“Buntis mga cousins mo”.
Ang sabi ni nanay nung umuwi ako samin. Indi pa ako nakakain ng maayus ng mga panahon na yun at tila indi ko masyadong narinig ang mga sinabi ni inang kalikasan.
“Huh?Ako buntis? Syetness nay!”. Kinapa ko ang tyan ko at malaki nga. Muntik na akong maiyak sa rebelasyon na sinabi ni nanay, pero nagising ako nung hinagis niya akong tsinelas niya, na tatak dragon.
“Gago, ang mga cousins mong babae ang mga buntis, indi ikaw. Kinapa mo pa ang tiyan mo na puro lang naman beer ang laman niyan”. Sigaw ni nanay sakin, na umantig ng mga espirito kong nakatago sa loob looban ko.
Indi ko pa malalaman ang balitang niyan kung indi pa ako umuwi sa amin. Indi naman ako mag rereact kung isa lang sa cousin kong babae ang buntis, pero lahat sila talaga eh buntis. Kahit ang cousin kong lalake eh nakabuntis din.Pwera nalang sa mga kindergarten at elementary students ko na mga cousins. Heller?
May jerjer marathon ba sa amin habang wala ako?
Ok lang sana ang mabuntis kung kayang kaya naman nila ang mabuhay sa sarili nilang mga paa. Pero yung mga nabuntis eh mga uhugin pa at mukhang sipunin. Juice ko! Sarap pang hampasin ng walis ting ting para naman malaman nila ang hirap ng buhay ngayun. Indi pa nakapagtapos ng pag-aaral at walang trabaho. Indi ko naman pwedeng suntukin nalang ang tiyan o sipain para malaglag ang bata. Mga future pamangkings ko parin naman yun.
Indi ko naman masisisi ang mga magulang nila. Alam ko, indi nagkulang ang mga nanay nila at tatay sa pagturo ng tama at mali. Sa katunayan nga, naka experienced din ako ng pangaral galing sa kanila nung nakita ang mga piercings ko sa katawan. Pero, mas safe ang piercings ko keysa sa sex di ba? Yung mga cousins ko lang talaga ang may problema.
Simultaneous broadcast ba ang ginawa nila at sabay sabay sila na buntis? Bakit indi nila ako ininvite?
Kailangan na talagang i-implement ang safe sex. Indi yung dapat siguraduhin na indi kayo makikita habang gumagawa ng oompa loompa, kundi yung siguraduhin na walang may mabubuntis. Mapa lalaki man o babae. Alam ko, babae lang ang nabubuntis, kaya wag niyo akong parangalan. Alam ko ang pinag sasabi ko.
Bahala na si arsobispo, mosenyor o sino mang sugo ng Diyos, including Manang Apa na laging naghihingi ng pera pampaayus ng simbahan, pero narealize ko, bagong gawa ang simbahan at last week lang nilagyan ng bagong pinta may sira na? Kailangan na talagang ikalat ang mga contraceptives sa mundo.
Whether they like it or not!
Ayokong makakita ng batang kumakain ng uling o umiinom ng suka’t patis sa umaga.Maawa naman sana sila sa future ng bata, kahit ang mga magulang ay wala ng tinatawag na BUKAS. .
Bukas na zipper.
Kung ako lang ang pagbibigyan, at kung may ganyan talagang factor, gugustuhin kng maging Ambassador of Safe Sex. Indi dahil mukha akong vasectomy, pero gusto kong makatulong sa paglaganap ng magandang buhay. Matiwasay, masagana at masiglang buhay. Pechay for Senator!
At dahil ako ang ambassador, plaplanuhin ko ang ibabahagi kong impormasyon sa mga mamayang Pilipino. At sisikapin ko na lahat ng bagay na malalaman nila eh galing sa puso, utak at lalamunan ko, pwera nalang sa puson ko. Gagawa ako ng lesson plan, at eto ang sasabihin ko sa kanila:
Gumamit ng condom.
