“Sir! Sir! Shix?, shix?”
Ang sabi ng matandang babae sakin habang hinahabol ako sa paglalakad kasabay sa pagturo turo niya ng kanyang maduming nguso sa mga babaeng nakahilera sa labas ng cheap na sinehan dito sa Colon, siudad ng sugbo. Golum isdatchu? Ang sabi ko sa sarili ko nung lumingon ako para tignan ang tinig na akala ko ay gawa lang ng guni guni ko dahil sa gutom. Pero totoo nga. Nagsasalita ang naglalakad na nguso.
Nababalot na ng kadiliman ang gabi kaya naman nagsilabasan na lahat ng dugyot at kung ano ano pang uri ng kaluluwa para makahanap ng kasagutan sa lahat ng problema na dulot ng buhay. Sabi kasi ni Barney, “When the night comes, darkness prevails”. Ang taray ng dinasaur no? Indi mo akalain may pagka superhero ang bwesit. Pero indi ako sure kung siya nga yun, dahil sa isang dako ng utak ko ay parang si Tinky Winky ang nagsabi niyan ng Teletubbies.
Tinignan ko din naman kung saan patungo ang direction na ginagawa ng nguso na babae. May babaeng payat, mataba at katamtaman lang ang laki. Merong maganda, indi masyadong maganda at mga babaeng mukhang inerase ang mukha. Lahat sila nakadamit, syempre naman, pero yung damit nila ay parang indi nakapasa sa standard ng normal na tao para tawaging damit. Kunting akyat nalang ng palda ay makikita mo na ang mapupulang karne na binibenta sa murang halaga.
Isa sa pinakamatandang propesyon ang pagbebenta ng laman. Kung sana nga pinagtuunan lang ng presedente ang ganitong kalakalan, malamang mayaman na ang Pinas ngayun, at pangunahing customer natin ay ang matatandang kano na tigang. Sabi kasi nila ang dali lang naman ng trabaho na to. Ako nga kaya ko eh, pero indi ko pa na try no. May makakain pa naman ako at tsakto din naman ang kinikita ko dito sa pagcalcall boy ko.
Call center boy.
Kahit sabihin pa natin na umuunlad, uunlad o di talaga uunlad ang pinas, (papunta saan?) indi talaga mawawala ang ganitong gawain dahil meron pa din sa parte ng grupo ng mga mamayang pilipino ang mahirap at walang edukasyon. Naisip ko din dati na kung indi talaga ako makapag aral at wala na ding hope para sakin, ganyan din sana ginawa ko. Keysa sa magnakaw ka di ba? Pero ang pinakamahirap na kalabanin ng isang tao ay ang kanyang konsensya. Kaya bahala na kung dati naging janitor ako, ano naman ang problema dun?
Ang mga lalaki ay pinanganak na malibog. Aamin man sila o indi. Pano ako? Ha ha ha. Indi ako aamin. Kaya naman ang mga ibang lalaki na kilala ko, gagatos talaga ng pera para lang maka tira ng pokpok at makaabot sa panandaliang langit sa loob ng kanyang kanyang kweba. Mga pokpok man yan na nasa loob ng isang bar o mga babaeng magdalena sa daan ay pare pareho din lang naman yun. Isa lang naman ang nag uugnay sa lahat ng babae na yan, at yan ang…
Laman.
Madali lang ang tao na tangayin ng temtasyon. Mahirap mag resist lalo na alam mo na kaligayahan mo na ang nakasalalay. Sa mga ganitong oras, utak talaga ang papairalin mo at indi pintig ng puson. Ang puson, pag pumutok wala na. Pero pag ang utak mo ang wawasakin ng temptasyon na yun, indi na pwedeng tagpi-tagpiin ang mga bagay na ginawa mo na. Naglalabasan na legs, yung ibang binti parang posporo, kunting sindi lang iiglab na. Mga nagmumurang boobs at yung ibang boobs indi na makakahinga. Nakakaawang mga suso. Biktima ng pressure sa buhay. Napatayo ako sa isang saglit, tingin sa mga babae at tingin na din sa ale na panay bigay ng presyo sakin.
Naiinis na ako sa ale at indi ako makapag isip ng tama. Yung mga babae naman ay parang mga bulate na panay galaw, ayos ng buhok, kagat ng labi, ayos ng dodo at kung anong tactics pa para makapag akit ng customer. Kulang nalang nga tumuwad sila at magsigawan na “Kuya pasukin moko!!kuya!!!pasok!!!” para lang makuha ng pera pangtawid sa gutom nila sa isang araw. Indi ko na alam kung ano ang sinasabi ng matandang babae sakin dahil naman iba din ang iniisip ko sa panahon na yun.
Ngumiti ako sa ale. Ngumiti din siya pabalik sakin at mukhang tuwang tuwa na parang ramdam niya na may bibili na sa inihandang putahe niya. Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng pera para maibigay sa kanya. Habang kinukuha ko ang pera, panay din naman salita niya na kung ano ano na tila nag oorasyon siya sa upcoming bump and grind. Jusko, pag indi pa siya tumigil aarkilahin ko talaga si Vera Wang para tahiin ang bunganga nito. Nagulat siya nang..
