Nilayag ko ang mata ko sa mga nakahilerang produkto ng SM. Naghahanap ako ng shampoo, loofa at body wash. Oo, body wash dahil wala naming femine wash ang mga lalaki. Kailangan ko nang talagang bumili ng loofa, dahil mukhang indi na nag niningning ang balat ko sa sikat ng araw.
Sumakit ang ulo ko sa dami dami ng pagpipilian ngayun na bilihin. Merong shampoo na nagpapakinis ng balat at meron ding feminine wash na pwedeng gawing colgate. Lahat talaga ng pakulo na maisipan ng tao ay gagawin ng iba para lang makahanap ng pera. Buti nalang at wala akong may nakitang edible loofa, loofa na pwdeng kaining pag tinatamad ka nang gamitin ito sa katawan.
Sa bandang paroon, sa isang sulok ng SM department store na kung saan indi nakikita ang sinag ng araw, nakita ko ang tindahan ng mga music cds at samot saring dvds. Meyron silang featured artist sa gitna ng lote na binigay sa kanila ni Henry Sy. Kapiraso nga pero bombastic naman ang sounds. Nasa back ground ang sounds na kung sino-sinong yumaong mga singers. Rest in peace para sa kanila.
Balik tayu sa sinasabi ko, dun sa sentro ng lote ng tindahan ng music cds and all, nakabukaka ang poster ni Gabby, Judy Ann, at Boy abunda. Anak ng garapata, may mga albums ang hitad. Natatawa ako at naglalaro ang imahinasyon ko kung ano ang tunog ng mga kanta na nakalagay sa kanyang kanyang album nila. Bumabalik sa isip ko ang panahon na kung saan laganap pa ang mukha ni ara mina at ang kanyang kantang “ay, ay ay pag-ibig” na indi ko alam kung soundtrack sa porn movies o talagang hangin mula sa ilong talaga ang naririnig ko sa radio.
Indi sa pangungutya, pero saan na ba ang tinatawag na hustiya sa salitang “talento?”. Dito sa pinas basta lang nakakabasa ng panty ang tao, pwde nang kumanta at magka album. Si boy abunda naman, ano ba ang drama niyan ha at nagpa album pa? Si Manny Paquiao? Nasuntok lang ng kalaban kumanta na agad. Hay Pinas, kailan pa ba natin matatawag ang kumakanta na de kalidad sila?
Binulabog nila ang katahimikan ni Yoyoy Villame. Pwde ba umarte nalang sila at pabayaan nalang ang pag kanta kay Jolina? Naiiyak na ako sa katayuan ng pinas, walang kwenta na nga ang Government natin walang pang kwenta ang kumakanta. Basta lang ba kumita ng pera ay kung sino sinong kever na malalaking artista ang isasabak sa Microphone! Alam ko kung anong microphone ang ginagamit ni Boy abunda!
Magic sing. Lols.
Ang gusto ko lang sana naman ay tigilan na ng pinas ang paglilinlang sa masang Pilipino. Dahil alam ko ang bibili ng mga ganung cd’s ang yung mga taong indi marunong kung ano ang tunay na talent. May alam akong bibili, at yun ay ang frens nila. Maraming mga aspiring singers ang dyan sa tabi tabi nag iintay na madiscover. Kita niyo, ibang bansa ang nakikinabang kay Charice Flamingo, este Pempengco.
O siya, tama na ang dakdak, makikinig muna ako sa favorite songer ko. I love Willie Revillame.

Ipinaskil ni kamotenista noong Oktubre 7, 2008 bandang 12:47 umaga
hwag bilhin ang album sayang ang datung na walong oras na pinaghirapan. tama ka dyan san na nga ba tayo papunta?hay, basta masaya pa rin sa Pinas!
kamoteng baging naman tantanan mo na ang pakikinig ng boom tarat tarat baka makita na lang kitang kapalit ni luningning ba yun?….hehehe
Ipinaskil ni mang badoy noong Oktubre 7, 2008 bandang 2:47 umaga
syempre pera pera ang mundo… kung san sila kikita dun sila pupunta parang manloloko yan kung san may malolokoo andun ang mga manloloko
Ipinaskil ni FerBert noong Oktubre 7, 2008 bandang 7:38 umaga
lols sabi mo kagabi wala kang pakialam sa pulitika pero tignan mo naan entry mo tungkol sa mapaglinlang kultura ng pilipinas.. haha
Ipinaskil ni gasti noong Oktubre 7, 2008 bandang 8:14 umaga
napakalibog na tao nyan ni willie revillame sampu ng mga staff nya sa wowowee! putris…nagagawa nga naman ng pera at kasikatan..
walang binatbat yan si ara mina kay madam auring! uu kumakanta sya “may asim pa” at take note..may music video pa ito na nakabikini lang sya naglalakad sa tabing dagat.
mabuhay ang Pilipinas! mabuhay ang music industry!
Ipinaskil ni andrea galinato noong Oktubre 7, 2008 bandang 12:25 hapon
strawberry flavored loofah… ano kaya ang maging lasa non kung pinanghilod mo na yan sa talampaka’t singit at pwit pwit… mmmmmmmmm… tasty…
Sanafagan!!! Boy abunda???? Me album??????? Sino kayang susunod sa ganyang trend? Cristy Fermin? Sagwa naman siguro nun….
Ipinaskil ni The Gasoline Dude noong Oktubre 7, 2008 bandang 3:56 hapon
Bakit hindi mo sinama si Gretchen Barretto sa listahan mo? Balita ko siya din namakyaw ng CDs niya kaya nagkaroon ng Gold Award. *LOLz*
Ipinaskil ni mayui noong Oktubre 7, 2008 bandang 11:10 hapon
eeew. willie revillame. yung kanta pa lang niya dating pito-pito, isinuka ko na siya bilang singer (saka bilang host, bilang artista, bilang tao na rin siguro..), ngayon pa kaya.
ewan ko ba sa showbiz ng pinoy. mga tanga din kasi yung mga fans, talaga sinasamba yung artista na lahat ng pakulo, kinakagat.
eh, teka, kuya. kapag si maja kaya ang nagka-album, papatusin mo? ahaha..
Ipinaskil ni ellieshe noong Oktubre 8, 2008 bandang 4:16 umaga
honga…andami nman jan sa tabi tabi *ahem ahem*.. yun pang mga sikat na nga eh lalo pang pasisikatan ang ginagwan ng album…
- feminine wash na pwedeng gawing colgate…lols!
Ipinaskil ni teody noong Oktubre 14, 2008 bandang 2:46 umaga
are you one of those aspiring singers na sinabi mong nag-iintay lang na madiscover? bitter? hehe.. bato2x sa langit ang tamaan wag magalit.. haha.. nka-aux kami 3/4 ng shift kaya nag-comment na..gulity naman ako sa pagiging lurker ko.. ingatz! mwah..