Slippery when wet

“Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana’y may luha pa, akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan”

Naririnig niyo ba ang bedroom voice ko na kumakanta niyan? Syempre indi. Dahil kung meyron man nakarinig ng boses kung kumakanta, malamang 3 days lang ang buhay ng mga nun.Masahol pa ang boses ko sa pelikulang one miss call. Paulit ulit ko na kanta sa loob ng banyo habang feel na feel ko ang bawat galaw na ginagawa ko. Basang-basa ako, kung sa English “Im wet” roooar!!. Binilang ko ang hakbang ko papuntang shower, isa, dalawa, tatlo and a half. Nasa tapat na ako ng mahiwagang lagusan. Kinapa ko ang “On button” ng shower. Ang init. Masarap hawakan at pisil pisilin.

Hinubad ko ang lahat ng nakabalot sakin. Dahan-dahan…slow motion. Areba!Lumantad na ang nagmumurang katawan ko. Kung maririnig ko lang ang bawat mura nito, malamang ito ang maririnig ko.

“Pakensheytsanofbabitchsizzilinghotmadapaka”.

Pero lahat ng yan hallucination lang. Isang disease na kay sarap langhapin sa unang sikat ng umaga. Matindi pa sa Schizophrenia.

Binuksan ko na ang shower. Dahan-dahan na bumuhos ang tubig papunta sa umuusok na katawan ko. Its been a hard day’s night. And I’ve been working like a dog. Kay sarap yakapin ng tubig. Nagsimulang siyang maghimas sa aking ulo, pagiling-giling, pababa sa leeg, hanggang sa dumampi siya sa aking nipplets na mas photogenic pa sa mga Californian pasas. Nakiliti ako, napanganga sa bawat pagdampi niya sa mga tagong lugar ng aking birhen na katawan. Pinigilan ko, pero akoy basang basa na.Nag pa ubaya nalang ako, buong buo, at walang tinirang kahihiyan sa aking pakikipaglandian sa tubig. Bumababa siya sa aking tummy, pumasok so pusod, at sa huli, dinakmal ng tubig ang tinatago kong kayamanan. Binasa niya ang aking hita, tumigas…….ang aking masels at dun na nagsimula ang ritmo ng aking buhay.

Kinuha ko ang sponge, nilagyan ng malapuyot na bath gel at sinumulang higurin ang…..and again…..nagmumurang katawan ko. Say it again…..(Futah…ang sabi niya…ahhh!). Inuna ko ang leeg ko, sa chest at ang dalawang nipplets ko na kanina pa namumutla sa lamig. Sa sobrang tigas, pwede nang kapitan ng hanger at plantsahin para humiga. Pababa….ng pababa..hanggang sa sobrang baba kinukuskus ko na pala ang tiles. Bumalik ako sa taas, sa tuhod, sa 8 packs abs ng hita ko, at sa….at sa…..hiyas kong punong puno ng bubbles. Nag eenjoy siya, my other half, sa bawat indayog at pamumula ng aking katawan. Aylabit!

Nagbanlaw ako. Dahan-dahan nang nawala ang bula sa aking katawan. Unting unti nang lumalabas ang orihinal na damit kong bigay sa akin ng aking mga magulang. Ang kintab, ang healthy. Parang lang nilagyan ng floorwax at minudmod sa floor cleaner. Lagyan mo pa ng glitters, at para na akong menequin ng morgue.

Indi pa ako nagtuwalya. Gusto ko munang tumuyo ang naiwang tubig sa katawan ko. Kinuha ko ang toothpaste at toothbrush ko. Hinawakan ang bilog na katawan nito, pinisil pisil, at piniga ng todo. Ayan na..lalabas na…lalabas na…ang puti..ang lapot…ng biglang tumambad sa pintuan ang boardmate ko na babae.

Si Kate. Ang crush ko sa kabilang kwarto. Nanlaki ang mata. Indi ko alam kung nasusuka o nanlumo sa hubad na katotohanan na tumambad sa kanya. Ilang seconds din siya tumayo sa labas. Daling dali tumalikod at tumakbo pabalik sa kwarto niya. Pooteers! May nakakita na saking hubad na katawan. Katawang nakakapang init…init ng ulo at nag uudyok na saksakin ako ng 50 beses. Indi ko matanngap ang nangyari. Nakakahiya. Nakakapanghina. Nakakawalang ganang lumabas sa kwarto.

Buti nalang at indi niya pinagsigawan na nakalabas ang halimaw sa banga at naligo sa banyo. Masasaktan ako ng labis. Nawalan na nga ako ng puri’t dangal, lalaitin pa ang kataohan ko. Ouch, wala siyang breeding!

