The Conversation

Umupo ako sa pulang swivel chair sa loob ng cubicle ko sa opisina. Ulo ko’y nakatingala sa puting kisame, sumisikap na mawala ang Iris ko at puti nalang ang makikita sa mata kong dilat. Kung indi mo namalayan ang ginagawa ko, malamang sinabi mo na narating ko na ang pampitong orgasm sa etsura kong ito. Walang magawa sa buhay at pinagtripan na bilangin ang butas ng kisame, habang nagmemorize ng satanic mantra na:

“Sorta, kinda, like a, parang medyo may pagka. Sayaw kikay, sayaw kikay”

Tamang adik ako pag minsan kung nauubusan na ng magawa sa buhay. Kulang nalang eh hanapin ko ang crossroad papuntang langit at empyerno…em..em..empyerno! Saksak puso tulo ang dugo! Bow.

Ilang oras na din akong nakatingala sa kawalan, nag iintay na tumambad ang bunganga ni boy abunda sa kisame para naman mawala na ang antok ko. Bunganga palang niya kasi, taob na ang Hostel part 1 and 2 isama mo pa ang tambalang Hannibal Lecter at Joebert Sucaldito.

“Anak, ano ang ginagawa mo” sabi ng isang voice sa background habang pinipilit kong patayin ang bombilya gamit ang mapupungay kong mata. (Telekinesis my ass)

“God isdatchue? Bat parang kay mike enqiuez ang boses mo?” Gulat na tanong ko habang hinahanap kung saan puwet nangaling ang boses.

“Tanga. Tumingin ka sa itaas. Nariyan ako”. He replied. (char! English).

Pagtingin ko sa taas, akala ko bunganga ni boy abunda ang makikita ko. Indi pala. Isang puting nilalang ang naka tingin deresto saken. Nakangiti at kita ang close up smile niya sampo ng kanyang ngipin. Nakadikit sa kisame na animo’y isang miniature na spiderman. Siya’y isang kaibigang butiki, sa kisame.

“Ang laki naman ng boses mo para sa katawan mo.” Sabi ko sa kanya habang nagtataka sa nagaganap ngayun.

“Walang basagan ng trip. Naniniwala ka ba key God?” Tanong ni KB. (Kaibigan butiki).

“A…e…hmmmm..?” sagot ko sa kanya.

“Indi no?!” sumbat ni KB saken.

“Putah! I’m still formulating my ideas!” English yan. Period. Ika ko.

“Wag mo akong Englisin!Yes or no lang naman ang sasagot mo. Mahirap ba yun?” Sabi ni KB.

“Hmmm..medyo”. Sagot ko sa kanya.

“Bakit medyo?”

“Nakita mo na ba si God? May nakakita ba sa kanya?” Binalik ko ang tanong sa kanya.

“Wala at indi. I live by faith and not by sight” ang reply ni KB.

“So kung ganun, naniniwala ka din ba sa mga chismis kahit indi sila proven o tested o indi mo nakita and ebidensya?” wika ko.

“May point ka. Pero…” indi na ni KB tinapos ang sentence niya.

“Ano ba ang purpose mo dito sa earth?” tanong ko sa kanya.

“Ang mabuhay at mamatay”.

“Eh bakit kapa binuhay if mamatay ka din naman sa huli. Para patikimin kung gaano kapait ang buhay?”Sabi ko.“San ka pupunta pagkatapos mo mamatay?”

“Ewaan”. Maikli na sagot ni KB. Simula na mag init ang ulo niya.

Tatanungin ko pa sana siya kung bakit nilikha ni God ang kabutihan, pero nag invent din siya ng kasamaan tapos ipagbabawal sa atin na gawin yun. Pero sa isang kisap mata lang, nawala si KB. Nag-walk out ang gaga.

Nagulat nalang ako nang may tumunog sa lamesa ko. Tambak na papers na tatapusin ko ngayung araw. Nakatulog ako, pero nagulat nalang ako na may ebak ng butiki ang noo ko.

Minsan sa buhay, mas mabuti na yung indi ka magtatanong sa mga bagay bagay na alam mong mahirap hanapan ng kasagutan. Let life live as it is. Dahil sa mga taong matanong, isa lang sa dalawa ang mapapala mo: Ang mataehan ka o ang magising sa katotohanan.

26 Tugon to this post.

  1. ang lalim, hindi ko naintindihan, bwahahahha

    Tugon

  2. me ganyang side ka pla. choze`

    dark side ko to. :)

    Tugon

  3. ang usapin ukol sa Diyos ay isang walang katapusang debate dahil ang patutunguhan lang nito ay mga sanga sangang katangahan. ay mali. katanungan pala.

    infinity at its best.

    nice post. :D

    muntikan na ngang indi matapos ang post ko na to sa sobrang dami ng thoughts ko..ahehhe…salamat!

    Tugon

  4. buti hindi ka naging bato, hahaha!

    ibong adarna?ahe hehe

    Tugon

  5. this post sorta reminds me of one of bob o.’s books… hehehe…

    nice post. “Nag-walk out ang gaga” —-> dito ako natawa. parang badinggers kse ang dating. hahaha.

    ahehhee…..thanks sa pagdaan ate cho!

    Tugon

  6. Akala ko naman excerpt from the book “Conversations with God” ‘tong post mo. Butiki naman pala kausap mo. Hahaha! = P

    ahhehee…..adik kasi pag minsan.

