Gabi ng June 19 ako pinanganak. Kasabay sa pag-ere kay Jose Rizal, eh ang paglabas ng batang nakalagay sa propesiya. Ang batang maghahasik ng lagim sa blog-o-sphere at ang batang titilian ng mga bulag at pipi. Kung pano tumili ang pipi, try niyong lagyan ng clip ang bunganga niyo at tumili. Atleast, para kayong si Maria Carrey na naipit ang mani. Ouch.
Sinabi ni nanay na sa bahay lang ako pinanganak. Indi uso ang hospital kaya sa bahay nalang ang drama ng panganganak niya. Kabilugan daw yun ng buwan, kaya pala minsan may pagka lunatic ako. Taken from my middle name. Mas mabuti pa sana kung naging Lobo din ako, para mas masaya pag kabilugan ng buwan. Atleast, kusang matatangal ang damit ko, tapos tatakbo palayo sa kagubatan.
Kwento ni nanay, nilibing niya daw ang pinagtirhan ko sa loob ng kanyan tiyan dyan lang sa tabi tabi ng bahay. Indi ko alam kung ano ang pinagtirhan ko, kung nakaplastic ba ako sa loob ng tiyan o naka bote? Pero grabe naman kung sa bote ako nilagay, indi naman ako inabort at lalo na indi ako sukang pinakurat. Ang dahilan nung paglibing ng placenta kasama ang lampin ay, para daw lumaki akong matalino.
At alam niyo kung ano ang kasama ng placenta ko sa hukay? Ang libro ni Jose Rizal.
Kasabay ng pag beerday ni Rizal eh ang mga kasabihan ng mga matatanda na lalaki daw akong katulad niya. Da pack! Indi ko gustong mabaril sa luneta. Buti nalang indi ako pinangalanang Rizal, kasi kung ganun, indi na ako nakaabot ng 13 years old, nag bigti na ako. Ang baho ng pangalang yan.
Pangalawa akong anak. At syempre, dahil sa pangalawa ako, matinding kahirapan at sakripisyo ang nadanasan ko sa bahay. Ako ang taga hugas ng pinggan, taga salo ng mga pinaglumaan, palaging taya sa taguan, at syempre, palaging naiiwan sa bahay. Minsan naisip ko na “Tangena, anak ba talaga nila ako?”. Masahol pa sa isang aso ang turing nila saken. Oh well, mukhang aso din naman ako eh. Kaya parati kong kasama ang yaya ko at palagi kong kalaro eh ang tulog.
Lumaki naman ako ng normal, at walang dalang Chelsea-chelseahan (Patayin sa sindak si Panday). Pero minsan, naisip ko na isa akong ampon. Kung uupo lang nga ako kasama mga kapatid ko, mapapakamalan pa akong isang aetang binanggaan ng 10 wheeler kariton. Indi ako masyadong maputi, indi katulad ng mga kapatid ko na balat pang mayaman. Kaya nga siguro tama ang kuya ko na nakita lang ako ng nanay at tatay habang nag dadate sila sa kangkongan. At ang masama pa, nanay ko daw si unding.
BEFORE :
Indi naman lumiit ang self esteem ko dahil sa pagkaiba ng anyo ko sa mga kapatid ko. Alam ko gifted ako, at indi ko lang alam kung ano talaga ang gifts ko. Siguro kaya kong sunugin ang bahay, painumin ng gas mga kapatid ko, o indi kaya pakawalan ang aso parakagatin si yaya. Mga ganung tipong gifts ang bagay saken, para naman hardcore. Pero alam ng Diyos na pinanganak akong mabait. Kaya binigyan niya nalang ako ng gift of mind and the greatest humor, none of my family members have.
Magiging 23 na ako. Nakalimutan ko na din ang pinadaanan ko habang lumaki ako. Siguro nga tampo lang yun, kasi alam niyo naman ang 2nd child, mga ipit at indi masyadong pinapansin. Kung maglalaslas ka sa harap ng magulang mo, imbes na i-hug ka nila eh papaluin kapa ng kahoy sing laki ng haligi.
Sabi ko,kung titignan ko lang ang nag daan, nakakatuwa. Kasi sa tuwing uwi ko sa bahay, ako palagi ang bida. Indi tulad ng dati na ako parati ang “boy” na ginagawang tagahugas ng kisame. Medyo nararamadaman ko na din ang attensyon sa mga kapatid ko. Alam ko, namimiss nila ako, kasi ako lang ang kapatid nila na lumayo sa bahay ni nanay. So who’s the weakest link?
