I. Ang Uwian
Midnight na naman. Uwian na naman naming mga call center whores, na walang ginawa kundi mag pleased ng mga kano na walang kayang gawin sa buhay kundi ang bumili ng mga bagay na kahit simpleng pag turn on lang ay indi alam. Ang alam lang nila ay ang pag turn on ng kanilang sarili. Buhay callboy naman o.
Tumawid ako ng dali-dali sa daan papunta sa jeep na sasakyan ko. Nakaparada ang apat na ibat-ibang kulay na jeep, kasama ang mga conductor na kulang nalang eh sigawan ka with free taste saliva, talian ng barbwire at piliting sumakay sa Jeep nila. Nag ini-mini-MANI-mo ako kung saan ko ba ilalagay ang sarili ko. Pinili ko yung baklang jeep. Bakla kasi Pink siya, plus may libreng sing along sa loob kaya sooo gay ang environment. Gusto ko yun para indi antukin at nang mabantayan ko ang sarili ko. Hirap na mawalan ng puri’t dangal sa panahon ngayun na mahal na ang bigas. To nalang ang natatanging kayamanan ko pangpalit sa NFA rice kung dumating ang time na magigipit ako.
II. Sooooo Gay
Umandar na ang jeep. Tumugtog ang “It must have been love” ni lola Roxxette na kahit matanda na eh todo sex appeal parin. Kahit ako tinatablan pa…ng kanta niya. Wag madumi ang isip. Cross my heart hope they die, promise, pangako, ich liebe dich! (alin ang naiiba?). Na carried away ako, nanumbalik ang mga kahapon kong simtamis ng sunshine, sing tatag ng wine. Ano daw? Binubuka buka ko ang bibig ko, synchronized sa lyrics ni Roxette. Sa sobrang feel ko ng music, indi ko alam iba pala ang routa ng sinakyan ko. Damnit! San na ako?
II. If the Pride is Right
Sinubukan kong manahimik sa gitna ng pagtataranta ko sa sinapit ko. Smile, breath in-breath out, sabay tingin sa kaliwa’t kanan. Syet! Iba talaga ang jeep na sinakyan ko, na inakala ko’y props lang yun sa pagkanta ko para maiba naman ang settings na kunwari nag vivideo ako sa kantang “it must have been love”. Totoo pala ang hinala ko. Naligaw ako sa gitna ng gabi at umaga. Midnight? Indi na ako nagtanong sa conductor at sa mga seatmate ko na puro nakanganga sa pagkahimbing ng tulog kung saan to dadaan, at saan din to hihinto. Hihinto lang ba ito kung nabanga na? Wag naman sana kasi wala akong helmet. Ayoko talagang mawalan ng pride dahil sa ginawa kong ito. Yokong sabihin nila, ang laki kong tanga na nakabihis sa pekeng lacoste na polo shirt. Tao lang ako, marupok at may pagkakamali kung minsan. Eh ano ngayun? Eh virgin naman ako? Lols.
III. Ang Vibrator
Tumigil ang jeep sa simbahan ng Sto. Niño church kung saan pinako si Magellan. Magellan’s cross eh, kaya sa kanya yun. Madilim, walang tao, maliban sa mga taong grasa na kumakain ng hangin.
“San ka ba boss?” tanong ng conductor na kamukha ng pinagsama samang mukha nina Baron Geisler, Korina Sanches at Karen davila. In short, mukhang bakokang.
Sa takot ko ba naman na magmukhang tanga, kumaripas akong bumababa sa jeep sa gitna ng kadiliman. Tinignan ko ang desyertong lugar. Nasa crossroad ako. Nakakatakot ang lugar. Mas pipiliin ko pang maglakad lakad sa bukid keysa sa ciudad na puro halang ang kaluluwa ng gumagala sa ganitong oras. Nag-isip ako ng paraan para isafe ang cellphone ko at pera. Nilagay ko sa sapatos ko ang pera..sa brief ko naman ang cellphone ko. Pawis at dugo ko ang inalay ko para mabili lang ang cellphone nato, at indi ako papayag na kukunin lang ng ibang tao nang ganun kadali ang pinaghirapan ko. Naglakad lakad ako sa kadiliman, sabay kanta ng….”It must have been love”.