Maraming uri ng condom na mabibili sa prutasan. Meyron apple, banana, watermelon at meron pang durian flavor with matching spikes pa para sa ikakaligaya ng ninuman. Eto po ang basic ng safe sex. Kung walang condom, pwde ding gamitin ang plastic ng ice ng kapitbahay o yung plastic ng SM. Yung biodegradable ang gamitin para indi magka rashes ang vas deferens. Lols.
Paunawa ko lang po, ang condom ay indi nginunguya. Lalo na pagkatapos gamitin. Eto po ay ginagawang pony tail, syempre pagkatapos ng jer jer, halukay ube ang buhok.
Pills
Naalala ko ang tita ko na gumagamit nito. Noong una sabi niya, vitamins lang daw. Pero huli ko nang malaman na contraceptive pills pala yun, nung pina self-prescribed ko ang mga yun sa mga classmate ko nung elementary. Actually, naging masigla naman ang mga pootah. Yung nga lang, nagreklamo sila ng pananakit ng tiyan. Buti nalang at indi lumabas atay nila nung tumae sila. Iba talaga pag genius at malikot ka noh?
Pero sa aking pananaliksik, pwde din namng ihalo sa ginisa mix ang dinikdik na pills ng iyung mga nanay o tita. Sa ganun indi na mahirap lumunok, lumulunok ka na nga ng matigas na bagay, lulunok ka parin ng tableta? Aba, kakapagod nga yun. Kaya ihalo nalang sa sinabawang gulay ang pills. Sa ganun, indi lang ang nanay mo ang makikinabang, pati na din lola mo.
Babala: Wag pakainin si baby. Baka bumalik siya sa pagka fetus.
Withdrawal
Noong una, sinasabi nila na pag winidraw daw ng isang lalaki ang mga tadpoles niya sa labas, magkakaproblema daw siya sa ulo. Sino ba naman indi eh pipigilan mo tapos lalabas din naman pala? Di ba sayang ang momentum? Nasa tutktuk ka na ng karuk-ukan tapos bigla nalang mawawala ang “tingling feeling”. Pero indi to safe, lalo lalo na sa nga taong mahirap mag tantya ng oras. Kung indi talaga marunong, maari naming tahiin ang lagusan o lips ni JR para wala nang may lalabas.
At bakit nakakasira ng utak to? Dahil ito sa pag iiba ng tone o boses. Kung ang mga singers nga nahihirapan sa shifting ng tones, pano na kaya ang withdrawal? Kung nahihirapan kayung intindihin to, isipin mo nalang na:
Sa kalagitnaan ng love making:
“Ahhhh…ohhhh…ahhhh…ehhhhhhhhhhhhhh”.
Tapos biglang nalang iwiwithdraw:
“Oh.” (Nora aunor style)
*SILENCE”
Kuha ng tissue.
O di ba ang hirap? Walang spontaneity na tawag.
Ang maniwala saken baog.

Posted by xG on Hulyo 8, 2008 at 2:22 hapon
mahirap ang widthrawal method
hahaha
di ko rin alam
ako na lang yata ang matino
sa angkan namin
gawwd im so bait
mga kabataan ngayon
napakaagresibo at mapusok
mabuti na lang 11 pa lang ako
hahaha
Posted by cliogoddess on Hulyo 8, 2008 at 4:07 hapon
bwahahhahha, araw arawin kc ang pag jejerjek para pagod ang semilya, hindi nakakabuo, choze,
ewan wala akong alam sa ganyan. eheheehhe.
kc safe ako hindi ako mabubuntis! HAHAHAHA
kc hindi pako ready, toinks!
Posted by kidlatanvillage on Hulyo 8, 2008 at 7:36 hapon
Kung walang condom puwedi bang supot na lang ng ice candy?
Posted by antuken on Hulyo 9, 2008 at 1:09 umaga
korek. ako katoliko rin pero kung hindi talaga tayo magiging safe, sobrang baby boom to the max talaga.
alam mo ba, nung seminar namin before getting married, eh puro kabataan ang kasabay namin. napagalitan pa ng facilitator kse ang nakalagay ba naman sa logbook nya ng attendees: job – NONE. susko, pano na bubuhayin si baby di ba?
sa kaka-praktis namin ni mr. antuken ng safe sex nung di pa kasal, yan tuloy di kami makabuo. waaah!