Sa totoo lang, indi ako nakaranas ng birthday party, meron siguro pero indi ko lang matandaan. Pero indi naman ako nagsasabi na galit ako dahil sa ganun sa mga magulang ko. Ako lang kasi ang anak nila na indi pinaghahandaan tuwing birthday. Sa tuwing uwi ko ng bahay, patay lahat ng ilaw. Syet! Alas 5 palang ng hapon tulog na ang mga tao. Bastusan ang show?
Inisip ko lang, dahil sa ganun, naging simpleng tao ako. Indi ako naghahanap ng kung anong bagay na bongga, makakain lang ng pizza, solb na ako.
23 years. Malayo na rin pala ang narating ko. Sa tuwing babalik ako sa kahapon ko, napapa syett ako. Bakit?
Tignan niyo naman ang isang lalaking hinubog ng panahon? Ako ang anak, na pinagmamalaki ng pamilyang Montero.
AFTER:
Hapee bday to me.
Credit: Thanks for the child pic above. To someone who owns the link http://www.flickr.com/photos/iosart/38284447/ . salamat.



Ipinaskil ni kamotenista noong Hunyo 18, 2008 bandang 12:44 umaga
bukas ipagdiriwang mo ang araw na tumubo ka sa mundong ibabaw kaya maligayang kaarawan sa’yo. isang taon naman ng paghahasik ng lagim…wink!
Ipinaskil ni ettey noong Hunyo 18, 2008 bandang 1:31 umaga
happy birthday!!
pacanton ka naman!! LOL! samahan mo na rin ng pandesal at coke ha!
may all your dreams come true ^_^.
Ipinaskil ni pEyt noong Hunyo 18, 2008 bandang 2:15 umaga
excited ka!!!bukas pa bday mo…ahahah
sarado ang laguna sa araw mo
-
-
-
-
dahil kay rizal…heheh
Ipinaskil ni jhaynee noong Hunyo 18, 2008 bandang 2:54 umaga
happy birthday sayo!!
napapadaan ako lagi dito.. hehehe.. di nga lang nakaka comment.. pero dahil birthday mo, sige pagbibigyan kita.. wahaha!!
ingatz
Ipinaskil ni apollo noong Hunyo 18, 2008 bandang 3:42 umaga
magandang araw ng kapanganakan sa iyo kaibigan!
Ipinaskil ni koreanmine noong Hunyo 18, 2008 bandang 3:53 umaga
hapee beerday sau! kaya pala bayani ang arayb mo, ka berdie mo pla c JRizal! hehe
kasing tinik ka din cguro sa chix
Ipinaskil ni gasti noong Hunyo 18, 2008 bandang 5:28 umaga
babalik na lang ulit ako bumukas para bumati..
anyways.. parang babae yung bata dun sa pic na before
Ipinaskil ni Lenggai noong Hunyo 18, 2008 bandang 6:26 umaga
haberdei!
Ipinaskil ni wifeybee noong Hunyo 18, 2008 bandang 7:16 umaga
maligayang bati… pang MMK ang story mo, ahahaha… infairness, ang laki nga ng pinagbago mo kung pic mo talaga yang before na yan, hahaha…
Ipinaskil ni Aling Baby noong Hunyo 18, 2008 bandang 7:28 umaga
burpday mo na bukas! pa-burger ka naman ehehehe!!!
Ipinaskil ni ellieshe noong Hunyo 18, 2008 bandang 7:49 umaga
pangalawang anak din aku….at di rin masyadong napapansin..pero ok lang..mas mag..magan..mas masipag naman aku sa kanila..hahaha.. HAPI BEErday nga pla bukas! lez partey nah!
Ipinaskil ni kaith noong Hunyo 18, 2008 bandang 8:13 umaga
happy birthday maldits! ahay, na-touch ko sa imo lifestory. isa kang kakaibang nilalang. miss ko man magbisita d sa imo mansion bah.
Ipinaskil ni utakmunggo noong Hunyo 18, 2008 bandang 8:49 umaga
anung ginagawa mo dun sa may estero? naebak ka ba? cute ka naman nung bata, ah. at oo, sige kung ikaliligaya mo talaga, cute ka pa rin sa “after” picture mo.
oo, tama. wag mong hayaang mga negatibong bagay ang mamayani diyan sa utak at kalooban mo. ang importante, is what’s important. okey? alright!
apir! happy birthday sa iyo, kaibigang maldito…
Ipinaskil ni bai noong Hunyo 18, 2008 bandang 8:53 umaga
maldito..nakaka relate ako sayo..whaah
anyways happy bday..hmm matanda pa pala ako sayo? nung first and last time na nagmeet tayo di hamak na mas mukhang bata pa ako sayo..
