Ilang days ba akong nawala? May nakakamiss din ba saken? Alam ko wala. Indi naman ako nagpapamiss. 3 days kong indi nasilayan ang blog ko na to. Akala ko nga nilamon na ng lupa ang balay ko, ginawang pataba para sa mga gulay at wala na akong uuwian. Graveyard shit shift na ako ngayun. Kaya mahirap na ang maghabol sa oras niyo diyan sa Pinas. Kunwari nasa call center ako ng slovakia, nasa cebu lang pala.
Noong bata pa ako, pinagarap ko minsan maging warrior. Yung tipong sasakay ka sa kabayo, pupunta ng war at pagbalik mo wala ka nang ulo, este isa ka nang hero. Consumed pa rin siguro ako ng mga memories ng kabataan ko, na hanggang ngayun eh kahit sa custome lang naman, makita ko ang sarili ko na nakahawak ng espada, aside sa isa kong espada na nahahawakan ko parati eh malaking katuwaan na yun para saken.
Masarap mangarap. Masarap yung magkunwari na ikaw ang hari ng iyong kaharian, na kasing lapad ng isang dipang kwarto mo sa basement ng bahay. Kay sayang gumawa ng kartong dragon tapos kunwari irarape mo, este kakatayin mo gamit ang sword mo na gawa ng molten lava galing sa bundok ng smallhill. Takbo dito, takbo doon. Lundag sa sapa, basa paa pati itlog. Uwi sa bahay, pagalitan ni nanay. Yan ang buhay ko. Buhay ambisyoso. Masarap apak apakan ang mg Barbie ng sister ko na kunwari sila ang kaaway ko. Masarap mangarap, magkunwari na may Princess Fiona kang pinaglalaban.
Masaklap gumising, na kahit isang saglit sa buhay mo, indi lahat na to mangyayari.
Noong weekend, kinulong ko ang sarili ko sa kwarto ko. Nagtataka na nga ang mga kaboardmates ko at baka nagpa baptize na ako bilang monghe. Monghe my ass. Indi bagay saken.
Bumili ako ng mga paborito kong mga pelikula na nagpaparemember ng kabataan ko. As if na sobrang tanda ko na. 2 days akong indi lumabas sa bahay at buong araw nalang nanood ng mga movies. Buti nalang indi ako nag armor papunta sa office.
Yan na lang muna ang kwento ko sa inyu ngayun. Wala na nga akong time mag blog dahil sa time sked ko na sobrang busy. Kahit sarili ko indi ko na kilala. Naghahanap na din ako ng mga bagong prospect na lilipatan ko sa work. Wish me luck.
I guess, some things are meant to be seen only in the movie. I don’t know whats inside the screen, but somehow they ease my heart that is still waiting for my Princess Fiona to come back. I’m a Knight in shining armor, now turn to rust, waiting forever. …-
emo sucks!
emo sucks…..









Posted by bishi on Mayo 13, 2008 at 1:03 hapon
hehe emo sucks. sorry epal ako. ang kulit kasi ng site mo. madami na kong mapaglilibangan sa opis
Posted by ifoundme on Mayo 13, 2008 at 1:10 hapon
wooooowww!! hehehe! di bale, kaming mga girls nangangarap din maging princesses at queens. nawawasak nga lang ang mga ganyang drama pag pumasok na ang mga walang hiyang pinsan na ang pangarap ay pareho sa kagaya mo.. inaapak apakan ang mga kawawang barbie dolls namin!!!!! nagkakaron pa ng pugutan ng ulo kasi di tumitigil sa misyon nila na tatanggalan ng ulo ang mga barbie dolls. huhuhuhu! pesteng mga lalake kayo!
Posted by cliogoddess on Mayo 13, 2008 at 1:17 hapon
ako dati pinangarap ko na maging prinsess o kaya eh fairy, bwahahah,
nagyon diosa na ako, hehe
Posted by xG on Mayo 13, 2008 at 1:52 hapon
nawala ka pala?
di ko napansin
parang nandiyan ka lang
nagpaparamdam
shetness
mumu ka na pala
hahahaha
Posted by maris on Mayo 13, 2008 at 3:09 hapon
sabi ko kasi sa yo maldito, umalis ka na dyan, mag call boy ka na lang gagawa tau sariling club, macho knight (ok ba yan?) ako bugaw mo. ahahaha!
yeah. emo sucks!
Posted by antuken on Mayo 13, 2008 at 3:20 hapon
hehe, parang pareho kayo ng type na movies ni hubby ko. mga epic chorlva… hehehe… yan ang miss ko gawin… mag-movie marathon… ugali ko bumili ng bumili ng mga dibidi… di ko naman napapanood… haay.
