Frank! I wanna Pak you!

“”Kuya, wala na ang bahay natin”

 

Yan ang kay gandang mensahe ng kapatid ko saken kaninang umaga lang. Sa sobrang ganda eh nawala nalang bigla ang antok ko, pati na din hang over sa kakainum kasama ang mga boardmates.

 

“San na ang bahay? Nandyan lang siguro ang bahay. Baka na misplace niyo lang. Hanapin mo sa bulsa mo.!”

 

Ang humorless ko na reply sa kanya. Pero kabado na ako.

 

Napisa yung bahay namin nag dahil sa bagyong Frank. In short, isa ang pamilya ko sa libong libong bahay na sinira ng pesteng bagyong yan. Indi pa nasayahan ang mother nature, sinira ang dam at binaha naman ang buong ciudad ng Iloilo.Kaya parang jelly fish ang bahay naming palutang lutang sa baha.

 

Wala ako sa mga panahong nyan, pero ramdam ko ang problema na pinapasan ng mga kapwa kong Ilonngo lalo na ng pamilya ko. Buti nalang at may naiwan pang parte ng bahay na makikinabangan, kumpara mo sa mga kapitbahay na tila enirase nalang bigla ang kanilang mga bahay ng Mongol pencil model B.

 

Wala daw kahit isa na gamit ang na save ng mga kapatid ko at ni nanay. Seconds lang daw kasi ang baha. Kaya ayun, lunod lahat ng appliances namin.

 

Kamusta naman ang lumulutang lutang na yan ah?

 

Kung bakit indi muna nagsabi ang bagyo na darating siya mga one month before, o di kaya magpaalam lang man na babahain niya ang buong Iloilo. Nasave pa sana ang mga ibang gamit. Kainis, back to zero na naman kami.Tangenang bagyo, lamang ka lang ng isa. Paksyet. Sarap hamunin ng suntokan.

 

Nung nakita ko sa TV ang lugar naming, na shock talaga ako. Parang extension lang ng Dyesabel eto. Part of your world ang drama. Buti nalang wala akong nakitang dugong na palangoy langoy. Pero grabe na ang prayers ko na sana safe lang ang pamilya ko. Sa awa ng Diyos, safe na safe naman sila. Natatawa nalang ako, nung sinabi ni Sis na si nanay eh sa bubong nalang ng bahay tumambay habang iniitay ang tubig na mawala. Asteeg, survivor series to.

 

Pero in the serious mode, namomoblema ako kung saan ako kukuha ng pera ipapaayus sa mga sinirang gamit ni Frank. Tangenang Frank na yan! Akala ko ba matagal nang patay yang si Frank Sinatra? Lechus!

 

Mahirap talaga pag ako lang mag isa ang nagtataguyod ng pamilya. Buti nalang at malakas ako ngayun at walang sakit. Kaya ko pang kumayud ng kumayud. Maghahanap pa ako ng mga damit ko para ipadala sa kanila, dahil kahit tsinelas lang daw eh wala talaga. Pati mga appliances naming basang basa, kamusta naman yun? May balak ba silang gawing sponge bob world bahay namin?

 

Umiiyak kanina bro ko na soon to be engineer. Siya ang isang scholar ko. Lahat ng blue prints, libro at mga damit niya inanod ng baha. Indi na siya naka prepare dahil grabe ang taas ng tubig. Sabi ko nga,

 

“Wag mong iyakan ang mga material na bagay. Buhay pa ako. Mabibili ko pa ang mga yun. Ang mga damit, pwde ko pa naman padala yung mga damit kong extra sa work”.

 

Sa totoo lang, happy ako dahil buhay ang pamilya ko, compare mo sa mga pamilyang nawalan at patuloy pang nawawalan ng pamilya. Balik mahirap man kami ngayun, atleast I have all my love ones safe. Thank you God for hearing my prayer.

 

Sana malampasan namin ang problemang to. Sana mabigyan pa ako ng lakas para maibigay ang pangangailagan ng pamilya ko. At sana, mabigyan niyo ako ng plywood, lalagay ko sa sirang sirang bahay namin.Kung meron kayong delata, nag aacept din ako. Pakapalan ba ng mukha to?lols

 

Sa sister kong soon to be teacher, you’re the man! Akalain mo ba naman na nag text saken na:

 

“Ok lang kami. Atleast buhay kami, pati ang alagang baboy”.

 

Yeah! Rock on Ilonggos! Life moves on!

