Star Factor

Bata palang ako, tinitingala ko na ang mga tao na nakikita ko sa isang square shape box na may ilaw, o sa isang telebisyon.. Black and white pa ang uso nun, at indi masyadong makulay ang manood ng palabas na walang kulay. Noon pa man, alam ko na na magkahawig ang mga karakters na makikita mo sa telebisyon sa totoong buhay, pero minsan naiisip ko din malayo-layo din ang iba.

 

Nangarap ako.

 

 

Tinanong ko ang sarili ko. Ano kaya ang feeling ng nasa harap ng camera. Pasayaw sayaw, kanta, iyak o ano pa mang pakwela na sinasabi ng director na gawin mo. Meyron namang iba na pag umiyak parang natatae lang, meron din namang iba na pag umiyak sa screen ay mapapaluha ka din. Yung tipong, Nora Aunor, Vilma santos, Maricel Soriano, Sharon Cuneta at Barney.

 

Naalala niyo pa ba ang era ng “That’s Entertainment”? Bata pa ako nun, at yun palagi ang pinapanood ni tatay kaya nakikisali na din ako sa kanya. Yung mga artistang tumatak sa isip ko ay si Chucky Dreyfus, Tina Paner, Billy Crawford, Manilyn Reynes, Romnick Sarmenta, Sheryl Cruz at paminsan minsan nakikita ko ding sumasayaw si Kokey sa Saturday group.

 

Kapag pinag uusapan ang era na yan, sumasagi din sa isip ko si…

 

Inday badiday.

 

Akala ko nga bulag si Inday Badiday, kasi naman mata ang background ng set niya. Wala lng. Naalala ko lang siya. Pero paminsan minsan may guest din naman siya na bulag na nanawagan para sa mga nawawalang piping anak nila, kaya na fit din naman sila sa background. Pano hanapin ng bulag ang piping anak?

 

Ewan. Indi ko alam.

 

Pero indi po tungkol sa mga bulag, pipi at sino mang may kapansanan ang post ko na to. Ito po ay tungkol sa pagiging ambisyoso ko. Lahat naman tayu siguro nangarap na minsan sa buhay natin , maging sikat tayu. Wag na kayong magplastikan sakin, dahil wala din namang papupuntahan ang pagdedeny niyo. Aminin.

 

Gusto kong maranasan ang pagsayaw sa entablado na may nanonood, indi isa pero milyong milyong tao. Yung kumanta na puro hanging lang at “ha” ang lumalabas. Katulad ni Judai, alam ko malaki ang esophagus niya. Pero hanggang dun nalang siya. Sana naman eh wag na siyang kamunta pa. Ever. Dahil kung palakihan lang naman ng esophagus at palawakan ng lungs eh may K din naman ako. Wag lang akong pakantahin.

 

Gusto ko kahit minsan pagtilian ako. Dahil hanggang ngayun, nanay ko lang ang tumitili saken na may kasamang walis. Pampalo saken. Gustong gusto kong makita ang mga babae na naglalaway pag dumaan ako, yung laway na basang basa na ang kanila damit sa kalalaway, iiyak sila pag nakita ang smile ko, mahihimatay at maiihi sa panty nila at lalong lalo na, sisigaw ng:

 

“Putah,Maldito, syetness ka! Gawan mo ako ng oompa loompa!”.

 

 

Gusto kong hagisan ako pag nagbibigay ako ng intermission number sa harapan ng mga fans ko. Hahagis nila ang rose, teddy bears, chocolates, pera, bote ng alak, mga panty at bra nila at brief. Teka, nag mention ba ako ng brief?

 

Gusto kong magkaroon ng aso, yung may breed at breeding. Yung aso na marunong umupo sa baby chair at marunong gumamit ng bread knife. Yung asong marunong mag sign of the cross. At syempre, yung asong kasyang kasya sa Dolce and Gabana bag. Gusto kong breed ay bullshit.

 

Bulldog + shitzu= Bullshit. Yan po ang breed. Wag bastos.

 

Pero alam ko, lahat ng ito ay sa panaginip lang. Pero indi naman malayo para saken yan eh. Dahil minsan, naging MR. Popularity na din ako sa school. Mga isang klase ang nakakakilala sakin, at sapat na yun para sabihin ko na popular ako.

