga at anong oras na? Nandito parin ako sa bangketa! Nadeformed ang puwet ko sa kung ano mang hugis ng planggana. Ano pa ba ang iniintay ng driver na to at kanina pa kami atat na atat na umandar to! Kung sasabihin niyang iniintay niya si Paris Hilton na sumakay sa mabahong jeep na to,eh maglaslas nalang siya at indi yun magaganap. Kasi si Paris Hilton nandun pa sa public market namimili ng talong kakainin.

Panay sabi ng katabi ko na ” Manong, indi pa din ba to aalis?”. Paulit ulit na sinasabi niya habang panay wiggle ng puwet niya sa upuan na wariy may pumasok na anaconda sa hole niya. Paulit ulit na ako na mismo ang naiirita sa kanya. Galit na talaga ako sa mundo at sa mga taong ginawa ng mga magulang nila. Sarap barilin sa bunganga ng babaeng to at kunan ng larynx, para tumahimik nalang. Nilingon ko siya at napasigaw ako sa nakita ko. “Bebang isdatchu?!” Isa lang ang sinagot niya saken.

” Manong, indi pa din ba to aalis?”.

V. Gracefulness

Marami nang galit sa loob ng jeep at isa na ako dun. Kung pwede lang gawing nuclear components ang galit ng tao, malamang nawala na sa mapa ang Jollibee na kaharap ng terminal at si Ronald McDonald na katabi lang niya. Naisip ko bestfriends talaga tong dalawa to, na kahit saan ka magpunta eh magkaharap o magktabi sila.

Isa isang lumabas na ang mga pasahero para mag transfer sa ibang jeep. Gusto ko din lumabas na rin pero mukhang mawawalan ako ng future pag ginawa ko yun. Habang isa isang lumabas sila, panay din naman ang harang ng conductor sa kanila at sinisigawan ng “Saan kayo pupunta hA!?” habang pilit na pinapapabalik ang mga psahero.

Natawa ako sa lalaking kaharap ko. Tinanong niya ako if si Marcos ang driver mas masahol pa kasi sa martial law ang sinakyan namin. Indi pwdeng lumabas? What the fuck! Ano ba ang sinakyan naming to? Byaheng impyerno? Pinikit ko nalang mata ko at huminga ng malalim para indi sumabog habang nagplaplay sa background ang……..

” Manong, indi pa din ba to aalis?”.

VI. Finale

Lumakad din naman ang jeep pagkatapos ng pag alisan ng mga pasahero at iilan nalang kami ang natira. Tumigil na din si Bebang sa kakasabi ng motto in life niya. Basa na din ang panyo ko sa laway niyang umaagos pag nagsasalita. Manong palang na word ang lumabas sa bunganga niya eh balde baldeng laway na ang maproproduce. Bagay gawing irrigation to sa palayan sa Zambales.

Nakarating din ako sa another Jeepney stop na sasakyan ko papunta na sa bahay. Excited pa naman ako bumababa sa jeep ni Hudas, pero napaihi nalang ako nang makita ko sa Jeepney stop eh isang mambabalot na nakabuka pa ang bunganga habang nag iintay sa sikat ng araw. Im dead. Wala na ding Jeep patungo sa amin.

Nakita ko may mga trisekel na nakaparada sa gilid ng daan. Nilapitan ako ng isang driver na mukhang bakla, pero sing laki ng kalabasa ang masels. Tinanong ako kung saan ako papatungo at sa shock ko ay indi ako nakapagpalabas ng isang salita. Nag smile nalang ako at lumakad patungo sa dating daan. Sinundan ako at tinanong ako ulit. Saan ka ba bro?

Sinabi ko sa UP ako uuwi. Pinilit akong pasakayin sa trisekel niyang kulang nalang eh pakilo niya at pambili ng NFA rice ang etsura. Magkano ba naman ang pamasahe? Ika ko habang nanginginig na sa takot na marape nang indi nakapaghanda. Mahirap na ang buhay ngayun, maraming gutom sa karne kong nilalako. LOls.

Nagulat nalang ako na parang nagtaxi na din lang pala ako if sumakay ako sa walang kwentang trisekel niya. Tumakbo ako ng malayo, parang baliw sa sinapit kong kapalaran. Mabuti pa si UNDING, nandun na sa malayo kasama ni manilyn reynes.

VII. The End.

Nilakad ko nalang pauwi. At pinapangako ko sa harap ng sino sinong santo, magbabayad ang boss ko mamaya pag pasok ko ng opisina.

31 Tugon to this post.

  1. hahahah. dapat pinatay mo na yung cundoctor. bakit bawal bumaba? hahaha… sira ulo…

    sarap nga eh…mukhang gago! mukha pang aso!

    Tugon

  2. At pinapangako ko sa harap ng sino sinong santo, magbabayad ang boss ko mamaya pag pasok ko ng opisina.
    ————————kaya pala magreresign ka na. haha
    batas??? LOL

    batas gid eh!! indi ko na talaga kaya!

