Traidor ang puso!<!–[endif]–>
Yan ang nasabi ko kagabi habang nakahiga sa puting kama. Nakatingala sa kisame, nag-iisip ng pwedeng mangyari pagkatapos nito. Mga tao ay labas masok sa emergency room na tila naghahabol ng mga buhay.
Tinignan ko ang katawan ko, half naked. Magmumura na naman sana ako nung makita ko ang indi lang six pack pero tetra pack ko na tiyan. Puno ako ng wirings, animo’y isang extension ng poste ng meralco. Walang pinagkaiba saken si Proffesor X ng x-men sakin sa kalagayan ko ngayun. Kulang nalang bombilya na ilalagay sa kamay ko, tamang x-mas tree na ako.
Lahat tayu ay may pers taym.
Virgin na virgin ako pagpasok ko ng hospital. Kamusta naman ang nagpa admit ng mag isa? Walang nanay, kapatid o sino mang kamag anak lalo na ang mahal kong si Princess Fiona. Solong solo ko ang mundo ngayun. Pers taym kong magpahospital. At siguro, the pers taym will always last.
Nanikip ang dibdib ko kagabi. Kinapa ko ang chest ko at indi naman lumalaki ang boobies ko. Syet, anong nangyayari sakin? Kukunin mo na ba ako Lord? Ang sambit ko sa gitna ng pagtatanong sakin ng doctor kung anong nangyari saken. Habang nag iinterview sila, panay din asungot ng nursing student sakin na kung anong-anong metal na ang kinakabit sakin. Gagawin ba akong iron man nito?
Tangena!
I cant afford to lose my life, lalo na kailangan pa ako ng pamilya ko. Pilit kong kinaya ang sakit na kumikirot sa dibdib ko sa tuwing humihinga ako. Binigyan na din ako ng pain reliever para mawala kahit saglit.
Napaluha nalang ako habang unti unting nawawala ang sarili ko sa ingay ng emergency room. Masakit pag pers taym. Unang tusok, unang pump at unang labasan…..ng luha. Peste, sa ganitong time may oras pa kayong mag isip ng malibog no?
Kinunan ako ng dugo, at habang iniintay ang result, naglalakbay ang diwa ko. Pano na ang pamilya ko? Yan talaga ang una’t huling mga katagang sinasambit ko. Indi ko mapapatawad sarili ko kung ako ay magiging sakitin. Kailangan kong maging malakas.
I was diagnosed by the Doctor na may acute coronary syndrome ako.
What is acute coronary syndrome?
This is an umbrella term used to cover any group of clinical symptoms compatible with acute myocardial ischemia. Acute myocardial ischemia is chest pain due to insufficient blood supply to the heart muscle that results from coronary artery disease (also called coronary heart disease).
Paksyetnes, ang hirap ng mga words na yan. Kailangan ko pang mangapa para maintindihan. Ang puso talaga, indi nagsasabi kung kailangan ka mapapasama. Sasakit nalang siya ng bigla, na indi man lang nagbibigay sayo ng babala.
Katulad ng pag-ibig, indi mo alam kung kailangan ka magsisimulang umibig…at indi mo rin alam kung kailan mawawala ang sakit na dulot nito.
Traidor kang puso ka.

Posted by ifoundme on Hulyo 17, 2008 at 2:44 umaga
ang bata mo pa… hwag masyadong nasestress… hindi okay sa heart yan. hug ka na lang namon para indi you against the world ang imo drama…
Posted by kamotenista on Hulyo 17, 2008 at 3:21 umaga
halika ka kiss kita tapos sabay tayo ng 26,000 ft. jump mawawala yan…hehe
bro, pagod at stress yan tapos sabay pa ang worries. take a rest and pray.
more water, fruits and bawas muna kay alak….hehehe
ingat and god bless!
Posted by procopia marie on Hulyo 17, 2008 at 3:38 umaga
ischemia…so yun pala yun. meron din nyan asawa ko kaya lang sabi ko lang, “ah okay.” di ko naman inalam kung ano talaga yun. thanks for the info ha. sa call center din sya nagwowork, siguro prone talaga kayo dun. nag-smoke ka rin ba?
pahinga ka lang, mga a week’s rest yata yan. teka, pano ka nakapagpost nasa ospital ka? at nakapar-research ka pa! galing mo talaga, idol.