Sumandal ako sa pader, dinigest and nangyari. Gusto ko sanang magpadagusdos pa at sabay untog untog ng ulo para feel na feel ang eksena na ginagawa ko sa loob ng banyo. Is that real? Gusto kong mawala. Gusto kong ilagay lahat ng galit ko sa bath gel na ginamit ko. Sa shampoo at sa toothpaste. Ayaw kong maniwala na napahiya ako. Pero nangyari na nga. Indi ko na maiibalik ang nagdaan. Parang virginity na nawala sa sampayan.

Maraming leksyon ang dapat matutunan sa buhay. Isa na yun ang paglock ng door knob. Kung sana natutunan ko lang kung pano ang mag lock nung una pa, indi na sana nasira ang kredibilidad ko sa boarding house. Kung sana nagsuot ako ng raincoat pag naliligo….

…….kung sana indi nalang ako naligo.

45 Tugon to this post.

  1. hahaha! aylabet! ang galing pooters! maglock ka kasi ng pinto o kaya iniwan mo muna sanang bukas muna yung gripo para at least man lang malaman na may tao sa loob, sigurado ako, naglalaro pa rin ang nakita ni Kate sa kanyang isipan, at tuluyan na nya itong sisirain ang kanyang imahinasyon at sa susunod na araw…. mag ingat ka kay Kate! nyahahahaha!

    juice kow! wag sana..baka sa sobrang palglalaro ng isipan ni kate, maisipan niyang patayin ako sa banyo..wahahhaa…yun na nga eh.kasalanan ko na, indi ko kasi nilock…hay…oo na..oo na..kasalanan ko na..lols

    Tugon

  2. LOL! at least sa ganun sitwasyon ka nya nakita, mas nakakahiya kung jumejebs ka dba?! :P

    may point ka..aahhahaa….

    Tugon

  3. hayan kasi, di muna sinigurado na lock ang pinto, buti wala kang ibang ginagawa ahahahaha. pero teka, di ba boarding house yan? bakit di man lang muna kumatok si babae bago binuksan ang pinto? heniways ayan may pang opening ka na kung gusto mo siyang i-seduce…”tutal nakita mo na rin lang ang akin e di…………” bwahahahaha

    nagmamadali kasi..yun na nga eh..buti nalang indi ako naghihiling ng milagro..putah..pag nagkataon scandal na yun…mabibili ang scandal ko sa murang tindahan.lols

    Tugon

  4. Ipinaskil ni apollo noong Mayo 22, 2008 bandang 4:56 umaga

    tsk tsk! poor kate, she will tainted for life! hahaha! approach mo c kate tapos sabihin mong panagutan nya yung nagawa nya. lols!

    not only tainted,,,but she will be hunted..wahahaa….pwde yun ah..parang nabuntis?sumbong ko siya sa pamilya niya!

    Tugon

  5. libreng silip sa iyong mala adonis na katawan..lols

    wahahha..adonis?wahahhaa..baka long mejia na katawan!

    Tugon

  6. maliligo kalang ang dami mo pang drama
    hahahaha

    nakakapaginit ka nga soulamate
    ng ulo
    hahaha

    peeling artista soulmate..buti pa nga at indi ako sumigaw ng “dugo!dugo!”…ahahaha…magdala ka ng ice soulmate..baka magka drought ang brain mo sa sobrang init.

    Tugon

  7. dyosko…kala ko porno!

    ok lang yun! nadagdagan mag papantasya syo! (ang sinungaling ko talaga!)

    natawa ko sa: kinukuskus mo na pala ang tiles.! lols! (toink!)

    parte ka na ng ngiti ko sa morning eh…

    bawal ang palainum ng kape dito…mawawalan kayu ng ulirat pag nagkataon..lols…alam ko naman na ginagawa mo lang ang pagpataas ng puri ko dahil frend mo ako,,,,lols…

    thanks jen!

    Tugon

  8. iba talaga nagagawa ng global warming. aha ahahaha!

    batet?umiinit na din ba ulo mo?ahhaha

    Tugon

  9. ligo lng ang daming seremonyas…haysz..tsk..tsk..tsk..kuya talga…nakatulog kaya ng araw na yun si ate kate???haysz..bka hindi..hahahaha;-)

    ganyan talaga…ahehhee..kulang pa nga yan eh..nagsasabog pa ako ng asin bago maligo…lols

    Tugon

  10. nagshower cap ka man lang sana para hindi todong walang saplot ang iyong katawan.

    tsk..tsk.. next taym leave something naman to kate’s imagination.

    ;)

    ahhaha..anobeH!indi ko alam ang shower cap na yan..lols..sana nagsapatos na nga lang ako..atleast natabunan pa ang kuko ko sa paa.