HAPPY BIRTHDAY ulit BRO!
Ipinaskil ni ifoundme noong Hunyo 18, 2008 bandang 9:01 umaga
happy birthday sa imo. biskan ayaw mong aminin, akig ka gid sa kalibutan. pero wala kaso… birthday mo man. mbakal na lang ko cake kag celebrate imo birthday kay wala ka man gapang invite inuman.
tsaka pinapansin ka no! kaya nga pinapalo ka kasi binibigyan ka ng pansin…
ahehe,,,,KSP ko daan..lols..nop..im not hungry…i mean angry with the word….in fact the world loves me..a.ahahhaa..
agahahahha…dali di..inum ta..teh kaw lang makaon sang cake mo?
Ipinaskil ni nickname™ noong Hunyo 18, 2008 bandang 9:29 umaga
oh sya, happee beerday nalang.. di kasi ako invited.. lols. hahaha! magsaya ka nalang.. wahaha!
kaya siguro gusto nilang maging doktor ka kasi kapanganakan mo si rizal.. hahaha..
haffee beerday .. [naka-costume na yan!] hehehe..
Ipinaskil ni Bambam noong Hunyo 18, 2008 bandang 12:47 hapon
kyut ka sang ati ka pa.
hehehe…
Ipinaskil ni mia noong Hunyo 18, 2008 bandang 3:45 hapon
happy birthday sayo
Ipinaskil ni utakmunggo noong Hunyo 18, 2008 bandang 5:16 hapon
ikaw talaga bad ka. bakit pag di mo bday di tayo prends? bleh.
i hope di mo na ginagawa yung pag ebak sa estero. hehe
Ipinaskil ni aga noong Hunyo 18, 2008 bandang 7:20 hapon
hey hey piberday!!! inuman na!!!
asust
Ipinaskil ni Jeck noong Hunyo 18, 2008 bandang 10:37 hapon
B1! Happy birthday!!! 23 ka na? tae ka! hindi ka mukhang 23! mukhang kang 32! tae! tae! tae! burikat ka! malantong! malandi! haliparot! madapaker! maniac! lahat na! tae! hahahahahahaha!
what a nice way to greet a friend! taenamo! kelan ba tayo magkikita! andami mo nang utang, kinakamusta ka pala ni teody, magkasama na sila ni Clang sa etel, at si cobralyn mo, buntis na daw? sabi ko wag mong ipuputok sa bunganga e. nakakabuntis din yun ng alien. tae! sige na, baka sasayaw ka pa! enjoy the day parekoy!!!
Ipinaskil ni gasti noong Hunyo 18, 2008 bandang 11:57 hapon
eto na this is is the right time para bumati..hehe!
happy bday pareng maldito! aka glen gavin montero!!! pa-pizza ka naman dito!
nga pala meron na akong mc farlane dragon! hahahaha!
Ipinaskil ni kingdaddyrich noong Hunyo 19, 2008 bandang 3:49 umaga
maligayang kaarawan sa iyo. nakibati na rin ako kahit hindi tayo close. pareho naman tayong nagboblog. he hehe..
kailangan kong puntahan si rizal ngayon sa monumento niya para naman mabati ko. baka sabihin niya, ikaw binati ko, tapos siya hindi. baka magtampo yun at ipalo sa akin ang obelisk niya,
Ipinaskil ni denis noong Hunyo 19, 2008 bandang 4:17 umaga
happy beerday!
ehem.
ex-links?
Ipinaskil ni yuie noong Hunyo 19, 2008 bandang 4:19 umaga
haba berdi to you… ahehhe
Ipinaskil ni jen noong Hunyo 19, 2008 bandang 5:18 umaga
happy birthday!
kaya pla magaan ang kalooban ko sa yo, ka bday mo ang lolo ko!
may you have lotsa lotsa bday to celebrate!
muaaaaks!