Posted by aga on Hulyo 9, 2008 at 2:05 umaga
alam mo tama ka suportahan kita para maging ambasador ka!
pohtah naman kasi jerjer ng jerjer ndi naman marunong. tsaka ang lalakas ng loob nila ah, sa hirap ng buhay ngayon sila nagagawa pa nila makipag jerjer. sabi mo nga ndi man lan tau niyaya para may taga bantay sila! asust!
naka nang! nakakatuwa na may kapupulutan ka ng aral sa entry mo. AKO ay 100% na sang ayon sayo parekoy!
mabuhay ang jerjer! ahehehehe asust!!
Posted by gasti on Hulyo 9, 2008 at 2:11 umaga
mukhang malamig nga s aIloilo eh baka sinabat nila sa tag ulan yang buntisan…masarap kasi lalo na pag bata pa..ayan ang napapala ng masyado mapusok..di pa graduate..wala pang trabaho..tsk tsk..dapat kasi puro petting na lang eh.
Posted by hitokirihoshi on Hulyo 9, 2008 at 3:07 umaga
sige maigi nga na maging embalsamador este ambassador of safe sex ka… ingat lang sa mga programs baka mag-reactive ang mga activista…wahehhe
Posted by FerBert on Hulyo 9, 2008 at 3:28 umaga
uso to sa tropa ko ngayon.. balak ko nga din makiuso eh kaso wala naman akong sekslayp… haha
gusto ko sanang sabihin na mas epektib ang abstinence kesa sa pills at condom kaso malibog na ang mga people ngayon so i aadvocate ko na lang din yung artificial contraceptives.
sana hindi nila kalimutan yung newton’s law.. Every action has an equal and opposite reaction.. sa bawat pagkadyot ng balakang eh magkakaroon ng reaksyon.. kaya bago nila gawin ang isang bagay isipin muna nila ang magiging kalalabasan nito.. saka maging responsable lang.. panindigan kung ano man ang outcome ng kanilang pagkan *tooooot*
Posted by kulot on Hulyo 9, 2008 at 3:29 umaga
supot ng ice candy, hindi kasya yun, mas mainim labhan na lang yung nagamit na condom, pero the best dyan na alam ko is pills, nakakatulong pa sa pagregulate ng hormones ng babae yan, correct me if im wrong, pero nasubukn na namin yan nung magbf gf palang kami ng asawa ko sya nagpipills o di ba hanep
Posted by nickname™ on Hulyo 9, 2008 at 3:53 umaga
bwahaha!
yun lang.
wala akong alam sa mga ganitong bagay.. baby pa ako. lols. fetus palang ako. wahaha!
Posted by idiotsyncrasy on Hulyo 9, 2008 at 4:03 umaga
aray koh!!! tinamaan ako nang bonggang-bongga sa post na ito! safe sex? ano yun? tama ka di safe yung withdrawal…lagi na lang ako nadadale nyan, mga 4 times na…so i guess na-prove ko na na di safe yan.
pero idol naman naitataguyod pa naman namin mga chikitings namin. gatas pa naman iniinom nila, indi am. pero promise last na yung last. husss…if i know ang point lang ng post mo e di ka nakaabot sa jerjer marathon hehehe.
Posted by procopia marie on Hulyo 9, 2008 at 4:09 umaga
aray koh!!! tinamaan ako nang bonggang-bongga sa post na ito! safe sex? ano yun? tama ka di safe yung withdrawal…lagi na lang ako nadadale nyan, mga 4 times na…so i guess na-prove ko na na di safe yan.
pero idol naman naitataguyod pa naman namin mga chikitings namin. gatas pa naman iniinom nila, indi am. pero promise last na yung last. husss…if i know ang point lang ng post mo e di ka nakaabot sa jerjer marathon hehehe.