    Tugon

  7. Ika nga nila, ignorance is bliss.
    Sa ating paghahanap ng sagot sa mga katanungan natin sa bhay eh mas lalo tayong lumulubog sa dagat ng ating pagkalito.

    =)

    Header image tutorial ba ‘kamo? Haha. Ano bang gusto mong image at baka matulungan kita kapag free time ko dito sa opis

    cge bro…turuan mo ako!ano ba ang tool na gamit mo?hmmmm…isip pa ako ng theme.ahehhe

    Tugon

  8. yan ang napapala ng mga taong nagpalipas ng gutom..parang adik–naghahallucinate. buti tae lang bumagsak sa noo mo hindi yong butiki mismo..

    pero lalim mo ngayon ha. iba ang dating!

    ahaha..pasalamat kako indi tuko ang bumagsak..pootah!aha haha

    Tugon

  9. nagkaquarter life crisis ka ba? hehehe…di bale… nabigyan mo ako ng idea pang story telling sa mga pamangkin kong ayaw matulog at tanong ng tanong.. salamat ha? sana magkita kayo ulit ni KB ng may part 2 ito.

    malamang tama ka.quarter life nga..ahe he he..sana nga. :)

    Tugon

  10. Posted by jombee on Mayo 8, 2008 at 12:26 umaga

    .. medyo imposible na nagsasalit ang butiki… But the thought is there… mahirap talaga magtanong ng mga bagay na ang hirap hanapan ng sagot… Lalo na ang sagot ay alam na natin pero di lang natin kayang tanggapin…
    ang lalim ko noh?
    try mo na lang din read ng mga post ko… dumaan din ako sa mga ganitong pagkakataon… ang maging OA pero malaman…

    basahin mo ulit..malalaman mo na sa panaginip lang nangyari yun.. :) …punta ako dyan. dapat may beer na kasi indi ako tumatagal sa isang bahay pag walang inuman.lols

    Tugon

  11. wow nakakatawa pero napakalalim… napakamatalinhaga. hehehe. in fairness natawa talaga ako. tama ka kaibigan, sometimes it is better to leave things as it is.

    he he he.salamat.

    Tugon

  12. hehehe…gutom at pagod lang yan=)

    siguro nga…:)

    Tugon

  13. buti na lang sa noo at hindi sa bibig bumagsak

    waaaaaaaaaaaaaa…potah!malalasap ko na ang tae ng butiki pag ganun!ahaha

    Tugon

  14. HANEP! daming fans, dami nag comment…

    isa lang mapapayo ko sa yo kapatid… hinay hinay lang sa paghithit ng utot…masama ang epekto sa katawan

    ngek..asan ang pans?kainin natin..lols

    Tugon

  15. nakanang, sa ibang blog site, kalibugan naman ang panaginip, dito naman about faith… libog + paniniwala, gandang combi….

    ahahhhee….tsaktong opposite region.

    Tugon

  16. its better to know nothing…. than to know it at all.. <<kanta yan… pinulot ko lang :P

    sinong kumanta ng mabaril ko?

    Tugon

  17. wala kong masabi..sadya lang ayokong manahimik kaya comment pa din ako…

    let life live as it is…uy nabulol ako sa pagbabasa!

    un lang..:)

    di ko nakalimutan daanan ka kahit busy ako!

    Tugon

  18. wala kong masabi..sadya lang ayokong manahimik kaya comment pa din ako…

    let life live as it is…uy nabulol ako sa pagbabasa!

    un lang..:)

    di ko nakalimutan daanan ka kahit busy ako! part of growing up (ng bangs ko) na ikaw eh….

    ahaha..ganyan talaga..masakit ang tubuan ng bangs.

    Tugon

  19. kamusta naman at talagang kinausap ang butiki. :)

    hmmm.. what you dont know won’t hurt you sabi nga nila.. pero mas ok na rin siguro ung makulit na laging nagtatanong kesa walang kang alam. :D un nga lang, maging handa ka sa malalaman mo. hehe

    hala, ang seryoso ng comment ko. hehehe. :P

    mukha ngang serious ka karmi..whahhaa

    Tugon

  20. Posted by aga on Mayo 8, 2008 at 9:09 hapon

    naku ok to ah?? totoo ba ito? wow….
    asust :)

    secret!lols

    Tugon

  21. added ur link to my rolls, tnx

    Tugon

  22. Posted by Mon Tostado on Mayo 9, 2008 at 9:05 umaga

    baliw ka na pare. paconfine ka na sa mental! lols

    Tugon

  23. bawal ang matulog sa trabaho uy kaya ka ginising ng tae ni kb. tsk.

    ahahaha….oo na nga..indi na natulog.

    Tugon

  24. anakngmalandingkambing.
    pamatay sa lalim!

    “Minsan sa buhay, mas mabuti na yung indi ka magtatanong sa mga bagay bagay na alam mong mahirap hanapan ng kasagutan. Let life live as it is. Dahil sa mga taong matanong, isa lang sa dalawa ang mapapala mo: Ang mataehan ka o ang magising sa katotohanan.”

    napaisip ako dito! amfff!

    kalkalin mo kasi..ahaha

    Tugon

  25. Posted by barquera on Hunyo 4, 2008 at 3:01 umaga

    wag kasing mag tutulog at masama talaga pag naaalimpungatan kung ano anu ang naiisip hehehe..

    mag iwan ka naman ng link..anobeh!

    Tugon

  26. panaginip lang pala, akala ko totoo..haays..

    bakit kung totoo yun?ha hehe

    Tugon

Tumugon sa paskil na ito