Sisterhood

Ilang araw na din pala ako indi nagsusulat ng matino. And I mean, yung sulatin na galing talaga sa puso’t diwa ko. Nawala ang ulirat ko ng dumating si “frank” sa buhay ko, tinangay na din ang apoy sa puso ko sa pagsusulat. Para din akong nilagyan ng canister ng Pringles sa pwet sa problema sa buhay.

 

Passion. Passion. Light up my passion.

 

Pero eto parin ako, nakatayo. Lahat nalang nakatayo. Taas noo kahit kanino. Ang Pilipino ay ako. Sinusubukan ko nang mag balik loob sa blogging. Pinipilit na wag salantahin ng bagyo ang blogging career ko. Masustansya pa naman ang blogging saken. Buhay na buhay, walang pantay ang latay!

 

Nag mamature na ako. Na fefeel ko yun, kahit indi pa sabihin nila. Kung sino sila, indi ko alam. Basta sila period. Pero indi ang mukha ko ang nagmamature, ang isip at puso ko. Ika pa nga ng Tita ko pag uwi ko, indi ako mukhang propesyonal. Akala ko nga iniinsulto niya ako, at nagintay ako na sabihin niya mukha akong adik. Pero indi.

 

 Ang sinabi niya eh mukha daw akong High school student. Indi dahil Tita ko siya, o may pagkaplastic kung minsan mga tita ko, pero naniwala ako. Uto-uto. Kaya binigyan ko siya ng 200 pesos, pambili ng enervon-c.

 

Nag-iisa lang ang babae namin. Siya ang bunso, at kami namang 3 ang guard niya. Syempre, dahil walang ibang babae sa amin, kami ang palaging kalaro. Ayun, kilos lalaki ngayung dalaga na, mahilig pa sa sports ang bruha. Talo pa kaming mga lalaki, kasi ngayun, varsity sa basketball sa kanilang school. Eh kaming 3? Kulang nalang e enroll sa cross stitch class ni nanay.

 

Kabilang na din siguro sa obligasyon ko bilang “man of the family” ang pagiging gabay sa mga kapatid kong nagsisimula nang kumati ang mga paa sa pag eexplore sa labas ng student life. Ang kapatid kong lalaki, lahat nalang ng babae indi pinapalampas sa mga palad niya, na kahit mga ultimo na mga inday’s sa subdivision indi pinapalampas. Ang kapatid kong babae, aba, may mga lalaki na. Syempre, uminit ulo ko sa balitang yun, dahil sila nagiintay lang ng rasyon ko, tapos ang dami dami pang karingkingan.

 

Habang ako, nagpapakahirap, nagpapaalila sa apat na sulok ng kwarto ko, nag iisa at pinipigilan ang sarili na indi mabuntis, este indi makabuntis.

 

Sa unang pagkakataon, nangaral ako sa kanila. Indi sa dining table, dahil wala na kami nun, kundi diyan lang sa ibang sulok ng bahay. Ang mga hitad, may mga love life. Habang ang kuya nila eh pinipilit wag ma inlove dahil masisira lang buhay ko sa mga babae. Char!

 

Pero indi naman ako totally galit. Normal lang naman kasi yun. Bahala na ang brother ko sa kakadikarte sa mga babae na makikita niya sa bangketa basta wag lang yung only gurl namin sa family ang tangayin ng kung sinong lalaki. Gusto ko lang kasi safe ang unica hija naming at makapagtapos ng pag aaral na walang dalang bola sa tiyan.

 

Oo na, indi talaga mawawala ang pagka overprotective ko sa sister ko. Sinabihan ko na pakita niya ang BF niya nang mabalatan ko ng buhay at nang maduraan ko. Tignan natin kung mamahalin pa ba niya ang sister ko pagkatapos naming wasakin at yurakan ang buhay niya.  Pero sa takot, eh hiniwalayan na ang lalaki. Ganun ako ka walastic pag galit, labas lahat ng galit pati dugo sa kakapangaral sa kanya.

 

Walang hiyang lalaki.