    Tugon

  11. hahahah nakakahiya… pero ayos un… baka magkacrush na rin si kate sa yoh hehehehe

    wish ko lang..aahahhaa..makapal pa naman ang balat ko.lols

    Tugon

  12. gumanti ka kapatid..paghigantihan mo ang pag kaapi ng yong puri… kala ko xerex binabasa ko..delikado basahin sa office ang blog mo..daming pinoy dito,,,pucha ka!

    hahaha..pano kaya gumanti?hubaran siya habang natutulog?gapangin?butasan ang pader pag naliligo?

    malinis ang blog ko..walang bahid ng kabastusan..ahaha

    Tugon

  13. ahahahahahaha!! may nakakita na sa iyong nagmumurang katawan!! pucha!!

    ang galing ng pagkakagawa ng post na to, napukaw ang aking imahinasyong!! haha!

    ahahhaa..napukaw talaga ha…hmmmm..makabagbagabag ba?tama ba yang sinabi ko?ahhehee..

    Tugon

  14. kawawang kate. makarekober kaya sa trauma yun. kailangan niya magpatawas. *peace*

    sobra pa sa coma ang dulot ng katawan ko..kaya mag ingat ka curlers!wahahaa

    Tugon

  15. nyahahah shet nakakahiya nga yan! sana expected mo may makasilip diba para nakapaghanda ka naman ahaha.. oh well, shet happens talaga haha! ok pa naman si kate? lolz.. and yes bhe, am back :P mwah! ;)

    bumalik ka bhe..huwaw..indi mo na pala itutuloy ang annulment?ahahhaa…san ka ba galing bhe?

    Tugon

  16. “…pababa….ng pababa..hanggang sa sobrang baba kinukuskus ko na pala ang tiles”

    hahaha :lol:

    hoy annie bananie!musta naman ka dira sa dubai?ahehehe…

    Tugon

  17. landi mo talaga!

    ganyan talaga ako pinanganak..lols

    Tugon

  18. ang laki ng “lagay” mo sa pic na ninakaw ko! hehehe

    pssst!!bad words!

    Tugon

  19. Ipinaskil ni kengkay noong Mayo 22, 2008 bandang 8:06 hapon

    hahaha, edi ang linis na ng tiles? dito sa bahay namin walang lock ang mga pintuan pati na yung guest toilet and yung bathroom, kapag may bisita kaming pinoys, takot na takot pero itong mga bisita naming aleman, wala lang, hahaha

    nakakatakot naman maligo sa inyu mami kengks…kailan kaya ako makakapunta sa germany?kailangan ko ma meet ang evanescense dyan…lalong lalo na si amylee…ahhehehe..

    Tugon

  20. hahaha! ayan kasi hindi naglock ng pinto pero parang ok yun ah! malay mo naman nagustuhan ni kate ang nakita nya at maging daan yun para pagpantasyahan kanya gabi-gabi tapos one time alukin ka nya na sya na magpaligo sayo at i-la-lock nyo na ang pinto ng banyo this time around…tapos saka kayo magkukuskusan.

    pero maaari ding lumipat na sya ng ibang boarding house sa trauma na inabot nya. kawawang bata nakakita ng dragon.

    mukhang nagustuhan niya yata..ahaha..peeling close na kami ngayun..sabay na kung kumain..parang wala lang may nakita..aahahaa..buong buo pa rin naman ako…sa awa ng juice..

    Tugon

  21. buti hindi nawalan ng ulirat ang boardmate mo, at buti nasa matinong pag-iisip pa siya…..LOL

    normal pa naman ang bmate ko..baka after 10 years pa ang result niyan..ahahha

    Tugon

  22. oi, compliment from gasti, dragon daw ang nakita sayo. hahaha.

    ang natawa ako eh dun sa gumagamit ka ng bath gel. ampowta. ako nga safeguard lang eh. hahaha.

    baket ka nga pala mahihiya kay kate? maliit? hahaha.

    ahehhee…bigay yun ng officemate ko..bakit mahihiya?kaw nga ang makitang nakahubad?hu hu hu….indi ako masasaktan pag sinabi niyong maliit ang akin..wahahhaa..

    Tugon

  23. awtz. di ka na birhen kuya! wapak!

    grabe, may 3 consecutive days na hindi ako nakaligo ng matino kz alang tubig sa boarding house kaya dapat tipid ng tubig.

    pooteek na buhay!

    ahahha…okey lang…may ,mabibili naman na virginity soap eh..baka pwede pang tapalan..lols

    Tugon

  24. Ipinaskil ni cecille noong Mayo 23, 2008 bandang 9:58 umaga

    hahahaha. sumakit tyan ko dito. galing ng post! =)

    salamat po!!indi nag iwan ng link?:(

    Tugon

  25. mabuti pa, sabay na lang kayong naligo. nyahahaha.

    ahhahaa…..kung pwde lang nga eh..lols

    Tugon

  26. ,anung kabirhenan yan? ahehe…hmmmnn…nextym matuto na taung maglock ng pinto! hehe..anu kayang feeling ni kate pagkatpos ng eksenang yun? abangan! abangan! ;-)

    lesson to learn na nga..ahehhe..ewan ko….ahehehe.sukang suka cguro.

