Bagong bahay na ako simula noong weekend. Nakakapagod pala maglipat bahay. Feeling ko tinulak ko ang Baboyan Island papuntang isla ng Zimbabwe. Nananakit ang mga masels ko hanggang ngayun sa kakabuhat ng mga gamit ko. Muntik ko nang buhatin ang kapitbahay namin.
Malayo ang itsura ng bagong tirahan ko sa lumang inuupahan ko. Medyo maliit ang room kaya parang nasa bodega ako ng sardines. Buti nalang at palapit na ang December kaya medyo indi pa mainit sa ngayun. Kamustahin niyo nalang ako sa summer at baka maging oven toaster na ang room ko. Baka paglabas ko ng kwarto mukha na akong sizzling steak.
Maraming tao ang palaging makikita sa labas sa tuwing papasok ako sa walkway papuntang bahay. Bata, matanda, baboy, baka at kung ano pang bagay na ginawa ng Diyos ang nakatambay. Ang iingay, jusko. Kung pwde lang sunugin ang baryo na to para lang magsialisan lang ang mga taong ginawang bunganga. Nakakairita lalo na na night shift ako. Indi ako nakakatulog ng mabuti dahil sa mga batang naglalaro sa labas ng bahay. Minsan, naisip ko na bumili ng sleeping pills, lalagay sa ice candy at ipamigay sa mga bata para naman makatulog sila ng mahimbing at matapos na ang ingay sa labas.
Minsan nagising ako sa ingay ng dalawang ale na nag aaway sa tapat lang ng kwarto ko. Nag-aaway sila dahil ang anak ng isang ale ay may ninakaw sa kabilang bahay. Indi ko alam kung ano ang ninakaw at ganun nalang kung simigaw si Black Mamba (ale 1) kontra kay Tyra Bangs (ale 2). Kung magkaka world war 3 man, malamang silang dalawa ang may pakana nito. Sa sobrang inis ko, kinuha ko ang powerful speaker ko, nilagay ko sa full volume at pinatugtug ang “Go girl” ni Pitbull. Ola mi chico! Natahimik din sila. Baka siguro nagsaksakan na sa labas. Nagprepare na ako ng mop at baka madumihan ang sapatos ko papuntang work.
Isa pa sa kakatuwang bagay ay sa kabilang bahay ay pinamumugaran ng mga bakla at coolboys. Tuwing Sunday evening ay nasa labas sila nagiinuman. Syempre, ako dapat virgin talaga yumuyuko nalang ako pag nakikita nila akong nasa labas ng bahay. Pero meyrong isang bakla na kinatatkutan ko. Mukha siyang pakwan na dinurug pero grabe kung makatingin sa tao ay feeling ko hinihiwa ako gamit ang plastic spoon ng Mcdo. Nakaka ouch. Ewan ko ba pero sa palagay ko nagugunaw na ng paunti-unti ang buhay ko at nauwi sa makasalanang lugar. Eto na ba ang calling na tinawag nila? Lolls.
Kung balang araw na malaman niyo o makita sa dyaryo na naging isang Adolf Hitler na ako in the making, alam niyo na kung saan ang pinangalingan ko. Sa lugar na to, mas gugustuhin ko pang rapin nalang ako, keysa sa unting unting mamatay ng walang tulog. Oh sheeshh!


Ipinaskil ni QuestionMike noong Nobyembre 10, 2008 bandang 10:51 hapon
If you can’t beat them, join them! : o)
Ipinaskil ni lei noong Nobyembre 11, 2008 bandang 1:04 umaga
hahahahaha. baklang mukang pakwan na dinurog? LOL. natawa din ako pati dun kay black mamba at tyra bangs! Asteeeeeg! Hehe. Dont worry.. sabi nila bigwasan o kaya naman eh tuluyan mo ng sapakin ung mga bading kapag binalak kang i-brokeback ng sapilitan. magkamatayan nalang! hehe
Ipinaskil ni mangbadoy noong Nobyembre 11, 2008 bandang 5:10 umaga
uu nga if you cant join si badingkish e di join ka na lng magiging mag kumare pa kayo..