Inabot ko ang 50 pesos. Bago pa siya makapagsalita na kung bakit binigay ko ay 50 pesos lang sa halaga ng P1500 para lang sa isang gamitan ng putahe niyang red tahong with oyster sauce, sinabi ko sa kanya na “ Pambili niyo po ng softdrinks. Baka kasi nauuhaw kayo at mga kitty girls niyo. Salamat” at dali dali akong naglakad palayo sa lugar nila.
Naisip ko kasi kung ang taong nagmamahal sayo, kayang magtimpi at ibigay lang sayo ang kaligayahan na hinahanap mo, bakit indi ko rin to gawin sa kanya?
Mahal ko ang babaeng naghihintay sakin sa tuwing uwian, ang babaeng kumaya sa kagagohan ko noon pa at ang babaeng indi lumalabas ng pintuan para layuan ako sa tuwing nag aaway kami at galit siya. Ang babaeng palagi nalang nagsasakripisyo para sakin at umiiyak pag indi na niya kaya ginagawa ko. Indi ko maisip sarili ko katabi ng taong indi ko kilala at….
Para sayo Princess Fiona, yan din ang sakripisyo na kaya kong gawin para sayo. Pangako, virgin pa ako sa panahon ng kasal natin.

Ipinaskil ni lady/twiger noong Setyembre 24, 2008 bandang 7:40 umaga
shrek is that you?!
Ipinaskil ni The Gasoline Dude noong Setyembre 24, 2008 bandang 12:34 hapon
Hahaha akala ko may punchline! Ang laki kasi ng space between the post and the comments section. *LOLz*
Ipinaskil ni lovely noong Setyembre 24, 2008 bandang 1:48 hapon
awww, ang sweet nung mga huling katagang isinulat mo sa post na ito. nakakatunaw ng puso.hindi puson hehe
Ipinaskil ni andrea galinato noong Setyembre 24, 2008 bandang 2:42 hapon
awwwwwwwwwwwww….
how shweeeeeeet!!! good luck sa sex, este love life niyo ni princess fiona… hahaha
Ipinaskil ni Lei noong Setyembre 24, 2008 bandang 3:02 hapon
maniwala akong virgin pa si kuya maldits. asus! sige na nga. sabi mo eh. hehehe.
Ipinaskil ni aga noong Setyembre 24, 2008 bandang 4:27 hapon
bwahahahaha!!!!
Ipinaskil ni xG noong Setyembre 24, 2008 bandang 4:38 hapon
edukasyon
kailangan natin ng matatag na edukasyon
Ipinaskil ni mayui noong Setyembre 24, 2008 bandang 9:07 hapon
whoa. angswerte naman ng prinsesa mo. totoo ba yan? ahaha..
at hanep ka rin bumanat kahit sa totoong buhay: bigyan ba naman ng 50 pesos yung ale! ahaha.. napatanga siguro sila sa’yo.
Ipinaskil ni mangbadoy noong Setyembre 25, 2008 bandang 2:59 umaga
ayus a! sino kaya si pricess fiona… si princess fiona ba virgin pa din?
Ipinaskil ni jeck noong Setyembre 25, 2008 bandang 3:41 umaga
princess fiona? hmmmm. kilala nya kaya si princess chubby ko? i doubt. para kasing si cobralyn ang tinutukoy mo na si princess fiona e. wahahaha.
seryoso, di ba sa t___y ‘to?
Ipinaskil ni gasti noong Setyembre 25, 2008 bandang 6:53 umaga
haha! ayos ah! may princess fiona naman pala…wag ka na magpokpok, magkakasakit ka lang..tsk tsk..1500 for a few minutes of lust? kalokohan! no deal!
Ipinaskil ni jojie noong Setyembre 25, 2008 bandang 12:47 hapon
aaawwww.. malas swerteng princess fiona.
minsan iniisp ko na din magbenta ng tulya sa kalsada sa hirap ng buhay pero gusto ko din kasing maging virgin sa kasal namin ni manong.
lols!
amp! PA-VIRGIN!
Ipinaskil ni Chico noong Setyembre 25, 2008 bandang 11:53 hapon
Very nice read~! Wag kang magsasawang magsulat. I quoted nga pala sa blog entry ko.
http://boredomspeaks.com/2008/09/25/stickies-005-murang-edad/
Ipinaskil ni Stickies #005: Murang Edad « Entries of a Bored Blogger noong Setyembre 25, 2008 bandang 11:57 hapon
[...] blog ni Maldito, natutuwa ako sa kaniya at sa kaniyang minamahal. At kung ang kwento niyang “Pokpok” ay bahagi lamang ng kaniyang malayang pag-iisip at panulat, nawa ay magnilay ang nakababasa [...]