    Tugon

  27. Ipinaskil ni aga noong Mayo 24, 2008 bandang 4:24 umaga

    wow asust…. :)

    sauwce!

    Tugon

  28. okay ang delivery, may music at narration sabay scratch ng plaka. hahahaha creative!

    salamat…salamat…bow pO!

    Tugon

  29. Ipinaskil ni koreanmine noong Mayo 24, 2008 bandang 10:06 umaga

    hanef ang panulat mo ngaun ah, parang nagbabasa ng xerex! ( ay eka, nahalata bang nagbababasa ako nun? Lols :lol: )

    may palagay akong ilang gabi ng di napagkaka2log ngaun c boardm8 mu… :D

    ako kahit minsan indi nagbabasa ng ganyan….ahahhahaa…

    Tugon

  30. ok lang yun crush mo naman sya eh.. >)

    walang okey okey!!hu hu hu!

    Tugon

  31. weow… sexy haha…

    parang nakita daw ako o!

    Tugon

  32. ay sus, sori wala akong masabi,

    nakapagbitiw ka na nga..ahahha

    Tugon

  33. Alam kong sinadya mo ‘yun. Hehe.

    oist indi ah!mahiyain akong tao..indi kita sa balat!

    Tugon

  34. kunwari ka pang di ka natuwa

    anyway, hahaha this post..mapaglaro…i can imagine you!

    hala..na iimagine…hala mo!

    Tugon

  35. Ipinaskil ni Jex noong Mayo 26, 2008 bandang 6:36 umaga

    puchang ina! astig! pwedeng isa-pelikula! hahaha. goodluck sa graveyard! nyehehehe

    san mo lalagay? pang horror?

    Tugon

  36. naku, may nakakita na ng itinatago-tagong perpektong katawan!

    naku!indi naman perpekto..mga 99% lang.

    Tugon

  37. Ipinaskil ni chillidobo noong Mayo 26, 2008 bandang 10:18 umaga

    bakit nangyayari yan sa mga tulad naten? destiny ba yon o sadyang may lahing bantay salakay ang mga chikababes? (utot)

    ahhaha..buhay ka bossing!!!lahi natin ang maghubad…..

    Tugon

  38. Wahaha.. anlupet mo tsong! Sayang at di sya naglaway sa tumambad mong alindog.. haha

    ahahaha….naglaway yun….naglaway sa impaktong nakita.ahehe

    Tugon

  39. Ipinaskil ni einn0c noong Mayo 27, 2008 bandang 6:25 umaga

    sakto dalaw ko dito..nagliwanag ang kanina pang nangririmarim kong araw..galing ng humor !

    he he he..salamat naman…balik balik bai!

    Tugon

  40. pinasaya mo ang gabi ko, hahahha! so hindi naman ba kumalat sa mga ka-boardmates mo ang super macho na katawan mo? musta na kaya si Kate? hahahha!

    sana indi…kawawa naman ako pag ganun…ahahaha…ano nalang ang mukhang ipapakita ko pag nagkataon?

    Tugon

  41. Hayup naman talaga oo. Bakit ba naman kasi nilikha ang katawan ni Maldito na katitig-titig para sa mga babae eh. Ayan tuloy, malamang hindi na mapakali si Kate kung dapat ba niyang tikman ang nakita niya o palipasin niya na lang ang pagkakataon…

    tsk tsk tsk.

    ahahhaha…katawang walang kwenta…ang pait ng tadhana…ahuhuh

    Tugon

  42. hahaha, tanungin mo kung naakit ba sya o nandiri, kailangan mong malaman ang katotohanan kesa habambuhay kang nagiisip kung ano ang tamang kasagutan. ang landi mo daw kase, sinadya mo pang di nilock ang pinto. ayan tuloy, ikaw na si boy bakal sa dorm nyo.

    gawa ka nalang ng maldito’s dormitory scandal of the rich and famous.

    sa palagay ko nandiri insan..nakita niya kasi ang balat sa itlog ko..wahhahaa…oist indi ha…ni lock ko yun..indi ko lang alam pano.w.ahahhaa.

    Tugon

  43. ibang klase siya kung maligo hehehe

    ganyan talaga ang mga indiegenous people..aahaha

    Tugon

  44. Somehow i missed the point. Probably lost in translation :) Anyway … nice blog to visit.

    cheers, Syllabicate!!!!

    DEFINE TRANSLATION? DEFINE LOST?DEFINE PROBABLY?

    explain your sentence..ahahahhaa

    Tugon

  45. enjoy talaga ako sa pag-babasa!!! sulat ka uli nang mga ganyang storya hah!!! hehehhe…

    Tugon

Tumugon sa paskil na ito