 

Naisip ko, indi ko na kailangan mangarap pa. Bakit?

 

Go figure it out.

 

 

 

 

 

 

25 Tugon to this post.

  1. minsan iba ang nangangarap sa umaambisyon. ehehe..

    minsan kasabay ng pagaambisyon ang pagangarap……….ders no really thick line between them.

    Tugon

  2. syet, bullshit nga yung kasama ni manny pacquiao. eh anong breed naman si manny? hehehe

    ahahha..wag mo naman tirahin ang kasama ni manny…mahal ng madla yan..lols….

    si manny?

    ASkal.

    LOls

    Tugon

  3. akala ko ba ayaw mo ng limelight kasi mahiyain ka? hmmph! hehehe.

    inperness, bagay sina paquiao at ngkabit nya. wahah! :lol:

    yoko nga..pero minsan din naman binabawi ko ang mga sinasabi ko..ahahhaha…

    bagay nag sila…maraming similarities…di ba ganun talaga pag mag lovers? may hawig..lols..

    para silang aso.

    Tugon

  4. lahat naman ata nangarap na makita ang sarili sa idiot box.
    pangrap ko din sumali sa ANGTV nung childhood era ko..kaso mahiyain akong bata..

    siguro kung natuloy pagsali ko kalebel ko na sila john prats, camille prats, stefano mori, cj ramos, anna laurrucea, allyson lualhati, vandolph, paolo contis, katya santos, cheska at patrick garcia … mga laos! hahahaha

    anong year ka ba pinanganak?ahehe he he…meron din namang going bulilit ngayun eh..baka makahabol kapa. si dagul nga nandun pa..

    lols..

    Kim chu era na ngayun….aja!

    Tugon

  5. yaan mo pagnakita kita
    titilian kita
    :)

    gusto ko talaga ng performing arts
    mahiyain kasi ako
    bwhahahaha

    gusto kong tili soulmate yung non stop…3 hours..kaya mo ba yun? kung indi naman soulmate wag nalang…aha ha ha.

    performing arts ako soulmate…

    bagay na bagay tau..

    dahil wala akong hiya.

    Tugon

  6. ngayon lang ulit ako napadaan s blog mo..
    musta na yung family mo? hope dey r ok!=)
    wala ka pa ding kupas magsulat!..galing!

    ok lang naman sila..buhay pa rin..tuloy parin ang buhay..ahe he he..

    salamat naman…yahoo!

    Tugon

  7. waaahhhh~ bagay sila! hahaha!
    and yeah, theres nothing wrong to that. I think people are designed to believe and wish for something. And its up for them kung gusto nilang magkatotoo yun =)

    aba aba..nag payo ang bata..musta naman ang blue prints ha?ahaha

    Tugon

  8. ahehehe :D natawa ako sa picture .. LOL

    may curse ang tumawa dyan..hala mo..

    Tugon

  9. Posted by BADoy on Hulyo 11, 2008 at 7:50 umaga

    ako din pinangarap ko din maging artista kaya nag teatro ako ng college ako… nakapag perfom din naman ako sa music museum with mga students na pinilit bumili ng mga instructor namin ng tiket…hehehe!

    he he he..aba artistahin ah…sige nga sampol naman dyan mamang sorbetero..aha ha ha..

    ako naging isa din dyan sa teatro teatro..

    pero hanggang taga ilaw lang ako..

    :)

    Tugon

  10. edited yang pic na yan pre..meron ako unedited version..maganda yung chic na katabi ni pacman..hehe! masarap pa rin pakiramdam ng maging sikat kaya lang..mawawalan ka ng privacy at madali ka mabuking pag may ginawa kang kalokohan.

    oo…edited nga..nakita ko na ang misteryong babae na yang sinasabi nila na kasayaw ni manny sa embassy..mga walang hiya! aha ha ha..

    yun na nga..

    sang ayon ako sa sinabi mo..

    lalo na dahil bloggers tayu.

    Tugon

  11. tama ka, star factor nga ung nasa ‘go pigyur it awt’

    hahahaha pakshyet. natuwa naman yung ako. :D

    salamat naman..aha ha ha..pwde na ba sila?

    pwdeng ang basahan?