IV. The Tingling Effect
Sa gitna ng paglalakad lakad ko sa kalakihan ng carbon street, may naramdaman akong ibang kiliti sa loob ng brief ko. Masarap, kakakiliti,masakit dahil parang binabati ang dalawang yagbols ko para gawing omelet. Ngunit indi ko yun inalala, lalo nang may sumsunod saken na lalaki na mukhang lifesize na gremlin. Im dead.
Nagtatalo ang isip ko kung sino ang uunahin ko.
Ang sagutin ang tawag sa cellphone ko na nakalimutan kong i-off ang silent mode na kasama ang vibration, o ang kumaripas ng takbo dahil sa tsonggong nasa likod ko?
V. Off Guarded
Buti nalang at sa dulo ng nilakaran ko ay may gising na guard. Dali dali akong pumunta malapit sa kanya at tumayo lang na parang engot. Basa ng pawis. Naguumpukan parin ang yagbols ko. Tangena! Sino ba naming admirer to ang ayaw pa awat na sagutin ko! Syetyt!!
Manong, saan ba ang sasakyan papuntang lahug?” tagalog na sabi ko kasi indi pa ako sanay sa wikang Bisaya. Kinain ko na ang naiwang pride ko. Inamin ko na rin na tanga ako.
“Dyan lang sa kabilang building. Dumeretso ka, liko at dyan sa may cinema ka mag intay ng jeep”. Ika ni mamang guard na wala na palang buhok pero carry parin ang mag cap.
Nagpasalamat ako at sa awa ng Diyos, may jeep pa papunta samen pag dating ko sa lugar na sabi niya. Sumakay ako kasama ng mga ale na galing namalengke. Putcha! Amoy pawis na nga ako,mag aamoy malansa pa ako. Maiyak iyak na akong umupo sa tabi ng baklang nakapula. Inabot ko ang bayad ko sa kanya, tumingin siya saken, sa mukha papuntang baba ng pantalon ko. Kita sa kanyang mukha ang pagtataka bakit gumagalaw ang frontal ko.
Oo! Nagvivibrate pa siya. Pero indi ako nagpahalata, extra asset pa yun, at baka sabihin na malakas talaga ang masel ng jr ko. Kahit pantalon ko, kayang butasin. Lols
VI. Goodnight Sleep
Sa wakas nakauwi din ako. Tumila na din ang lindol sa loob ng brief ko. Kung curios kayong malaman kung gaano ako natakot kanina, how much more kung makikita niyo lang ang basang cellphone ko dahil sa pawis? Buti nalang naka protective gear and cellphone ko. Kung indi, tiyak voided na ang warranty nito.
Tinignan ko ang call log ng CP ko at gustu ko sanang murahin ang nambwesit saken. Napangiti lang ako nung tignan ko na, si Mama pala ang tumatawag. Means worried pala siya saken, kahit minsan inisip ko na, ampon lang ako. Lols.
Masarap ang tulog ko, kahit minalas lang ako.

Posted by xienahgirl on Mayo 2, 2008 at 10:43 umaga
it must have been love…
with manong guard
hahahaha
hanuber soulmate
magiingat ka ngaaaaa
paano na ako
kapag nawalan ako ng soulmate?
hahaha
buwisit pala ah?
buwisit pala si mother
hahaha
Posted by kengkay on Mayo 2, 2008 at 1:21 hapon
hahahaha, ako nung hindi pa ko marunong magsalita ng aleman, ilang beses din ako naligaw dito ha, pero hindi ako nagtatanong kasi kunyari alam ko. kahit na ilang oras na akong paikot ikot, waaahhhh.
Posted by dakilang islander on Mayo 2, 2008 at 3:13 hapon
naku bro nakakatakot maglakad sa area na yan lalo na pag ganung oras…pinili mo kasi ang gay na jeep ayan tuloy…
Posted by finch on Mayo 2, 2008 at 6:38 hapon
‘lang nila ay ang pag turn on ng kanilang sarili. ” Nice one this made me laugh after a stressful closedto 24hour work lol
Posted by aga on Mayo 2, 2008 at 7:52 hapon
ingat ahehehehe asust….