    Tugon

  3. ..haysz…dapat pala kuya simula pa lng naglakad ka na..nakauwi ka agad…di mu pa nakita ung doctor na panget..at di ka pa nagbayad na parang nagtxi ka na rin…hahahaha..apirrrrrr…lagot si boss mo mamamaya…hehehhe :)

    kung alam ko lang sana na ganito ang magiging buhay ko. nag resign na ako!

    Tugon

  4. kaya pala nasabi mo sakin na mahirap umuwi. tara dumugin natin boss mo hehe

    cge..hawakan mo ulo niya at sisipain ko 10 times!

    Tugon

  5. what the.. you mean, alas dose pa lang wala nang tao sa labas? grabe..katakot 0__o

    oo..katakot nga..hala moooh!!

    Tugon

  6. magdala na kasi ng extrang pera para di abutin ng umaga sa daan.teka, ano ba work mo at ganun sked nyo?

    gudluck sa pag-uwi mo mamaya.ingat ka kay manong na mukhang bakla pero malaki ang masel.pag nagkataon,ilong mo nalang ang matitirang virgin.

    peace men.:D

    di ko alam if dun pa rin ako dadaan..nagtanda na ako ng husto.. :(

    Tugon

  7. alam mo ang may kasalanan yang boss mo difungal sya alam nya namang sa planet pluto ka pa umuuwi bat nilagay ka sa sked na yan.. dmi mo tuloy… kachurvahan na nangyari sayo..

    hu hu hu..reresign na nga ako…indi ko kaya ang ganitong patakaran!

    Tugon

  8. Posted by pEyt on Abril 22, 2008 at 10:00 umaga

    mas lalo pla kita dapat sabihan ng “ingat, ingat”
    (haaayyy…nakapagcomment din…ahahah..^_~)

    san ka ba galing?ahe he he

    Tugon

  9. hay
    soulmate magiingat ikaw sa paguwi
    ano naman kala nila sa iyo?
    bampira?
    hahaha

    siraulong boss na yan
    baka kailangan mo pagbayaran
    ang hindi pagflush ng toilet
    kaya ganyan parusa mo?
    hahaha

    indi ako bampira soulmate..nagmumukha lang bampira pag pagod..ne indi nga ako gumagamit ng comfort room dito sa office kasi ayoko mag iwan ng marka..lols

    Tugon

  10. oist! add ta ka blagroll ko ha? :)

    cge add lang dira..add ta man ka kung makaplastar ko buwas..sako gid eh..thanks!

    Tugon

  11. hehe, wawa ka nman

    salamat sa symptiya.

    Tugon

  12. Posted by pEyt on Abril 22, 2008 at 2:04 hapon

    ahaha…ako san galing?naligaw ako sa ibang blog…muntik nako di makaalis at mapadpad dito…ahahah
    muka ngang ang dami ko namiss sa blog mo…pati ikaw…lol..
    ingat ka sa paguwi, tingin sa paligid, dala ng pang self defense kht tinidor, ok na..ahahah…
    ingat ingat lagi…

    Tugon

  13. Posted by pEyt on Abril 22, 2008 at 2:10 hapon

    ahaha…san ako galing?
    naligawa ako sa ibang blog, muntik nako di makaalis at makapunta d2…hehe
    muka ngang ang dami ko namiss d2 sa blog mo.pati ikaw namiss ko..lol..
    ingat ingat lagi…tingin sa paligid, dala pang self defense, tinidor pwde na…ahahah

    nag dodoble ang comment mo..hahhe..salamat…isa lang ang weapon ko..PRAYER…nawala ka??hmm..buti at alam mo ang mapa papunta dito.

    Tugon

  14. Posted by islander2007 on Abril 23, 2008 at 2:24 umaga

    nyahh…saang part ba sa mandaue yan at wala ng masakyan…ang mahal talaga maningil ng mga tricycle drivers pag madaling araw..kala nila stretch limo yung pinapasada nila..ehehhh

    sanayan lang bro!

    sa may mabolo bro..panagdaet..kainis nga eh…

    Tugon

  15. Sa totoo, medyo nakakaawa ang iyong sitwasyon.

    hanggang kailan kaya to?

    Tugon

  16. Posted by koreanmine on Abril 23, 2008 at 3:01 hapon

    iisa halos wento ng mga graveyard shift na agent.. wawa nmn tayo, hirap tlaga mabuhey.. kaya ayun, kung mahal ang buhay eh sa resyn nauuwi …

    mukhang dian na din ako patutungo..malapit na ang expiration date ko..ahe h ehe

    Tugon

  17. karimarimarim naman ang iyong naging sitwasyon

    mas karimarimarim ang gagawin ko sa boss ko.

    Tugon

  18. Posted by yuie on Abril 24, 2008 at 2:06 umaga

    dah, col center pa…ehehe
    mabolo diay ka agi? always mn naa 03L.. din 04L daun ka..ehehe…
    adto2 pa mn highway gud..waheheh

    wa na lagi jeep basta midnyt na…kaw jud…

    Tugon

  19. kasuya talaga ang shifting ano? kaya nga ang nanay ko, sabi nya nung nag-asawa na ako, at least daw natanggalan na sya ng isang tinik— kse lagi sya nagwo-worry pag umuuwi ako ng madaling araw…

    eniwei, pasakalye lang lahat ng sinabi ko sa taas… ang main comment ko ay ito— i just tagged you… hahaha (bisita na sa blog ko)…

    ahahaha….ayun at lumabas din ang pakay..cge…puntahan ko!

