Me: So let me just repeat your name, it is M for Mary and E for George..
CS: What? E for George?
Me: Im not yet finish sir. There’s an E at the end right?
CS: Ahh..Ok!Good!
Lahat nalang ata ng ginawa ko ngayung araw eh mali. Kung indi din ako nagkakamali, mali din siguro ang pagka anak sakin. Masahol pa sa mortal sin ang ginawa ng magulang ko sa pagluwal saken sa mundong ibabaw. Yan siguro ang rason bakit ang mga unang salita na lumabas sa bunganga ko eh adan, eba at ahas. Kaya pala siguro noong bata pa ako unti unting namamatay ang angkan ko, unang tingin palang nila saken. Pero mga matatanda na ang mga yun, kaya medyo panatag din naman ako na ang reason sa pagkamatay nila eh shortage sa oxygen at indi ako. Wag na sana nila akong multuhin, indi ko pa naman sila masyadong kilala. Mahirap nang makasaksak ako ng multo, tapos sa huli eh si tita ko lang pala, nagpaparamdam. Awooo!
Kung may irate customer, mayroon din kaming irate agent. Maiksi lang talaga ang pansensya ko, kaya indi malayo na mapabilang ako sa listahan ng mga irate agents. Indi ako takot mawalan ng trabaho, basta ang akin alam ko ang ginagawa ko. Indi ko lang matake minsan eh ang paghamak ng mga dayuhan sa kung saang tribu ako galing. Ang aarte, naghahanap ng kadugong makakausap, eh alam naman natin na pag white+white ang naguusap eh para nading nag usap si dumb and dumber.
Ilang buwan na akong walang internet sa bahay. Nababadtrip na ako dahil nauubos na ang pera ko para sa tuition and fees ng dalawa kong scholar. Yung pambayad ko sa internet eh nadali na para sa enrollment. Siguraduhin lang nila nag aaaral sila ng mabuti Dahil kung indi, kahit magkadugo kami, dadanak ang dugo sa planggana!
Eto pa ang matinding kamalian ang nagawa ko:
CS: I want to talk to a supervisor.
ME: The supervisor will tell you the same mam.
CS: Don’t you have a supervisor around?
ME: Can I please put you on hold for a few minutes while I get my supervisor?
CS: Sure.
Me: (on hold…)
…..after 3 minutes, nilinis ko ang lalamunan ko at bumalik sa customer (CS) at iniba ng kunti ang voice.
Me: I am very sorry but there’s no supervisor around.
CS: But I want a supervisor!
ME: Mam, I am the supervisor (Super grin….he he hehe. Tawa ng tawa na ang katabi ko)
CS: But you’re not helping me!
ME: I told you all the things you need to know.
CS: ……..hang up…tot..tot..tot..
Maraming mga hampas lupang puti ang kumalat sa daig-dig. Pero to lang ang masasabi ko, don’t mess with me, co’z im not your average agent!

Posted by gasti on Mayo 28, 2008 at 1:25 umaga
haha! ang adik..e for george..taena lulusot pa! kelangan mo na magpahinga pre..stress lang yan!
Posted by Jex on Mayo 28, 2008 at 4:44 umaga
maloko ka talaga e no, sabihin mo na lang sa mga clients mo yung link ng blog mo! at least baka maintindihan nila ang pagka-maldito mo. hahaha!
Posted by eloiski on Mayo 28, 2008 at 4:46 umaga
huwaw! natawa ako dun sa e as in george! wapaK!
“dont mess w/ me coz im not your average agent!”
-anng tindi talaga ng banat mO!
Posted by Lyzius on Mayo 28, 2008 at 5:35 umaga
irate ka na boy dahil wala kang internet sa bahay nyo…ahahaha
Posted by xG on Mayo 28, 2008 at 5:36 umaga
e for george?
hahahaha
edi nakatikim sila
ng pagmamaldito
ng soulmate ko
hahaha
mabuti yun sa kanila
Posted by neex on Mayo 28, 2008 at 5:50 umaga
e for george.. nauto naman sya. hahaha.. at hala nagalit na ang customer.
Posted by kulot on Mayo 28, 2008 at 6:09 umaga
hahaha! panalo, ang mga hinayupak na mga CS kasi na yan, simpleng bagay lang tawag na agad sa CS care.
Posted by cecille on Mayo 28, 2008 at 6:53 umaga
e for george. haha. panalo. =)
Posted by ettey on Mayo 28, 2008 at 8:12 umaga
funny naman!
Posted by M on Mayo 28, 2008 at 8:41 umaga
Wahahaha! Potaena bossing, tunay na tunay nga naman ang pagkamaldito mo dito.
Lalo na yung sa dulo. Anak ng katuray kasi naman itong mga amerkanong ito, ang hirap timplahin eh. Yung iba ambabait, yung iba parang superyores na nilalang, eh puta mas boloks pa sa English ang iba sa kanila eh.