Ipinaskil ni kulot noong Hunyo 19, 2008 bandang 7:16 umaga
yun kaya pala genius ka, happy birthday bro
Ipinaskil ni MisyeL noong Hunyo 19, 2008 bandang 8:06 umaga
happy birthday maldits! pakiss nga… :-* bukas ko basahin buo mong post kasi sobrang antok ko na
Ipinaskil ni procopia marie noong Hunyo 19, 2008 bandang 9:00 umaga
oist bday mo na!!! hapi beerday!!! – bago mong fan
Ipinaskil ni sexy moi noong Hunyo 19, 2008 bandang 9:17 umaga
Yahhoooo… happy beer day to you, happy beerday to you, happy beerday happy beerday happy beerday to you….
kanta ko yan ha :p
Ipinaskil ni xG noong Hunyo 19, 2008 bandang 10:32 umaga
hangtagal naman
ng pang june19 na entry mo
di ko na yata maaantay
hahaha
maligayang kaarawan soulmate
ikeee
shet.
hahahaha
Ipinaskil ni lilmiz noong Hunyo 19, 2008 bandang 11:15 umaga
maligayang kaarawan bhe! mwuaahhhh!! haha
natanggap mo naman ang porsche na regalo ko for you? pina-LBC ko yun eh lolzz.. buti nga at hindi rizal pinangalan sayo no? di talaga kita aangkinin ahahah pero swerte si rizal at naging kabirthday nya kaw hehehe
.. anyhoo, sana nag-enjoy ka ng todo sa iyong burpday
Ipinaskil ni antuken noong Hunyo 19, 2008 bandang 4:59 hapon
happy birthday dear! may you have a dayful & a nightful of everything delightful! te-text dapat kita to greet you eh. naalala ko, wala pala akong number mo. hehehe. mwaaah (birthday kiss yan bale, hehe)!
Ipinaskil ni wei vines noong Hunyo 19, 2008 bandang 5:57 hapon
puta…ang gwapo mo pala nung bata..hehe.. happy birthday! ^^
Ipinaskil ni Geisha noong Hunyo 19, 2008 bandang 6:03 hapon
gwapo mo nung bata ka! kung san-san ka umeebs! hayufff!!!!
happy birthday tol, pare, dude!
pa kiss
Ipinaskil ni A Z R A E L noong Hunyo 19, 2008 bandang 10:08 hapon
oist! happy bday malditong makulet! alam ko huli na bati ko dahil 20 na dyan sa pinas, pero 19 pa lang dito! tsaka bro ang pogi mo pramis. kamag-anak ba kita? bwahahahaha!
Ipinaskil ni AZRAEL noong Hunyo 19, 2008 bandang 10:10 hapon
mali nagamit ko na URL tsk tsk tsk.. ulet ulet!
saan ang inuman?!
Ipinaskil ni procopia marie noong Hunyo 20, 2008 bandang 3:23 umaga
o ayan ha…wag mo na isipin uli maglaslas ha…dami naman pala nagmamahal sau weh…
try mo pakuryente sa high voltage wire next time…teeeheee jowk
sana matanggal ang hangover mo in one week…tyak bumaha ng beer sa araw ng kaarawan mo! h
Ipinaskil ni Kotsengkuba noong Hunyo 20, 2008 bandang 4:31 umaga
ganon! dramahan ang drama? hahaha.
oy insan, ang saya-saya dito sa china. na-unblock ko ang wordpress at blogspot pero ang sarili kong blog blocked. hahaha, they find me too subersive. hehehe
Ipinaskil ni repah noong Hunyo 20, 2008 bandang 11:59 umaga
gusto kitang batiin ng happy beerday.. pakanton ka naman saka pahipon..
apir! magkasing edad pala tayo mtanda ka lng skin sa buwan kya tatawagin kitang kuya maldito..
ako tingin ko rin ampon ako.. kya blak ko maglayas nun nung 10 yrs. old ako.. para kcng ako ang chimaaaaa- aaa samin…
hay bakit kya ang ang mga nasa gitna laging kawawa.. pero sbi ng ticher ko sweerte daw yun dahil maganda at pogi daw ang ipinanganak sa gitna???????
Ipinaskil ni vanny noong Hunyo 20, 2008 bandang 6:06 hapon
ahahaha. natuwa ako sa post na to. happy bday! belated happy bday pala dapat.
btw, blog hopping po!
Ipinaskil ni vanny noong Hunyo 20, 2008 bandang 6:12 hapon
mali yung link ko kanina.. eto po tama na. churi. hehehe
Ipinaskil ni ponchong noong Hunyo 21, 2008 bandang 6:57 hapon
saan ba ako galing at di ako nakabati sa yo.
hapi bertdey!
alam ko overdue na greetings ko pero talagang naalala ko ngayon kasi 21 na.
continue to be proud.
Ipinaskil ni partofyou noong Hunyo 22, 2008 bandang 10:45 hapon
take all the opportunities to enjoy the moment, happy birthday, life is gureyyyyt!
Ipinaskil ni Anju noong Hulyo 13, 2008 bandang 7:14 hapon
belated happy birthday kuya. sayang di ko nakita ung “before” na picture..