 

 

 

Photo Credits: Thanks pala sa mga fellow Ilonngos ko sa Dinagyang.com for the photos.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

50 Tugon to this post.

  1. Posted by koreanmine on Hunyo 23, 2008 at 10:14 hapon

    :( pano ka pede tulungan? (siryus brod. )

    Sis, prayers nalang muna. Kaya ko pa naman maghanap ng means…thanks sa suporta..sisigaw nalang ako pag indi ko na kaya.

    Tugon

  2. Posted by Jeck on Hunyo 23, 2008 at 11:20 hapon

    sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa iyo kahapon nung nabalitaan ko to sa iyo. bro, kung may maitutulong din ako sabihin mo lang. im just one text away. let’s thank God dahil wala sa pamilya mo ang napahamak. ayos na yun.

    kung gusto mo resbakan natin si frank e! habulin natin yung gunggong na yun!

    pinanganak akong malakas….siguro sa ngayun moral support lang muna kailangan ko…i know kaya ko to..simpleng problema lang to…

    tangenang frank na yan..kung tao lang yan eh pottah!!gagawin kong tender loin ang mukha ng pottah na yan!

    kayang kaya..basta sama sama!sa taong 2010!

    Tugon

  3. hmm….hindi ko alam kung maiiyak ako or matatawa sa entry na ‘to…
    kami din binaha sa Iloilo til nga now hindi namin sila makontak…huhuhu

    don’t wori bro everything will pass away…tsaka lam ko very generous at matulungin mga pipol dun.

    dapat pumili ka lang ng isa..indi pde pagsabayin yan..mapapakamalan kang “buang” nyan.

    Ill pray for the safety of your family. Hay dami ding family na indi makontact…

    cge lang..tama ka…all will pass away..

    tira tira!

    Tugon

  4. ay…sad news ito ha :( ( pwede kaming tumulong, sabihin mo lang. mabait pa rin ang Diyos kasi safe naman ang family mo. my prayers are with you po. ^_^.

    cge lang sis,…I just need ur prayers…kaya ko pa…ganyan talaga ang buhay…life fucks at all…walang kawala…pasalamat lang tayu we are all still alive..

    sasabihin ko nalang if kailangan ko na talaga ang plywood..joke.

    all will be OK…i hope so. :(

    Tugon

  5. Yep. Life moves on. Kung makita mo lang mga tawo diri ga cope up, mabilib ka gid. Survivors mga Ilonggo! Sa evac site may ga jamming2x pa gani. Again… Life moves on.

    My prayer goes to you and your family. Kaya niyo na! Kayahun. Tsakto sis mo, they’re still lucky that they have their lives and each other. As they say, as long as you’re alive, there’s hope.

    Anyhoo, I share your sentiments. PAKYU FRANK.

    Tugon

  6. naku ang laki pala ng problema na binigay sa inyo ni Frank…teka bakit lalaki na ang pangalan ng bagyo di ba puro babae dati?

    di bale na mawala lahat basta safe lang pamilya mo..

    Tugon

  7. buti naman buhay pa ang alagang baboy nyo yung ang da best dun e! marunong bang lumangoy ang baboy?

    pero maldito kaya ka pala nag eemote sa mga comments ko dis past few days.. di kaya na feel mo ng mang yayari to? ikaw naman di ka man lang nag text!

    dont worry i will help you to pray tutal medyo malakas ako kay bossing Jesus at kay papa God. sabihin ko bigyan kayo ng linaw ng isip para makpag move kagad…

    si frank talaga sabi ko dahan dahan lang ang ulan e!!!

    Tugon

  8. wala akong masabi.
    bilib ako sa family mo.
    at sayo, coz in times like these, nakuha mo paring magpatawa.
    toinkz.
    don’t worry, padad-an tamo ug buwad.
    jowks.
    anyways, let’s just hope and pray for the betterment of everything.
    just stay strong. tira tira. aja!
    :grin:

    Tugon

  9. pakyu frank! binagyo rin ang outing namin! hayuf!

    nalungkot naman ako dito sa balita mo pards..buti na lang nga at safe naman sila lahat sa Iloilo..grabe talaga lakas ng ulan at hangin nung weekends..pagdadasal ko na lang din pamilya mo run kelangan nila maging matatag lalo ka na dahil ikaw lang ang inaasahan nila.

    Tugon

  10. Posted by procopia marie on Hunyo 24, 2008 at 2:57 umaga

    Teka, patay na ba si Frank Sinatra?

    Seriously, nakakalungkot naman to. Signal nr 3 din kami sa amin pero di ganyan ang damage. Masuwerte pa rin kami kahit nakuha kong magluto nang nakapayong last weekend.

    Seriously, how can we be of help? Except for prayers. Mejo chappy yung signal ko ke Lord e.