Posted by sexy moi on Mayo 28, 2008 at 8:41 umaga
ahhh.. parang K for Apple lang yan eh… heehee. i feel for you, mas nakakainis yung mga nagpapaka racist tapos malaman laman ko lang na filipino rin pala. bad trip noh?
Posted by utakmunggo on Mayo 28, 2008 at 10:31 umaga
agent xxx maldito
rereport kita.
ako yung “hampas lupang puti”
ahehe
naenjoy ako. ang kulet! sarap makipag away paminsan minsan ano? lalo na kung di ko nakikita kausap mo.
;P
Posted by aKDa on Mayo 28, 2008 at 12:45 hapon
wohow! lufet!
patience… patience… ^_^
at pag ganun, murahin mo na lang ng tagalog yung mga puting yon. hahahaha,,,
Posted by Aling Baby on Mayo 28, 2008 at 1:24 hapon
e for george hehehe
ganyan talaga pag wala internet. dali init ulo.
Posted by cliogoddess on Mayo 28, 2008 at 1:36 hapon
di ako makarelate, bwahahahah.
choze
Posted by mia on Mayo 28, 2008 at 1:55 hapon
sa tinggin ko nasstress ka na.. pahinga ka na dahil nawwrong spelling ka na. hehe..
Posted by madbong on Mayo 29, 2008 at 3:25 umaga
dami ko na ring memorable experience sa call centre dito bro…hmmm maipost nga sa banda dun. nga pala musta na si kate? nakakatingin pa ba sa yo ng diretso bwehehe
Posted by nanay belen on Mayo 29, 2008 at 4:37 umaga
malay mo, baka minumulto ka na … na,di mo alam
Posted by ellieshe on Mayo 29, 2008 at 7:30 umaga
waaahaha..hanep sa mga palusot
maldito talaga…nyaaah
Posted by kengkay on Mayo 29, 2008 at 8:15 umaga
E is for LEMON ano ka ba, hahahaha hay ganyan ang buhay talaga ng mga humaharap sa costumers, ako dito ini-inglis ko sila para lalo silang mataranta,
Posted by jen on Mayo 29, 2008 at 8:42 umaga
hahaha…hehehe…wala kong masabi!
yoko manggatong!
Posted by wei vines on Mayo 29, 2008 at 10:14 umaga
takte…kung ganyan ba naman kahalubilo mo sa araw araw eh…. pahinga ka na muna
Posted by repah on Mayo 29, 2008 at 10:46 umaga
grabe ikaw ngaun ko lng nalaman na may irte agent pla.. ang bagsik mo tlga… mlamang yung customer mo.. dinugo syo.. hahaha
Posted by batopik on Mayo 29, 2008 at 11:06 umaga
“don’t mess with me, co’z im not your average agent!”
—ahahaha! natawa naman ako dun.. dapat po dinagdag niu pa,, u’re nothing but a second rate trying hard… blah blah. ahahaha! XP
sinu ung pinapaaral mu po? kpatid mu? kambal ba sila? ahahaha!!! XP
Posted by coolwaterworks on Mayo 29, 2008 at 11:14 umaga
Hehehe…
Nalingaw ko basa ba…. Kadalom sang Filipino…
Good command of the national language!
Take it from me, editor-in-chief ni sang una sang Filipino school paper sa Provincial….
(sugti na lang padayaw ko gamay ah… )
Posted by hener on Mayo 29, 2008 at 1:11 hapon
buti walang murahang nagaganap ahihi
Posted by mia on Mayo 29, 2008 at 2:33 hapon
bakit naman sa dinami dami na lugar sa phuket thailand pa. hahaha!
Posted by Kotsengkuba on Mayo 29, 2008 at 2:43 hapon
ayuf ka insan, ikaw pala yung walangyang nakausap ko sa telepono. hahaha, ayus. peri di ba recorded ang mga conversations nyo with the customers na mas hunghang pa sa pinaka-hunghang?
ahehhee…ikaw pala yun insan?indi ka kasi nagpakilala..eh di sana good customer service ang inalay ko sayu!!ahahaa…indi naman lahat recorded eh.
Posted by mia on Mayo 29, 2008 at 5:26 hapon
ahhhahaha.. sabi na nga ba iyon ang dahilan.. apir!
Posted by kuri on Mayo 30, 2008 at 4:52 umaga
stressful talaga ang call center environment.chill!
Posted by rio on Mayo 30, 2008 at 9:38 umaga
hello supervisor!! ..=)
Posted by GODDESS on Hunyo 1, 2008 at 12:09 umaga
hahahaa! naalala ko tuloy yung aking call center days. isa din akong irate agent dahil maigsi pa sa maliit na tootsie roll ang pasensya ko.
leche ang mga nagmamarunong na mga tanga! leche silang lahat!
yun lang at yun na!