Ipinaskil ni siangelnawalangpakpak noong Nobyembre 11, 2008 bandang 6:40 umaga
ilabas na ang balisong mo at ipakita mong astig ka. or else baka machupa ka diyan ng wala sa oras at makikita ka na lang sa TV na iniinterbyu.
Ipinaskil ni foobarph noong Nobyembre 11, 2008 bandang 6:59 umaga
astig!
Ipinaskil ni Colegiala girl noong Nobyembre 11, 2008 bandang 7:38 umaga
Hayaan mo masasanay ka rin niyan. Bago ka pa lang kasi diyan, sa kalaunan ay parang musika na lang sa iyong mga pandinig ang ingay na iyan, hehehe.
Ipinaskil ni burinj noong Nobyembre 12, 2008 bandang 6:01 umaga
lols! susunugin ang buong baryo?! bwahahahaha…
kala ko naman eh kaw ang kakain nung ice candy na may sleeping pills, napaka thoughful mo naman pla at sa mga bata mo ibibigay…how sweet!
maldito, la ka pa ding kupas, astig!
Ipinaskil ni xG noong Nobyembre 12, 2008 bandang 6:53 umaga
oo nga
sa mga kapitbahay mo ipamigay
ang sleeping pills
imbes na sa iyo
genius
Ipinaskil ni reyna elena noong Nobyembre 12, 2008 bandang 10:32 hapon
SORRY NA. hindi na kita titi-titigan nang lagpas buto mo. kasalanan mo, kamuka mo si brad pitz *hik*. aalis na lang ako sa kabilang bahay. lilipat na lang ako nang ibang bedspace. ~prst~ *hikbi* blinag pa, nalaman tuloy nang mundo hu! hu! hu!
Ipinaskil ni jeck noong Nobyembre 13, 2008 bandang 7:13 umaga
yan ang hirap pag night shift ka tapos maingay sa inuuwian mo. tsk tsk. nung nagboard din ako dati sa baclaran, halos sunugin ko na yung bahay nung landlady namin kasi naman tuwing matutulog ako sa umaga dun pa nila naisipang magpupukpok sa kabahayan. ang gago.
gusto mo bro dito ka na lang uwi sa amin sa cavite. walang tao sa bahay pag umaga tapos malalayo pa ang kapitbahay. makakatulog ka ora mismo. gusto mo? hehe. dyok lang.
Ipinaskil ni ♂ noong Nobyembre 14, 2008 bandang 2:48 umaga
lol. kala ko kaw na iinom ng sleeping pills. wahaha!
bumili ka nalang ng earmuffs at eye masks.
or inom ka ng mga anti-allergies na drugs.
makakatulog ka nun.
hehehe.
Ipinaskil ni repah noong Nobyembre 14, 2008 bandang 3:24 umaga
naku pareng maldits… kawawa ka naman pla… di bale mas okey ang walang tulog kesa walang gising, mahirap yun… kayanin mo na lng.. hanap ka na lang na ibang bording haus.. try mo kya sa tawi-tawi mas pizfl dun kc mega floating ka sa dagat.. hehehe..
di bale ipagdadasal ko na lng ang mga neighbors mong gremlims na bigla silang magdisappear o kya naka silent mode pag matutlog ka na.. hehehe
Ipinaskil ni pepe21 noong Nobyembre 14, 2008 bandang 5:56 umaga
oge. antayin ko ang post mo sa SUMMER ‘09.
hahaha.
add kita blogroll ko.
ke galing ng mga post mo.
Ipinaskil ni rio noong Nobyembre 14, 2008 bandang 7:49 umaga
sleeping pills flavor?…ayos yan..pwede sa kumikitang pangkabuhayan..hehe
Ipinaskil ni ponchong noong Nobyembre 15, 2008 bandang 6:32 umaga
goodluck sa bagong bahay at ingatan mo ang virginity mo. wag masyadong ipangalandakan at sigurdong maraming diego ang magkakainteres. LOL
Ipinaskil ni V noong Nobyembre 15, 2008 bandang 5:38 hapon
hehehe. ingat ha. sa mga bading at sa mga ale sa kanto ng iyong bagong bahay.