 

24 na siya, ang sister ko eh 18 palang. Indi pwde na mas matanda pa sakin ang bf niya.Sa description palang ng nanay sa lalaki, alam ko na indi makakapatigwalaan yun. Syetnes, pasalamat talaga siya baha ang punta ko sa Iloilo at indi siya. Indi naman ako nangungutya, pero sana naman pinili niya naman ang may “K”. Indi yung may K nga…

 

Mukhang Kamatayan.

 

Mahirap talaga magpalaki ng isang pamilya.

 

O di kaya inggit lang ako?

 

 

 

 

 

 

 

 

29 Tugon to this post.

  1. inggit ka lang at wala kang love life.. hehehe.. pero inggit din ako sa kanya.. super gusto kong magkaKUYA.. huhuhu.. kaso ako rin panganay eh.. ako rin taga pangaral..

    musta pala uwi mo dito?
    nasira blog ko.. haist! ayos ba? azar nga eh.. nx week pa ko babalik sa blogging..

    mahirap ang inaasahan ka ng lahat.. pero kayang kaya mo yan..

    hugz na lang na super tight.. hmmmmmm…
    hehehe..

    ingatz..

    ok lang ang uwi ko dyan. napuno ang ilong ko sa alikabok..ahahhaha..

    may tubig pa da gale ya bilin?jusko!ahhahaha..

    thanks for the comfort!!!kaya ta ni ah!

    Tugon

  2. nakow nakow nakow! as in nakow! nabakla ka sa post mo na itets tsong, masasabi ko lang, dapat pagpayuhan mo yung kapatid mo na lalaki na medyo bawas bawasan ang pagpapalampas ng mga babae sa palad nya, mahirap na tsong baka bumalik sa sister mo…

    kahit over protective ka and importante dyan tamang pag uusap para lalo maintindihan.

    first ako sa comment…

    indi ka first..aehhehe..naka moderate ang comments..ahahaa…feel ko lang makakita ng pulang pulang memo sa taas ng dashbord..ahahhaaha..

    nakausap ko na…indi naman ako warfreak eh.

    Tugon

  3. asus… drama pa ni magellan ina.. ikaw? ano pipiliin mo? naglilihim ang kapatid mo at gumagawa ng miraglo dahil hindi makasabi sa inyo, o intindihin ninyong may buhay din sya at lahat ng ginagawa ay sinasabi sa inyo? wala lang… okay kasi yang pahero hero, pero isipin din na baka kayo lang din ang wawasak sa buhay ng kapatid ninyo… take it from me, bro…

    bata pa naman siya eh.indi pa taym ang mga ganun. isa pa wala akong tiwala sa lalaki. Kung pwde lang isanla kapatid ko dahil sa investments ko, gagawin ko. Pero wag naman sana mawala yun dahil lang sa lalaki…tatke….

    nakakarelate ka?yan ba ginawa sayu ng bro mo no?ahhee

    Tugon

  4. pre mukhang nauto nga yung sister mo ah mukhang bihasa na si lalaki dahil sa edad nyang 24 baka marami ng karanasan yan kaya sige sabihan mo lang ako kung kelan natin sisindakin yan..pasukan natin ng bote ng gin sa pwet.

    buti naman at nakakarekober ka na..baha pa rin yata sa Iloilo eh.

    yun na nga bossing..kung 13 years old ang lalaki walang probs saken..eh tgnan mo naman 24? mas matanda pa saken…ahahhaaa…ayun pina salvage ko na.indi na pumupunta ng bahay..teka wala na pala kaming bahay..ahahhaa

    medyo naka rekober na…syetness.

    Tugon

  5. inggit ka nga lang siguro. oo nga naman pag nakatuluyan ng sis mo un bf nya e ano tatawag nya sau. baka tayuan ka naman ng balahibo kung tawagin ka nyang kuya.

    i’m glad you’re back. ganyan lang talaga buhay weather-weather lang. di man ako naniniwala sa Diyos palagi, naniniwala ako na di ka nya bibigyan ng problema na di mo kaya. so kaya mo yan bf ng sis mo. abangan na agad sa kanto yan!

    ahaha..salavage na tuloy?ahhahaa..yun na nga eh.ako pa ang tatawag ng kuya sa kanya?potah..sa mukha kong to…kuya?tae..ahahha..

    oi may blog ka na..kailan ang blessing?ahhaha

    Tugon

  6. ito ang isang dahilan
    kung bakit gusto ko ng kuya
    :|

    walang aaway sa mga lalake ko
    hahahaha

    kung ako sa iyo
    tamang gabay lang
    wag ka mangangaral
    treat her as your sister
    and not as you daughter
    :)

    ganun naman nga eh…sister lang nga ang turing ko sa kanya..pero wag niya lang abusuhin ang kabaitan ko..nawawala pa naman ang kabaitan ko pag minsan..ahaha

    Tugon

  7. Ahaha, ganun na lang talaga siguro ang mga babae na may kapatid na lalake. Tipikal na lang na protektahan sila lalo pa’t ayan, nagiisang babae.