    Tugon

  20. hamunin mo na ng suntukan yung boss mo maigi pa. tapos saka ka magresign..hehe! akalain mo nga namang ikaw lang ang napahiwalay ng sked sa mga kasama mo..thats unfair! injustice!

    babae yun bossing…sabunutan natin tapos lagay sa sako at bugbugin.

    Tugon

  21. buti nakauwi pa ng buhay yung mga sinakyan mong transpo ay este! buti nakauwi ka ng maayos??..hehe

    aha ha ha..salamat sa pag alala mo sa sinakyan ko..ang sama niyo!

    Tugon

  22. wahaha! ahhm.. panagdait ka dapit sah? hehehe.. mingaw jud na diha dapita.. LOL!

    dapat buy your own car.. wahaha! call center bitaw ka.. dako sweldo.. :lol:

    ako nga, nung colboy pa ako, my shift started at 2am.. kumusta naman yun? tapos, ang layo pa ng IT park.. hehehe! kaya, resign kaagad ako.. wahaha!

    sumasarap ba pakiramdam niyo pag tinatawanan niyo mga kaibigan niyo? :( …reresign na dina ko bro…dont worry..indi ako tatagal sa ganitong sitwasyon!

    Tugon

  23. hindi masarap ang pagtawanan nuh! hehehe [bat ako tumawa?]… ok lang yan.. matulog ka nalang sa paseo.. malapit lang naman yan sa office mo.. or magkape ka nalang sa offroads.. walang tulugan.. wahehehe..

    oo ba…payag akong matulog sa paseo…basta may free beer lang.lols

    Tugon

  24. add kita ha…

    pareha pla tau..gusto ko ng magresign… i don’t like my job… hehehehehe

    pag isipan mo muna ang pagreresign…baka pagsisihan mo yan lalo na ngayun na mahirap mag hanap g trabaho..grrr..back to 1 na naman ka.

    Tugon

  25. aww.. kawawa ka naman bhe.. hirap nga magcommute dyan sa cebu pag-gabi na.. sana sinabihan mo ko, pinasundo sana kita ng helicopter natin wahaha (libre ang mangarap) lolz.. pano yan, everyday ganyan na mangyayari sayo? :D

    oo bhe….naaawa ka ba saken bhe?kiss mo nga ako..lols…oo bhe..sanayan nalang to.

    Tugon

  26. kamusta naman kalagayan ng boss mo? buhay pa ba siya? hehehee

    sa bangketa na pinulot.

    Tugon

  27. Masarap namang maglakad ng madaling-araw. Pero depende sa lugar ng nilalakaran. Kung yung lalakaran mo eh bundok tapos maraming bakanteng lote at puro kadiliman ang nakikita mo eh maiisip mo na sana meron ka na lang foldable na bisikleta.

    tapos may lalabas na mamaw..kakainin ka ng buhay..ahe hehe..mas mabut maglakad sa forest…mas safe pa sa city.

    Tugon

  28. gaano ka na bakatagal jan sa call center? ako? i worked for like 6 months lagi ako pang umaga ang sakit ng lalamunan ko nun, pagod ako palage kakasalita tapos nakaupo ka lang maghapon, kaya tumaba ako nun ng sobra. kaya bilib ako sa mga call center agents na natatagalan yan. it’s just not my thing. Masakit pa sa ulo, yng bang mga puti kahit anong paliwanag mo sa bill nila di nila maintindihan. kung puede lang sabihin na “its just simple as this- you dont pay your bills that why u got disconnected. have common sense jackass! ” lolz! kaso di puede.

    ano kaya masasabi mo if sasabihin ko sayu na 2 years na ako bilang call center agent?

    Tugon

  29. isa ka talagang bihasa na call boy. ahahahhahaha! seryoso tibay mo ah. to think nights ka pa. sa amin wala days and eve lang kasi nga sa time diff. bilib ako sau dudong (isang ice frap ito) lols!

    yun na nga eh….malapit na akong gumive up sa career na to..hu hu hu

    Tugon

  30. tutal may abs ka naman dahil sa sikretong mong kakalapang mo ng pancit canton, mag call boy ka na lang. ahahahaha! ako bugaw mo. bebenta ka prete boy! ahahaha! sigurado yayaman na rin ako! ahahahaha!

    call boy naman ako ngayun eh..ahahaha….

    Tugon

  31. eh takot ka naman pala sa conductor..haha..dapat bumaba ka na lang.. saka bakit mo naman nilait ung trycycle nung mama? kawawa naman.. ikaw talaga..

    indi naman tricycle ang nilait ko eh…ang mama..

    kasi mukhang momolestyahin niya ako..aha haha

    Tugon

Tumugon sa paskil na ito