Posted by hiyashinsuna on Hulyo 9, 2008 at 4:29 umaga
bwiset talaga yang buntisang issue yung bf ko hindi gumamit niyan kaya may nabuntis na ibang babae, palibhasa ako walang matres palibhasa isa akong bakala na inilagay sa katawan ng babae, kumusta naman ako ngayon…
Posted by mang BADoy on Hulyo 9, 2008 at 5:35 umaga
safe ba kahit araw araw? minsan nakakapagod din a heheheh! pero enjoy pa din… exercise naman yun tsaka panlaban sa tukso..
Posted by kuyajhun316 on Hulyo 9, 2008 at 6:53 umaga
Kung ako lang ang pagbibigyan, at kung may ganyan talagang factor, gugustuhin kng maging Ambassador of Safe Sex. Indi dahil mukha akong vasectomy, pero gusto kong makatulong sa paglaganap ng magandang buhay. Matiwasay, masagana at masiglang buhay. Pechay for Senator! <<<
kpg naging ambassador of safe sex kaw, advice lng… mas effective ang leading by examples.. un tipo demo-demo muna… at para m perfect bawat demo.. practice .. db… hheheee..
la lng …
toinkzzz!!!
Posted by gugmagiatay on Hulyo 9, 2008 at 8:54 umaga
ang sex nga naman nakakabaliw.mas malala pa yan kaysa sa drugs.
mag drugs na lang kasi wala ka pang ibang buhay na masisira! hehehehe
Posted by Rhapsody on Hulyo 9, 2008 at 9:48 umaga
bwahahaha… parang nakiuso mga cousins mo dun sa nabasa kong news na isang group ng students sa US ang sabay sabay na nagpabuntis kasi gusto nila sabay sabay din nilang palakihin ung mga magiging anak nila…
Posted by sexy moi on Hulyo 9, 2008 at 10:38 umaga
ahaha.. nabuhay ang kakulitan ni mr maldito… hay naku approve ako jan noh… catholic ako pero go ako sa contraceptives… juice koh! yung mga batang kalye di naman simbahan ang nagpapakain nung mga yun noh tsaka basta… mahirap na ang buhay
Posted by jhaynee on Hulyo 9, 2008 at 11:02 umaga
may nakalimutan ka..
CALENDAR METHOD.. hehehe..
di ka gumagamit nun no? hehehe..
xG, hula ko hindi ka mabait, magaling ka lang.. wahaha.. peace..
grabe na nga talaga mga kabataan ngayon.. advance na masyado.. hindi lang sa math at science pati rin sa ibang bagay..
haaaaay… kakamiss magblog.. buti na lang im back..
Posted by FerBert on Hulyo 9, 2008 at 11:52 umaga
nawawala comment ko o baka naman nakamoderate to?
testing
Posted by angel on Hulyo 9, 2008 at 2:20 hapon
argh.. di ko lam topic dito.. aheheheh juk lang..
Pero madami kang puntos kuya… dami rin sa paligid ko nabubuntis na.. Mas maganda siguro ilegal muna magkajowa habang di pa kaya.. ahehehe
Posted by naglalambingnacute on Hulyo 10, 2008 at 3:43 umaga
isip bata pa poh ako!! weh! very trulily po lahat ng sinabi mo mr. maldito ..
Mga kabataan talaga ngaun puro marurupOk unahan daw ba aKO?!!! Dapat talaga safe sex o mas tamang sabihin nO jer jer muna.. haiiizzz =)
Posted by earthlotus on Hulyo 10, 2008 at 9:07 umaga
anak ng tokwa, ayos itong post ah! haha. ^_^
kewl. sa college din namin, uso ang buntisan blues. buti na lang sa section namin eh wala pang nagkakamaling magpabuntis at mambuntis, pero halos ng ka-year level namin eh halos may kanya-kanya nang buntis. kewlness.
tsk tsk tsk.
sooner, magagamit ko din yang mga payo mo. haha. ^_^
Posted by ellieshe on Hulyo 10, 2008 at 11:01 umaga
ala rin akong alam ditu..nyaaah!
yung mga pinsan ko din at yung mga kaklase ko nung hayskul ang aga ngsibuntisan. . .haaays mga kabataan nga naman, di nila alam ang hirap ng buhay..ay teka..ilang taon na ba ako? bata pa pla aku..nakuuu…hehe
Posted by FerBert on Hulyo 10, 2008 at 4:14 hapon
ispiking of buntisan yung gelpren ko natsitsismins din buntis ngayon.. putangina! hindi nga ko makaiskor pano mabubuntis yun.. hahaha
maliban na lang kung.. sana hindi naman..