    Wag ka nang malungkot. Andito lang kami. Kiss kita…mwah! Gusto mo padalhan kita pic ko para maaliw ka? Jowk lang ha.

    Tugon

  11. Basta kung kelangan mo ng tulong anjan lang kami. Tsk tsk tsk. Taenang Frank yan.

    Buti walang nasaktan.

    Tugon

  12. kuya magppray kame pra sau…at sa family mu..at sa lahat ng sinalanta ng bagyo..pasalamat pa rin talaga tau at material na bagay lang ang nawala.. ditu lang kami ;-)

    Tugon

  13. same here, Frank is not COOL, pati yung mga baboy sa highway nag-ala Flores de Mayo dahil wala ng madaanan…i wish u well

    Tugon

  14. Posted by pEyt on Hunyo 24, 2008 at 4:38 umaga

    kya mo yan…tulad nga ng sabi mo

    “im born as a warrior”

    ~fight~^_^

    Tugon

  15. Posted by apollo on Hunyo 24, 2008 at 4:45 umaga

    we’d be happy to help brod.

    Tugon

  16. i’ll include you in my prayers, Godbless your family… remember, there’s a rainbow after the rain :)

    Tugon

  17. ahay.. te diin bi gastay family mo subong? astig gja si frank.. pro mayo lang wala naka saka ang baha sa amon..

    astig ang baboy!! saludo gd ko kay nasalbar pa sa.. ano nyo na? pet? o ilihawon? hehehe…

    my prayers are with you

    Tugon

  18. maku di ko alam sasabihin ko, di namn pedeng alam ko pinag dadaanan mo dahil hindi namn talaga at mas lalo namng d pwedeng kongrats, baka ulanin ako ng bato at duraan nyo ko hangang malunod ako. pero I believe that every thing has a reason. I thank you. bow!

    Tugon

  19. kapatid! ramdam ko ang kaba sa entry mo kahit na nilalagyan mo ng humor. hindi joke ang nangyari sa inyo diyan. pakatatag ka. email mo ko kung kailangan ng tulong.

    Tugon

  20. hindi talaga biro ang iniwan ni frank na marka sa lahat ng mga nasalanta niya. nakakalungkot isipin na kailangan pang mangyari ito. saludo ako sa tapang ng buong pamilya mo lalo na sa’yo para harapin yan. kaya nga nandito lang kami kung kailangan nyo ng tulong. iba talaga ang mga pinoy, kahit na ganu kalaki ang problema, nakakatawa pa rin hehehe…astig ka talaga! ;)

    Tugon

  21. nakakalungkot naman…

    pero ang mahalaga sa lahat ay buhay silang lahat.

    i’l pray for you and i hope na makabangon kayo agad from that incident.

    Tugon

  22. sigaw ka lang bro pag kelangan na ko sa eksena! :)

    Tugon

  23. pag pe pray kita and your family kay Papa Jesus, pray ka din , malakas tyo dun , maaliwin daw Sya sa mga cute!

    Tugon

  24. thank God, safe family mo. Yun ang importante… babalik din lahat ng nawala sayo. :)

    Tugon

  25. Guin agyan man bagyo ag balay namon. Nagatindug pa mn a. May mga naga tinulo lg ya e. Life goes on. What doesn’t kill you makes you stronger.

    Tugon

  26. THANKS FOR ALL THE COMMENTS…..YOU GUYS ARE THE BEST!!YOU MAKE ME STRONG…

    SERIOUSLY…NAIIYAK AKO SA MGA COMMENTS NIYO.

    :)

    Tugon

  27. hmmm. . . ang bigat ng araw na to, lahat ng balita about sa mga kaekekan ng epal na si frank. hmmm, sa totoo lan, ito lan ang kaisa-isa(o kauna-unahan) na narinigan ko ng ganitong klase ng pinsala ni festeng frank. lahat kasi wala lang electric current o simpleng abot-tuhod na baha.

    hmmm, yaan mo, pagdadasal ko pamilya mo.

    sa totoo lan, natats din ako sa blogger friends mo. . . hmm, magandang friendship. nakakaaliw. nakakatuwa. . . . napaka-totoo.

    Tugon

  28. ako nga uminom kami
    nung linggo
    tae yan
    kami lang ang tao sa kalsada
    wet and wild

    teka
    baka namisplace nga lang soulmate
    :)

    may kapatid ka pa lang engineer?
    abay ipakilala mo sa akin yan
    ng mawala ang lungkot
    :)

    Tugon

  29. tama ka po, un material things pwede pang palitan pero pag buhay ang nawala hindi na pepwedeng ireplace…

    ill pray for you po. nadaan lang po ako sa blog mo, talagang napanganga ako sa pagbasa ng post mo po…

    talaga nga namang malupit humagipit si madir netyur.

    tsktsktsk,.