Posted by minor on Mayo 13, 2008 at 3:43 hapon
for more mubi posters click here hahaha
Posted by yuie on Mayo 14, 2008 at 12:39 umaga
tol.. ahmm adik ka ba?
eheheeh.. peace!
Posted by gasti on Mayo 14, 2008 at 2:32 umaga
haha! astig! trip ko rin yang mga binili mo..meron akong 300 saka kingdom of heaven na vcd tapos yung troy binili ko pa yung 2-disc na dvd nun..epic battle magandang panooring action film..saksakan at panaan lang madaya kasi pag mga war films puro long range kabadingan. lols! pero ok din yung casualties nila sabug sabog.
curse of the ring lang pala hindi ko napanood dyan.
Posted by Jex on Mayo 14, 2008 at 2:44 umaga
emo sucks?! gago. ikaw ang hari ng emo! hahaha. si xg ang reyna. lols
tsaka bakit may category ka na pusong mamon? magkadikit talaga bituka natin. haha.
oist, send ko na lang sa email mo yung pics nung EB ha? tsaka pabago nga ng link ko, itabi mo na kay master gasti, pag di ka na busy. labyu! lols
Posted by ifoundme on Mayo 14, 2008 at 2:49 umaga
psssttt…. kilala mo si benjo? lantawa ni ho… 300 ilonggo version
http://ifoundme.wordpress.com/2008/04/27/relax-and-enjoy/
Posted by maris on Mayo 14, 2008 at 4:43 umaga
ayoko maldito. matigas ang katawan ko, puro pa kaliwa paa ko. ahahaha malulugi ka lang s aken. ehehe!
Posted by Lyzius on Mayo 14, 2008 at 6:39 umaga
ahahay, kala ko masarap mangarap na me isang princess fiona tas pag gising mo si shrek ka na pala…
hmmm dibidi 18 in 1 ba yang nabili mo na yan? ayus yan dami pa jan di ko napanood…pag uwi na pinas bibili ako nyan…
Posted by Aling Baby on Mayo 14, 2008 at 8:02 umaga
hehehe…:D ang kulit naman ng childhood fantasies mo, sa kwento mo parang kahapon lang nangyari.
Sana makahanap ka na ng bagong work para lagi kang updated.
Posted by M on Mayo 14, 2008 at 8:19 umaga
Maligayang pagbabalik, kung nawala ka man.
Ang ganda ng kuleksyon mo ng sine, pahiram naman ako.
Ako naman gusto kong maging sundalo dati. Yung parang special forces na hindi nakikita ng mga kalaban.
Posted by koreanmine on Mayo 14, 2008 at 9:16 umaga
wow kung kami palang mga gurl eh nag iintay kay prince charming, ang mga emo guys pla ay kay princess fiona waiting!
ang gaganda ng pinanood mo, inggit ako, mapanood nga uli
Posted by wei vines on Mayo 14, 2008 at 9:50 umaga
EMO SUCKS pala ah.. Lol
Posted by madbong on Mayo 14, 2008 at 11:43 umaga
baka puro pirated yan ha sumbong kita hehe. napanood mo na ba yung nirekomenda ko sa yo? gudlak din sa paghanap ng bagong work
Posted by jen on Mayo 14, 2008 at 12:34 hapon
EMO SUCKS?!!!
sus ganyan ka na, wla ka lang bangs tska blade! hehehe
goodluck…:)
Posted by MisyeL on Mayo 14, 2008 at 2:37 hapon
emo sucks nga pero madalas emo ka, hahaha! sunod lang ako
Sarap nga siguro ng 2days nasa bahay ka lang nanonood ng fave movies mo ano? gawin ko nga yan, hehe!
Posted by The Gasoline Dude on Mayo 14, 2008 at 3:59 hapon
San ba nagpunta ang damsel in distress mo, knight in shining armor? = P
Posted by Rowjie on Mayo 15, 2008 at 12:44 umaga
we miss you!
lalo na nung nagloko ang Top Blogs Page (in Tagalog) ng WordPress.
Posted by rio on Mayo 15, 2008 at 4:52 umaga
emo sucks?? hehe
Posted by kengkay on Mayo 15, 2008 at 5:44 umaga
am sure kaya ka nagtago e nasayo na yung librong kama sutra – umamin kaaaa
Posted by eyna on Mayo 15, 2008 at 9:14 umaga
uy uu nga! nakarating ba ng payapa ung book? may padding (plastik na may bubbles) pa un para super protected buwahahaha.
sayang graveyard shift ka na. di bale puwede din naman ang KS sa umaga.
Posted by maris on Mayo 16, 2008 at 1:24 umaga
ikaw muna mauna, tapos tingnan ko kung epektib nga. ahahahaha!
Posted by maris on Mayo 17, 2008 at 3:24 umaga
kaya ka nagiging ANEMIC eh! ahahahahahaha!