Posted by LimeGemini on Mayo 3, 2008 at 1:52 umaga
ALam mo ba nagkakauntogan na kami ng ulo ng katabi ko dito sa bus dahil sa kakatawa ko ng patago. Parang loka loka ako dito sa kakabasa ng paulit ulit ng post mo. It must be really hard for you carrying mobilephone between you eggies. Hehe.. .. Imagin carrying carry mo hah.. Haba ng linakad mo pero on the go ka parin while you got the buzzing vibrator in your pants.
Beleb.. Hehehe..
Posted by jombee on Mayo 3, 2008 at 2:02 umaga
…hhehehehe tawa ako ng tawa… Ano kaya ang feeling ng ganun? Na may vibrator sa loob ng brief.. Masubukan nga… heheheheh
Add kita bro…
Posted by Lyzius on Mayo 3, 2008 at 4:53 umaga
langhiya! naiwan ko palang nakabukas ang blog mo dito sa pc ko… nabasa nung pinoy na katrabaho ko yung part na “tumila na rin ang lindol sa brief ko”… bakit daw ako nagbabasa ng xerex?
huhuhu…ang reputasyon ko dito sa pagiging matimtimang birhen nawala na!!!! ang engot kasi yung bastos part lang ang nabasa nya…akala nya…huhuhu…akala nya… ang aga-aga nagbabasa ako ng bastos! huhuhuhu
Posted by rio on Mayo 3, 2008 at 5:43 umaga
masarap tulog mo kasi na vibrate sila noh??hehehe…juk!
Posted by Lyzius on Mayo 3, 2008 at 7:15 umaga
sige bili tayo sampu agad para me naka reserve…hihihi…
aba si dok at me nalalaman pang pampasarap ng tulog kapag naba-vibrate yun…
Posted by partofyou on Mayo 3, 2008 at 9:46 umaga
one of the best entry…buti na lang me maldito, kundi…boring na talaga ang blogosphere!
Posted by Hener on Mayo 3, 2008 at 10:06 umaga
Ang lesson, wag sasakay sa baklang jeep.
Posted by Jules on Mayo 3, 2008 at 1:36 hapon
Uy Maldito, sabi ng kapatid ko bakit daw ako tumatawa habang binabasa ang blog entry mo! Natawa lang ako dun sa cellphone pero hindi dun sa paghahanap mo ng paraan kung pa’no ka umuwi. Next time, wag ka nang magpapadala sa panandaliang aliw ng mga jeepney stereo ha!
Posted by N!ckph on Mayo 3, 2008 at 2:56 hapon
Palagay ko nahypnotized ka sa kulay ng jeep at na carry on sa music. Doon naman sa cellfone mo na nagbavibrate sana huwag gayahin ng mga ladies na ilagay doon sa panty nila, nalo na kung ang brand ng cellfone nila ay siemens mahirap na magtiwala sa panahon ngayon…..sige kayo tatawagin kayong disgrasyada….lol.
Posted by The Gasoline Dude on Mayo 3, 2008 at 3:39 hapon
Ayus sa blog ah! Babalik ako. = P
Posted by cliogoddess on Mayo 3, 2008 at 4:00 hapon
sheet sana naging cellphone nalang ako, bwahahaha. yuckie. basang basa ako, hehehe
Posted by jeeper on Mayo 4, 2008 at 6:04 umaga
ganyan talaga ang buhay natin. hay! Anyways, Pinakaiinisan ko talaga sa shift natin (noon at soon-to-be) yung fresh yung nakakasalubong natin tapos tayo un-fresh. hehehe.