Posted by partofyou on Hulyo 17, 2008 at 3:59 umaga
hindi ka si superman!, hehehe. na-stress ka masyado sa mga nakaraang pangyayari. relax lang, tsaka alisin mo muna yung bungo dun, ayun o sa itaas, para fresh tong bahay mo, lagyan mo rin ng mga plants, hahaha! masamang damo…mahaba ang buhay, hahaha!
Posted by FerBert on Hulyo 17, 2008 at 4:13 umaga
tulad nga ng sabi ko sayo sa YM
ingatan mo katawan mo
bawasan mo pag iinom ng alcohol
itigil mo na rin ang yosi
saka wag ka na rin makipagsex
para naman di na lang ako ang nag iisang
tigang dito sa mundo..
hindi ka pa kukunin ni Lord kase madami ka pang gagawin sa mundo. Kelangan tayo ng mundo. Mga superheroes tayo na magliligtas sa earth!
Posted by xG on Hulyo 17, 2008 at 4:50 umaga
tsk tsk tsk
hindi mo kasi inaalagaan siguro
ang sarili mo
problema lang naman niyan
ay naguugat sa unhealthy lifestyle
e kung ako ang ginagawa mong bisyo?
edi healthy ka sana soulmate
hahahaha
wag ka magalala
ako din naman e
nadiagnose ng hypertension
nung 6years old ako
sakit ng matanda yun
hahahaha
ingat ingats ikaw ok?
Posted by Jeck on Hulyo 17, 2008 at 5:21 umaga
tangeanah, kailangan mo na talaga ng lablayf.
sumisigaw na yung puso mo sa sakit. tama na kasi ang pambababae.
Posted by kulot on Hulyo 17, 2008 at 5:58 umaga
ampness! buti hindi malala ang sakit ng dibdib mo? sosko! kung nagkataon baka ngayon wala ka pang post dito sa blog mo! sosko! magpagaling ka at iwasan mga matatabang pagkain, mag exercise wag laging exercise magisa sa banyo o sa kama hehehe
kung nagyoyosi ka tigilan mo muna, peste kinabahan tuloy ako, bawas bawas muna ng yosi.
Pagaling ka and God Bless
Posted by gasti on Hulyo 17, 2008 at 6:05 umaga
mukhang bawal ka na nga mapagod at mastress..bawal na rin ang makipag sex o magsarili sa banyo. pahinga ang katapat nyan saka yung mga bawal na sinabi ko sundin mo..pagaling ka pards kelangan ka ng pamilya mo.
Posted by brokenmum on Hulyo 17, 2008 at 6:27 umaga
hi maldito, avid reader ako ng blog mo nun pa, anonymous lang ang drama kech!!! hinayhinay lng sa lahat ng bagay, sabi nga lahat ng sobra masama!! ok!! pati love, sabi nga ni amy winehouse, love is a losing game!! charuss!!
Posted by apollo on Hulyo 17, 2008 at 6:31 umaga
naku ingatan ang katawan.. marami ka pang paliligayahing mga babae. lols!
Posted by lisngag on Hulyo 17, 2008 at 7:24 umaga
shetness naman yan. Kakatakot nga.
Minsan nagpapalpitate din ako pero iniisip ko na lang na mey nakaalala sa akin somewhere (amf).
Stress nga yata yan bro. hinay-hinay lang.
Posted by Jhaynee on Hulyo 17, 2008 at 8:58 umaga
magclusivol ka.. because you want to be complete..
hehehe..
alagaan mo na lang ang sarili mo.. buti nga rin at nagpacheck up ka agad..
ingatz
Posted by ellieshe on Hulyo 17, 2008 at 9:45 umaga
ingatan mo ang iyong puso kuya…sa panahon ngayon talagang bawal magkasakit..panu ka pa magmamahal kung magkakaroon ng damage ang iyong heart? hehehe…
Posted by napundingalitaptap* on Hulyo 17, 2008 at 9:54 umaga
hmmm. . . magingat, magingat, yun talaga.
alagaan ang sarili.
hmmmmmmmm, tungkol sa segue mo paroon sa lablayp, ganun talaga. pero sa totoo lan, may babala naman e, di lan napapansin sa pagkabulag.
malalang bisyo din kasi ang pagibig, lulong ka lan kaya di mo na napansin.
hmmmmmmm. . . kaya mo yan!
keribels, dasal ka kuya!
flyfly!
