Inaamin ko, wala akong luck sa mga pacontest o kahit pa raffle lang man. Lagi nalang akong umuuwing luhaan at walang dala kahit lang man yung roleta na ginamit sa pa raffle. Kung sinabi lang naman ng mga tala sa kalangitan na ipapanganak akong puno ng malas, eh sana naman niflush nalang ako ni nanay sa inodoro ng fetus pa ako.
Naalala ko nung elementary ako may pa raffle ang Milo sa skul. Pinilit ko si nanay na bumili ng mga pakete ng milo kahit na walang umiinom sa bahay, para lang makapasok sa pacontest. Sing sariwa pa ng isda ni Manong Rodrigo ang alaala ko na nanalo ako ng isang ruler na indi umabot kahit 6 inch lang man. Ginawa ko nalang siyang tagahalu ng milo.
Simula noon, indi na ako nanalo sa mga pacontest o lotto. Naging hudyat na yun para sa kin na mag-isip na indi talaga para sakin ang mga pa raffle at itakwil nalang ang mga magulang ko at sasama sa taga tinda ng repolyo sa basang market.
Nakakainggit makita ang ibang tao o makinig sa ibang tao na palagi nalang nananalo sa mga raffle. Katulad ng officemates ko halos hakutin nalang lahat ng papremyo sa nagdaan na xmas parti namin. Nakakalungkot isipin na ang tanging dala ko pagkatapos ng parti eh yung itlog kong nakasabit ng 23 taon na habang nakikita ang mga ka officemates na tuwang tuwa sa mga dalang appliances. May tumanggal siguro ng pangalan ko sa listahan, at mukhang indi na ako empleyado ng kumpanya.
In line with this, (parang formal letter lang no?), indi ko inasahan na makapasok ako sa top 10 sa nagdaang tally sa pacontest ni badoodles. Sa kasamaang palad, ang mga original na mga kaibigan ko na nasali noong unang bilangan eh medyo enerase ng tadhana sa listahan. At indi ko na mahanap. Buti nalang may naiwan pa. kahit ako lang man para itaas ang bandila naming kalalakihan. Kulang lang kami siguro ng budget para magpamudmud sa mga dukha para iboto kami. Buti nalang ako, at natutunan kong maghubad, dahil kahit ilang tao lang man eh nasayahan sa alindog ng mani ko at binoto pa nila ako. Wag masyadong madumi, dahil nagtitinda din ako ng mani.
Gusto ko ding magpasalamat sa lahat ng bomoto sakin, dahil sila po ang rason kung bakit nagiging maingay ang pangalan ko sa netz. Maingay dahil akala ng iba may hubaran dito at kung ano pang klase ng kahalayan. Pero panumanhin, RELIGIOUS BLOGGER AKO.
Nananawagan ako sa lahat ng indi pa bumuto na bumuto na dahil naman nalalapit na po ang dead line ng botohan. Wag niyo akong pilitin na takutin pa ang meyembro ng pamilya niyo para lang sumulat ng maikling entry para sa boto niyo. Kung indi lang naman ako yung bobotuhin niyo, ok lang, pero sana isa lang din sa mga kaibigan ko ang ivote niyo. Nandyan sila sa blogroll ko, especially made for them. Promise indi ako maiingit dahil binoto niyo sila. Malalaman niyo nalang nagbigti na ako dahil indi ako na isama. Lols.
Indi ako nanakot, pero parang awa niyo na!!Kailangan ko ng BOTO!!ahahahaha..desperado! Makikita pala ang deadline at mga detalye ng pacontest dito.
Sana naman magbago na ang tadhana ko. Sana sa panahon na ito, manalo na ako.
Loser!


Ipinaskil ni xG noong Setyembre 3, 2008 bandang 11:19 hapon
yung totoo?
mababaliw na ako!
i hate badudels
sana di niya ito mabasa
hahahaha
kapag natapos na ito
makakapagblog na ako
ng maayos
at sa september 21 pa yun!
shetters
goodluck sa atin
Ipinaskil ni gasti noong Setyembre 4, 2008 bandang 12:49 umaga
manalig ka pre…pasok ka pa rin sa top ten..konting hubad pa.