    Tugon

  12. Posted by Jhaynee on Hulyo 11, 2008 at 1:45 hapon

    ansaya talaga ng buhay kapag may photoshop.. hehehe..

    malditz,

    idol na idol mo yung hayop na yun no? he ba yun o she? ay, it na nga lang.. yun na ba yung gusto mong bullshit? di ba siya din yung nasa isang page mo? pet ba sya o gf?

    naguguluhan ako.. hahaha

    indi siya hayuff…please lang..wag niyu namang ganyanin ang halimaw na yan..aha ha ha..

    he?she?

    Indi….siya ay THEY.
    ha ha ha

    Tugon

  13. Posted by ruby on Hulyo 11, 2008 at 2:16 hapon

    maldito…bkit may smileys ung background mo. (dun sa upper right malapit sa page rank logo) pansin ko lang..

    ghost yan na bumabantay ng bahay ko..baka kasi may makapasok na bad spirits..aha ha ha..

    yan ang di ko alam..

    kaw alam mo ba kung bakit nandyan siya?

    Tugon

  14. psssttttt kasama ko sa work member ng dats entertainment.. till now ayaw pa rin nyang umamin kung saan sya dun.!!!! help!

    pano ka naman nakakasiguro kasama siya dun?aver?kaw ba si kuya germs?ahahaha

    Tugon

  15. gago! chupain kita jan eh! bakit ganun ba ako kapangit ni germs na yan!

    umamin na rin kasi sya na kasama sya kaya lang hindi niya sinasabi sa amin kung saang group sya.. tanong mo nga kay dreyfus friend mo naman yun eh.. basta pinsan sya ni precious valencia! go bilis!

    Tugon

  16. bat nagkalat ang mga aso dito sa blog? nakapout pa ang labi. ganyan ba talga dapat?

    nagtatanong lang.

    Tugon

  17. “Gusto kong hagisan ako pag nagbibigay ako ng intermission number sa harapan ng mga fans ko. Hahagis nila ang rose, teddy bears, chocolates, pera, bote ng alak, mga panty at bra nila at brief. Teka, nag mention ba ako ng brief?” — sabi ko na nga ba eh… kaya ka habulin eh haha, type mo rin ang boys ehehe.

    :)

    Tugon

  18. Posted by echos on Hulyo 12, 2008 at 8:52 umaga

    Parang mga adik lang no?
    Dati rin akong adik e (member ng hit-hit gasul gang), pa-picture din kaya ako ke manny.?

    Tugon

  19. anong oompa loompa? ha haha. ang inosente ko.

    Tugon

  20. bro hwag nyo ginaganyan ang kasama ni Manny…dont judge her bec. she’s not a book….isa siyang isda!

    hehehe…..

    Tugon

  21. nalito ako sa pic. sino ba si pacman dun sa dalawa? magkamukha lang eh bwahahaha!

    pero pre seryoso, hindi kailangan na gwapo, o macho, o may talent para sumikat. at hindi rin kailangan ng entablado.

    sa blogosphere lang pwede na..

    subukan mo magpost ng pic mo dito na kita etits!

    tignan ko lang kung hindi ka maging pinakasikat na blogger sa balat ng lupa! nyaaaaaaa!

    Tugon

  22. Di mo na try mag 12 Under Club? nyehehehe

    Tugon

  23. hahaha me mga ganyang pangarap ka rin pala. ako simple lang pangarap ko — magtwo-piece bikini at stiletto shoes…alam mo na yun.

    nabanggit mo yung that’s entertainment. bakit di mo nabanggit si mon alvir…crush ko yun e hehe.

    Tugon

  24. Hello,

    Blogghopping!

    I’m Kevin Paquet from Pinoy Teens Online pinoyteens.net
    Care to link exchange with that blog of mine?^^,)

    Hope you would comment back and that I can know you guys hosted on wordpress.com better.
    Looking forward for a mutual blogging friendship^^,)

    Ingat,
    pinoy teens org CEO

    ps: you may also add my ym: i.believe_`11

    Tugon

  25. Posted by themiseducationofzapped on Hulyo 14, 2008 at 1:10 hapon

    Hahaha…anubayan. ngayon na lng ako na shock ng ganito.putek naalala ko tuloy si diego…nyahahahaha..

    Bakit? sikat ka na naman ngayon ah? dib?

    uy… tuwa naman sya. hehehehe

    Tugon

Tumugon sa paskil na ito