    Tugon

  30. Posted by gugmagiatay on Hunyo 24, 2008 at 3:32 hapon

    lintek na hinayupak talang Frank na yan! nakikiramay ako sa iyo bro! tuloy pa rin ang buhay!

    Tugon

  31. my prayers with you.!
    peste talaga nyang si frankiiieeeee….. :)

    Tugon

  32. tol, wag ka na mahiya, maraming gustong tumulong, wag mong solohin ang pasanin, pag tinanggap mo ang mga offer nila, natulungan mo na rin sila. we are but a fingers of a hands of God. post mo bank account mo, or other alternative, for sure, dadagsa ang tulong…trust me!

    Tugon

  33. dami talagang napinsala ni frank.

    tsk tsk

    Tugon

  34. sorry to hear about the bad news that you received from your bro. at least, your family are safe and that’s a blessing pa rin. just hang in there. God bless! :)

    Tugon

  35. at least ok ang pamilya mo maldito. good for us in oton kay daw wala didto ginbaha. my heart goes out to my fellow ilonggos. my prayers are with you.

    Tugon

  36. uy… i’m glad to hear ok naman kayo. good luck sa inyo.

    Tugon

  37. shet…sakit nyan sa utol mo na soon to be engineer..sayang yung mga papeles.:(
    pero mabuti na lang, ligtas sila :)

    Tugon

  38. tsk, masaklap pero ang mahalaga ay ang importante eh yung andyan pa kayo at kumpleto.

    Kung may laman lang ang paypal ko nagdonate na ako, kaso wala.

    Makakalusot din tayo dito bossing, dasal lang tayo.

    Tugon

  39. yes. frank was a bitch. im glad to hear your family and pet oink oink are safe.

    Tugon

  40. bro, nalungkot ako sa nangyari sa inyo, pero as long as wala sa pamilya ang nasaktan e mabuti na rin. ang gamit mapapalitan pero ang buhay hinde.

    Tugon

  41. mabuti naman at okay pa rin ang pamilya, yun ang importante.

    Tugon

  42. My prayers are with you guys! Totoo. Ngayon ko lang nakita ang mga pictures na yan, and ngayon ko lang nalaman na ganyan na pala sitwasyon sa inyo. Di na kase nanunuod at nakikichikka ng balita. Anubanamanyan. Anyway, I hope it all gets better.

    Tugon

  43. pinagpray ko na ng lahat.. grabeng pinsala ang ginawa ni frank. :(

    Tugon

  44. ui nabalitaan ko yan dito. kakalungkot naman. pero prete boy swerte mo pa rin kasi ang mga appliances napapalitan ng mas bago at mas maganda, pero ang buhay hindi. Thanks God buhay silang lahat. Hamo, malalampasan nyo rin yan. =)

    Tugon

  45. I so admire your courage. :) Good thing your family’s okay.

    Tugon

  46. ang dad ko ay galing ng antique. magkalapit lang yun di ba? balita naman namin eh, okay naman doon sa may amin.

    im sorry for the loss. at least hindi buhay ang nawala. at least safe sila. :)

    Tugon

  47. im sooo sooo sad to hear about what happened to your house. hayaan mo, this is just one of god’s challenges. meron nagsabi saken dati na hindi naman daw NYA tayo bibigyan ng problemang hindi natin kaya.

    i don’t pray much but i’ll pray that you and your family get over this tragedy soon!

    Tugon

  48. grabe.. sobrang naguguilty nga ako kasi sabi ko nung panahon ng bagyong frank, lakasan pa niya para walang pasok hanggang tuesday.. ayun pala, ang daming napinsala.. shet.. kakaguilty talaga..

    pagdadasal kita at ang buong pamilya mo..

    Tugon

  49. Grabe, naalala ko tuloy ung lolo at mga uncles pati na mga pinsan ko sa pinas, ung bubong daw nila tumulo for the first time dahil kay bagyong Frank. Kuya, pag di mo na kaya, magdodonate ako .. (Naks! parang totoo)

    Tugon

  50. buti na lang nung humagupit ang bagyo nasa bahay ako, nasagip ko mga gamit na dapat sagipin. natuwa ako at yung barong barong namin di nailipad ng bagyo pero lintek, di kami nakaligtas sa maputik na baha. ambilis tumaas. grabe, pers taym lampas tao, pero i feel blessed pa rin.

    Tugon

Tumugon sa paskil na ito