Ipinaskil ni mayui noong Setyembre 4, 2008 bandang 1:39 umaga
ahaha.. sana nga manalo ka. good luck!
Ipinaskil ni sexy moi noong Setyembre 4, 2008 bandang 3:05 umaga
pasensya na.., gustuhin ko man bumoto ay hindi ako marunong ahahaha. pati sa totoong buhay hindi pa ko registered voter. kaya pa explain naman kung pano bumoto please…
Ipinaskil ni BADoy noong Setyembre 4, 2008 bandang 5:34 umaga
i was trying to vote pero wala akong malagay na comments sa mga iboboto ko at kabilang ka dun… try ko before sept 30…
Ipinaskil ni aga noong Setyembre 4, 2008 bandang 6:38 umaga
i will support you!
asust!
Ipinaskil ni FerBert noong Setyembre 4, 2008 bandang 4:03 hapon
gusto ko ng tshirt
gusto ko ng trophy
gusto kong makapasok sa tafften!
hahaha
goodluck sa atin maldito..
tulad nung sa commercial dati nina efren bata
tayo tayo lang din ang magkikita sa finals
sana nga kasama ako doon.. hahaha
Ipinaskil ni andrea galinato noong Setyembre 4, 2008 bandang 5:38 hapon
maldito… pwede ba akong bomoto kahit nsa blogspot ang blogs ko?
Ipinaskil ni andrea galinato noong Setyembre 4, 2008 bandang 5:40 hapon
i have the feeling marami nang galit kay inday… kunsabagay… medyo overrated na nga beauty niya… Thank God wala sa listahan si cofibean…
Ipinaskil ni Mer Pints noong Setyembre 5, 2008 bandang 7:13 umaga
Para sa akin panalo ka pa rin. Ang pagka panalo ay nasa puso. Mabuhay ka.
naks naman o..aha ha ha…mabuhay tayung lahat!
Ipinaskil ni andrea galinato noong Setyembre 5, 2008 bandang 7:35 umaga
awryt!!!!! go maldito!!!!
Ipinaskil ni andrea galinato noong Setyembre 5, 2008 bandang 7:37 umaga
hehehe… i hate that guy… no offense kung friends kayo…
(shhhhhhhhhhh) allergic lang ako sa mga conyotic englog speaking people…
Ipinaskil ni andrea galinato noong Setyembre 5, 2008 bandang 9:07 umaga
done!!!! made my vote… good luck!!!
Ipinaskil ni cutieme23 noong Setyembre 5, 2008 bandang 4:53 hapon
ang cute po ng blog mo..
kinikilig ako sa inyo ni lilmiz..
pano po ba mag blog?
cenxa shongaers pa po ako eh..
thanks po..
parang kimgerald un loveteam nio ng bhebhe mo..
hehehe
Ipinaskil ni thelostme noong Setyembre 6, 2008 bandang 12:16 hapon
raid ‘to!!!
tae…. kurne…lols….
pag naghubad kasi,
may giling na kasama yun…
try mu, maraming boboto sayo….
kelangan b talaga may comment pag bumoto?…
Ipinaskil ni andrea galinato noong Setyembre 6, 2008 bandang 4:10 hapon
maldito, kung mananalo kayo and ng mga friendships mo… manglilibre ba kayo?
hehehe….
Ipinaskil ni andrea galinato noong Setyembre 6, 2008 bandang 5:19 hapon
hahaha… okay lang din kung sagot mo ang ticket… joke! malapit na ang oktoberfest…
Ipinaskil ni mang BADoy noong Setyembre 18, 2008 bandang 9:39 umaga
bossing paki check tong site ko binoto kita sa project lafftrip…
http://talambuhay.wordpress.com/2008/09/18/limang-kupal-sa-blog-o-sphere
Ipinaskil ni Di-Nagpakilala noong Hulyo 15, 2009 bandang 6:50 hapon
hello