    Pero tama lang naman kung mukhang K ang magiging katipan ni sister kasi ang hirap na baka malahian ng K ang Maldito clan.

    Sana sa susunod na katipan ni sister eh yung mukhang buhay naman, hehe.

    indi pwdeng mahaluan ni kamatayan ang bloodline namin!syetness!!magbabalot ang dugo sa lupa pag nagkataon!!takte!!uuwi siyang hawak ang kanyan ulo!

    Tugon

  8. wow man of the hour ang dating! asust! :)

    pwde bang gawing man of the year?

    Tugon

  9. Posted by kengkay on Hulyo 4, 2008 at 1:39 hapon

    hay ano ka ba, inggit ka lang talaga :)

    ahaha..indi ako inggit.

    Tugon

  10. malamang oo, inggit ka nga. masarap kaya may lovelife. babae din ang bunso namin. 19 na sya at pasalamat ako at medyo hindi pa nya ganon kainiisip ang lovelife. seloso kaya lahat ng mga kuya nya kaya natatakot. ang point ko naman, the more na pipigilan mo, mas lalong nagigng mapangahas kaya ipaalala na lang kung hanggang saan ang limitasyon.

    kung ako nga kapatid mo matatakot ako sayo. buti na lang di ka nila everyday kasama.

    apektado din kami ng bagyo. hanggang ngayon di ko pa nakakausap nanay ko kasi walang signal, walang kuryente.

    hala bro.san ba sila sa Iloilo? Pray lang tayu na safe sila. Ako nga pag uwi ko wala paring kuryente dun. Balik basic talaga ang Iloilo. May tubig parin ang ibang parte.

    buti na nga lang indi ako parating kasama. Strict talaga ako pag mga rules na.ahehhe..daig ko pa ang tatay ko.

    Tugon

  11. Posted by kryza on Hulyo 5, 2008 at 2:17 umaga

    lam mo, sa katagalang pag babasa ko sa mga blogs mo nahuhulog na ata ako sayu eh.. char.
    hehe
    bro baka inggit lang yang naramramdaman mo,
    dito lang naman ako.
    hehe pero hindi mo ko stalker ha, baka ano iisipin mo jan.
    pero labs ko parin mag basa sa mga kababalaghan sa buhay mo.
    mwah mwah

    char!ahahaha….indi naman kita binubuhat para mahulog ka…text mo saken kung saan ka, lagyan natin ng foam ang huhulugan mo.lols..

    indi ako inggit..ahahaha….meron din akong underground movements..lols.

    salamat sa pagbabasa.

    Tugon

  12. ahaha! inggit ka lang! inggit! inggit!
    wahehehe.
    di nga, ok lang yang ginagawa mo. wag lang pasobrahan.
    bunso nga naming babae na 18 pa lang, may bola na sa tiyan. tigas kasi ng ulo. hindi nakikinig sa amin. hehehe.

    ayan na nga ang sabi ko eh…ke bata bata mga mapupusok..grrr….buti naman at ikaw ay matino pa..ahahha

    Tugon

  13. waaaahhhhh~!! ganyan nga din nangyayari sa utol ko…ewan ko ba…di makapili ng matino…pero sino ba ko para upakan sila?
    -
    in time, they will know na mali sila :D

    sana wag lang silang turuan ng leksyon in a hardest way.

    Tugon

  14. naku, mahirap na yung ganyan, naghihintay na lang ang pagkakamali para ito na ang magturo sa kanila ng leksyon.

    waw, padre de pamilya ka tsong! nice job! -_^

    knock on wood lang sana…sana wag silang magkamali..jus ko..papatayin ko talaga ang lalaki,.