Posted by antuken on Mayo 4, 2008 at 10:23 umaga
yan… maging alerto lagi dapat para di nagkakamali ng nasakyan… hehehe… ang haba ng post mo… hehehe
Posted by Geisha on Mayo 4, 2008 at 2:33 hapon
bwahahahahhaha! buang ka!
natatawa ako sa “bakokang” na yan!
yan din kasi sinasabi ko sa mga feeling maganda dito!
in all honesty yun ha! at in fairness hindi nila gets! (buti na lang)!
charged to sexperience ang nangyari sayo!
Posted by linglingbells on Mayo 4, 2008 at 11:57 hapon
nangyari ang lahat ng yan dahil sa pinili mo ang baklang jip!
Posted by jombee on Mayo 5, 2008 at 1:22 umaga
http://jombee.wordpress.com bro.. add me pls
tnx
Posted by gasti on Mayo 5, 2008 at 2:57 umaga
ako naman kapag naligaw ako nung bata ako hindi ako nagtatanong ng daan para di rin obvious na naliligaw. dati nga eh hindi ako makalabas sa mall na pinasukan ko pero matyaga kong hinanap ang tamang daan palabas pero iba na ngyon.kapag naligaw ako naghahanap agad ako ng tambay sa kalsada. ahehe! pahirapan ko pa sarili ko wala naman bayad magtanong.
Posted by kulot on Mayo 5, 2008 at 6:01 umaga
III. Ang Vibrator
may naalala ako sa part na to, sa cebu nangyari sa akin to, first time ko rin noon, sumakay ako ng dyip at gabi na nun yun, basta ang alam ko dadaan sa hotel na tutuluyan ko yung dyip, hanggang sa ako na lang ako pasahero, at tinanong ako nung driver kung saan ako baba, di sinabi ko, at talagang yung itsura nung driver, parang sya pa may kasalanan
Posted by M on Mayo 7, 2008 at 2:59 umaga
Buti na lang at hindi mo inilagay ang cellphone mo sa sapatos mo at ang mga barya mo sa brief mo.
Masakit kapag naipit ng dalawang magkadikit na barya ang balat ng betlogs.
Posted by maris on Mayo 7, 2008 at 4:14 umaga
that vibrating cellphone on your thingy…. naimagine ko my prete boy maldeto, tumataas balahibo ko! hahahahaha!
Posted by maris on Mayo 8, 2008 at 10:51 umaga
ang TANGA kasi nung jeep. maledukado! hahahahha!
Posted by Tholitz on Hunyo 7, 2008 at 6:19 hapon
Nangyari din sakin yan sa Cebu, “Tanga in the City rin”, di ko yun malilimutan, naisipan ng mga katrabaho ko na magliwaliw sa may Osmena (sa may sirkol ba), matapos kumain ng tinuhog na longanisa sa may chongwa (ospital), ay sumakay kmi agad ng dyip may maganda rin na sumakay sinundan lang nmin ayun sa lahug pala ang punta, samantalang sa subangdaku ang staffhouse namin.. ayun…joy ride ng midnight…
Posted by Tholitz on Hulyo 4, 2008 at 4:20 hapon
Axis Global hehehe…. pero that was 2years ago pa… unforgettable experience kaya di ko malimutan.. sobrang dami kung experiences jan sa Cebu…
sana nga makabalik ulit ako jan.. hehehe puntahan kita sa Lahug..
Posted by Tholitz on Hulyo 5, 2008 at 5:32 hapon
Oo, I remember RH din favorite namin, uso rin ung inuman sa gasoline station.. tambayan namin ung sa Petron Station sa Maguikay, halos kaututang dila ko na ang mga tindera ng petron treats.. hehehe… I miss those times.. halos araw araw lasing.. hehehe.. actually jan ko naappreciate ang uminom… ang sarap pala… manamis namis.
Posted by Tholitz on Hulyo 6, 2008 at 6:49 umaga
sa mandaue un pre, natuto rin akong mamangka sa dalawang ilog kaya memorable tlaga.. hehehe..
Posted by Tholitz on Hulyo 6, 2008 at 1:54 hapon
Mala Goma dating ko nun pare, rowing sa dalawang ilog.. hehehe… pero ika nga wlang utot na di nangangamoy…
ayon na wrong send ako kaya nabisto.