Ipinaskil ni wiLfRed noong Setyembre 26, 2008 bandang 3:36 umaga
wow.. hardcore. nakasmile ako pagkatpos ah.. anyhoo, galing, ayoko rin gumawa ng iilang bagay out of the context of a married man.. la lang, respeto sa sarili’t respeto sa magiging asawa.. kahit pa nga ang society natin eh masyadong “determinist” when it comes to sex roles men and women should play and/or behave.. great thing is i am a full-pledged non-conformist.. anyhoo, keep it comin..
Ipinaskil ni utakmunggo noong Setyembre 26, 2008 bandang 9:08 umaga
P1500 magbakal sang laman with oyster sauce? presko ba? hehe
Ipinaskil ni sarahintud noong Setyembre 27, 2008 bandang 12:32 umaga
hamakaswit nung dulo man! =D applause!
Ipinaskil ni thelostme noong Setyembre 27, 2008 bandang 9:22 umaga
bwahahaha!!!!!!!!
hayop…
Ipinaskil ni repah noong Setyembre 27, 2008 bandang 12:37 hapon
ang sweeeeeeeeeeeeeeeetttt naman.. nku khit magtransform ka pa sa pagiging shrek ay mahal na mhal ka pa rin ni princess fiona.. awww1
Ipinaskil ni dakilang islander noong Setyembre 28, 2008 bandang 4:56 umaga
wow ang bait pala ni shrek! hahahh nakakatakot nga yung mga tambay dyan sa colon at ang lakas ng loob pa mang-alok ng tinda nila..
Ipinaskil ni FerBert noong Setyembre 29, 2008 bandang 3:06 umaga
i would never pay for sex..
lol im a virgin too!
Ipinaskil ni rommel noong Setyembre 29, 2008 bandang 5:46 umaga
ayos!
Ipinaskil ni madbong noong Setyembre 29, 2008 bandang 10:43 umaga
vigin daw, baka virgin sa ilong hehe
Ipinaskil ni antuken noong Setyembre 29, 2008 bandang 9:31 hapon
congrats sa project lafftrip ni badoodles!
Ipinaskil ni Maldito noong Setyembre 29, 2008 bandang 11:07 hapon
aba at ako naba ang nanalo?ahahahha…wag namang ganyan..ur giving me false hopes…hu huh hu..ang dami kayang kalaban…
Ipinaskil ni kingdaddyrich noong Setyembre 30, 2008 bandang 5:24 umaga
sa tingin ko ay hindi na mawawala sa mundo ang prustitusyon. kung sa mga mayayamang bansa nga laganap ang pagbebenta ng laman, sa isang bansa pa kaya na kumakalam ang sikmura ng karamihan. isa ito sa pinakamabibilis na solusyon.
walang pokpok na pangit sa titing galit!
lalo pa kung may pera at kayang paikutin sa palad ang mga nangangailangan at walang magawa kundi kumapit sa patalim. oo, walang ibebenta kung walang bibili. pero wala kang bibilhin kung walang nakahain. at di dapat natin tanggalin sa isipan natin na ginagawa nila yan dahil gusto nilang masarapan at sa parehong pagkakataon ay may pagkakitaan.
may nakapagsabi sa akin na karamihan daw ng mga tambay sa colon ay mga estudyante sa isang malapit na eskwelahan diyan. estudyante sa umaga, alipin sa gabi. he hehe!
pag chure oie!
Ipinaskil ni sexy moi noong Oktubre 2, 2008 bandang 4:15 umaga
weow…. parang 11 minutes lang yan eh… basahin mo dali.. ustusan daw ba? anyway, sweet naman.. kelan kaya me tatawag sakin ng princess fiona.. haha at kelan kaya mag sasabi sakin na sana virgin pa siya pag sakal este kasal kami.
Ipinaskil ni sugarushafterglow noong Oktubre 5, 2008 bandang 5:12 hapon
first time in your blog. and i liked the last 3 paragraphs. very very touching. =)
Ipinaskil ni esme noong Oktubre 11, 2008 bandang 10:08 hapon
Congratz sa award and happy anniversary na rin sa blog mo…What a great way to celebarate your 1st anniversay in wordpress.. Time fly so fast di mo namalayan naka-isang taon ka na muntik pang mag-shut down ng blog mo..keep up the good work.. thanks for this post..wabshu..
Ipinaskil ni carelesshush noong Nobyembre 2, 2008 bandang 5:46 umaga
perstaym ko sa blog mo…pero naaliw ako..paramis!
virgin ka pa nga ba? e bat sabi mo dun sa mga latest post mo willing ka pang ibigay yun extra virginity mo dun sa taong nagnakaw ng virginity mo?! weheheh…puro virginity lang ata nasabi ko :p
Ipinaskil ni bonistation noong Nobyembre 18, 2008 bandang 9:28 hapon
galeng galeng! hehe tapos virgin pa awww! ^^
Ipinaskil ni enrico noong Abril 24, 2009 bandang 7:53 hapon
astig ah
invite nyo ako enrico_2dpincefjem
invite mo ako mayui
para makita mo naman ako ung pinaka gwapo pilipinas alam ko makapal mukha ko peo ndi aku nag ccnungaling