    Tugon

  15. Posted by kryza on Hulyo 6, 2008 at 1:16 umaga

    seryoso ka?…
    ahaha
    cge bah, akin na numero mo, 1234
    ……………………………………….text ko sayu.
    hintayin ko,
    mail mo saken hap
    kryzasweet@gmail
    mwah

    buang..ahahhaa….pinost ko dati number ko dito..indi mo ba nakita?ahahahhaa…..cge email ko sayu number ko..teka ha.

    Tugon

  16. sa palagay ko eh inggit ka nga.. hahahaha!!

    indi ako inggit!!!bleh!may sex love life ako!

    Tugon

  17. buti na lang at hindi kita naging kuya kung nagkataon kawawa naman ang luv lyf ko….hehe

    sabagay nature na ata ng mga kuya ang maging overprotective sa mga little sis at mas nakakatakot pa sila sa tatay…..

    hehhee..i can always be ur kuya eh…pero indi kita hihigpitan..sasakalin kita..aahahaa…..

    Tugon

  18. i smell double standards here, ewan,~

    indi lang double..ISO standards ako..ahah

    Tugon

  19. sa family naman namin 3 kaming naunang girls tapos 2 boys ang mga mas bata. nung nagka GF sila, di naman sila nailang ipakilala sa amin pero i’m sure naintimidate ang mga gf nila sa aming mga girls hehe…

    talagang naiintimidate yan..lalo na na 3 kayung big sis…ahaha…good luck nalang sa mga GF nila.

    Tugon

  20. napakaswerte ni sisterhood at merong nagbabantay na kapre, este kuya pala.

    welkam bak.

    ahahhaa..malala pa a kapre ang nagbabantay sa kanya…talgang centaur ako..lolss

    Tugon

  21. matino pa naman siguro ako. wahaha! teka, kaw yung si k-c sa friendster ano? nag-view ka yata sa profile ko. nyahaha! :lol:

    oo ako yun..at nilagay talaga dito ang name ko?ahahhaa…..oo nag view ako sayu..nakita ko kasi comment mo kay yani..

    Tugon

  22. ang saya mo naman maging kuya, hahaha… swerte ng pamilya mo sayo… lalo na ang magging pamilya mo balang -araw :)

    salamat po ate….masya nga..kaya walang problema saken si nanay..ako ang namomoblema sa kanila..lols

    Tugon

  23. huwag kang mag alala, hindi ka nag iisa!
    wahahahaha ako nga rin mga kapatid ko meron ng mga BF except ung bunso syempre na 9-years-old
    24 na ako pero wala pa ulit akong love life…

    Huwag kang mag alala kuya, nasa huli ang biyaya wahahaha…

    And OO ang sagot ko sa huling tanong mo. OO INGGIT LANG TAU SA KANILA wahahahahaha

    ahahha…pwde naman magka BF ang 9 years old eh…puppy bf..lols..

    cge lang..makakakita ka din naman ng mamahalin mo..aking eh nandyan lang sa tabi tabi..lols..

    indi ako inggit.lols

    Tugon

  24. ganun? wahaha! at talagang in-edit ang name.. wahaha.. oh siya, kita chong ha? hehehe. :lol:

    oo naman..alam mo naman ayoko ng lime light..mahiyain eh..ahahaha

    Tugon

  25. uu nga, tingin ko nga mahiyain ka talaga. pramis. ehehe. :lol:

    indi ba obyos sa mukha no?ahahaha…

    Tugon

  26. ang bad…maldito ka talaga…inggit ka lang!

    patulang mo na kasi si madam auring…ang tagal ka na niyang hinahabol-habol!

    yak..madame auring? walang bang katulad nalang ni tiya pusit?ahehehe..

    indi ako inggit noh! protective lang ako sa sister ko.

    Tugon

  27. bitter, bitter, bitter!!!! hahahaha!

    Indi!!indi!!indi!

    Tugon

  28. depensib! depensib! depensib!

    Tugon

  29. Ganun yata talaga lahat ng kuya, kontrabida, parang ikaw. Hehe. yung kuya ko din laging kontrabida sa lablayp ko eh, pero sya may syota, ano ba yun. Hahaha.

    Tugon

Tumugon sa paskil na ito