Posted by madbong on Hulyo 17, 2008 at 12:17 hapon
meron ka na naman palang panibagong pagsubok kapatid. sana malampasan mo lahat ng trials na darating sayo.
Posted by jojie on Hulyo 17, 2008 at 1:39 hapon
uy.. konting ingat.. medyo pamilyar ako sa sakit na yan. hindi sa tinatakot kita ha, ganyan ang nangyari sa tatay ko.. pero buti na yang aware ka para alam mo na kung pano mo imamanage.
i’ll pray for you pare! malalampasan mo yan with flying colors.
on a not serious note, pa-virgin ka pa din! hmpft!
Posted by eNocH on Hulyo 17, 2008 at 2:39 hapon
isa lang ang ibig sabihin niyan, bawasan na ang pagiging maldito! hehe
Posted by BADoy on Hulyo 17, 2008 at 3:06 hapon
tol ang solusyon dyan wag kang mag jek jek araw araw at bawal din ang sex… baka maaga ka kunin nii lord… sabi mo pa naman religious ka di ba?
will just pray na dika kunin ni papa god…
kailangan pa namin ang humor mo…at kawawa naman yung pamily mo…
pray hard!
Posted by kotsengkuba on Hulyo 17, 2008 at 4:40 hapon
ang sarap pakinggan pag medical terms ang ginamit no, parang droga lang. hehehe.
ingat.
Posted by peter on Hulyo 17, 2008 at 6:36 hapon
wish you good health!
Posted by repah on Hulyo 17, 2008 at 10:15 hapon
naku maldits.. wag u mag-alala marami kming magpreprey para gumaling uli ang puso mo… bka nakalunok ka lng ng holen kaya bumara to sa puso mo.. kc tigilan na ang pagkain ng pork, hipon at beans.. signs of aging na yan.. hehehe.. basta yngat-yngat..
Posted by repah on Hulyo 17, 2008 at 10:16 hapon
kelangan mo pa ng longlife mrami ka pang susustentuhan..
Posted by nickname™ on Hulyo 18, 2008 at 2:43 umaga
ayan! kain kapa ng maraming taba! wahaha! kaya mo yan! kaw pa. matagal matigok ang masamang damo! peace.
Posted by sexy moi on Hulyo 18, 2008 at 3:41 umaga
oist ingat naman…. pano na yan wala na kong babasahin pag malungkot at bored ako.. hehe… try mo mag VL malay mo bawas stress baka makatulong
Posted by dor on Hulyo 18, 2008 at 4:02 umaga
tsk tsk, see the Call Center Effect? you’re not the 1st one who got it…sigawan mo minsan yung mga tangang customer mo, don’t take too much of their stress…long press ang space bar and mawawala na yung tawag na yan…haha, pagaling ka at wag mastadong kumain ng baboy, canibalism na yan (haha, peace)
Posted by ayyzzz on Hulyo 18, 2008 at 8:37 umaga
makikidaan na rin po..
wag ka po matakot magpahinga…
kelangan mo po nun…
nakoww…
“health is wealth” pa naman…
relax.relax ka po muna..
nga po pala..dinugo utak ko sa mga med.terms!
lintek na..hahaha..
mukang mauubusan ako ng cerebrospinal fluid!
kakaintindi..bwahahaha..
Posted by buzzing flowerpecker on Hulyo 18, 2008 at 10:44 umaga
ilang taon nyo na po kasi pinahirapan yung puso nyo.
ayan tuloy, nagpapansin na.
Posted by Geisha on Hulyo 18, 2008 at 2:12 hapon
ingat sa diet at lifestyle!
you’re too young to be an angel! naks!
Posted by Mer Pints on Hulyo 18, 2008 at 2:40 hapon
Karaniwan sa mga ganitong sakit ay nagmumula sa stress. Kailangan happy lagi ang pakiramdam at iwasan ang mga bagay na maiinis ka. Napadaan lang at nawili ako sa mga kuwento mo. Gusto ko sana, kung iyong mamarapatin na regular ding makipagkuwentohan dine. Salamat po.
Posted by nickname™ on Hulyo 19, 2008 at 7:53 umaga
uu na. masama na akong damo. wahehe.
uy, pagaling ka nalang chong!
Posted by napundingalitaptap* on Hulyo 24, 2008 at 1:40 hapon
ahaha. . . ako ba? napapansin ko pag TAPOS na. . . hehe. flyfly! nayun lan ako nakabalik, basa pa ako ng ibang posts.