Posted by wei vines on Hulyo 10, 2008 at 5:12 hapon
hehe…yung withdrawal? hmm may nabuntis na barkada ko dahil sa withdrawal… ngaun pa nagsisi:
“sana tinuloy na lang namin noh?!!” heheh…
-
pero grabe naman yun! nagusap usap siguro mga pinsan mo na dapat sabay sabay silang magkakaanak? hmmm…
Posted by reyna elena on Hulyo 11, 2008 at 4:04 hapon
an sarap makinig sa mga kwentuhan ninyo hehehe withdrawal hahahahaha monthly – wala ako nyan hehehe
off topic: congratulations maldito! pucha ever top ten chorvalloo ka koyah! hahahah
Posted by dakilang islander on Hulyo 12, 2008 at 3:58 umaga
nakikita ko magiging sex guru blogger ka na dito…ahehehh
sinunod lang sa mga pinsan mo ang utos ng diyos..to go to the world and multiply..hehh
Posted by aga on Hulyo 12, 2008 at 7:15 umaga
aba teka maiba ako baket wala ako sa blogroll mo? aber!
asust
Posted by kengkay on Hulyo 13, 2008 at 6:41 hapon
may iba pa, yung transplant that you have to change every three years. yan ang gamit ni kengkay, may kamahalan nga lang pero mas practical
Posted by Anju on Hulyo 13, 2008 at 7:06 hapon
Hahaha.. nakakatuwa naman un, biglang “OH!” hehe..
Ngaun ko lang nalaman na may masamang side effect pla ung withdrawal, ung teacher kasi namin sa Biology sabi mabisa daw yun. Tuwang tuwa ung mga bading. haha
Posted by M on Hulyo 15, 2008 at 6:07 umaga
Boss Maldito, sampalataya ako sa kakayanan mong maging Ambassador! Epektibo itong plano mo. Alam ko mahirap pero dahil panukala mo susundin ko! ANG GALING TALAGA!!! Okay, OA na ako.
Tsk, nakakalungkot mang isipin, pabata na nang pabata ang nagkakaanak. Gusto ko mang murahin silang lahat ayaw ko din kasi baka bukas ako naman ang magkaanak. Wala pa akong pondo kahit man lang pampaanak.
Posted by mnel on Hulyo 16, 2008 at 6:03 hapon
haha. nakuha ang atensyon ko nito kasi kakalagay ko lang ng positive prego test sa blog ko. haha.
on a serious note, i have to agree. kailangan ang safe sex sa pilipinas. katoliko ako, nagsisimba tuwing linggo at namumuhay ng matiwasay ayon sa sinasabi ng simabahang katolika pero hindi ko maarok kung bakit sa panahon ngayon, malakas pa rin ang tutol ng simbahan sa safe sex.
kumusta naman. tuwing nadadaan ako sa mga slum areas eh, parang may baby factory sila at nagpapaligsahan sa padalasan ng sex at padamihan ng anak.
por diyos por santo. ano na lang kakainin nila? buti sana kung yung mga pinapakain nila sa mga asawa nila eh pwedeng ipakain sa mga bata.
pero di mo naman pwede pakainin syempre ang sanggol ng saging (oo, yun na lang kasi ang kaya ng budget nila eh) habang wala pa itong ngipin. kawawa naman. baka mabulunan pa. tigok ang bata.
Posted by maye on Setyembre 17, 2008 at 7:00 hapon
hahaha.. ano ba yun. natawa ako sa post mo at agree ako sa’yo.
bakit kasi pinagbabawal pa ng simbahan ang contraceptives eh.