Nakisama ang panahon sa huling araw na masisilayan ko si Tita. Itim ang mga ulap at paunti-unti ang buhos ng ulan habang papasok palang ako sa gate ng bahay. Ang daming tao, nakabihis ng puti at abalang abala sa pakikipagchismisan. Indi na ako familiar sa mga mukha at pangalan nila. Ilang taon din akong walang contact sa kanila, at indi naman nila ako parati nakikita dahil may sariling buhay ako malayu sa kanila.
Nagkita kita din ang buong pamilyang Montero sa pagkakataon na to. Ang huling kita ko sa mga mukha na nasa paligid ko ay 11 years ago pa. Burol din ng ama ko. Suot ko ang bili kong itim na polo at ang branded kong mukha. Indi ngumingiti.
Abala si nanay sa pagpapakilala sakin sa mga angkan kong indi ko alam na nag eexist pala. Pinagalitan pa nga ako ng isa kong tita dahil indi ko na sila kilala sampu ng kanyang pamilya. Eh malay ko ba naman kung saan silang sulok ng Pilipinas nagsusuot? Ang dami na pala namin.
Nalulungkot ako sa ganitong tanawin. Indi na talaga maikakaila na matanda na ang henerasyon namin kumpara sa mga bata na nagsisitakbohan sa labas ng bahay. Mga pamangkin ko at kung sino pang tyanak na lumabas sa ilalim ng lupa. Ganito din kami noong una ng mga cousins ko, na ngayun puro na may pamilya.
Maliban sa akin.
Kahit kunting oras lang nabaling ang topic sa akin at indi sa tita ko na ililibing na any moment from now. Nakakapikon dahil lahat nagtatanong kung kelan ako magpapakasal at kung ilan na ba ang anak ko. Sa isip ko, kung mabubuhay lang lahat ng sperm cells na na waste sa kamay ko, malamang meron na akong mga anak na makakapuno ng isang stadium. Indi nalang ako sumagot dahil wala din naman talaga akong konkretong sagot sa million dollar question ng lahat.
Bakit ba sila pa ang excited para sakin samantala ang idea na yan ay minsan lang every 6 months ko maisip? Hinagilap nila ang wallet ko para matignan ang picture ng maswerteng babae dahil indi sila naniniwala sa ma sinasabi ko na wala pa akong planong magpakasal. Sa maniwala kayo o sa indi, ako ang tipo ng tao na indi naglalagay ng picture ng mga babae sa wallet. Kalokohan.
Pressure.
Tila ako ang laman ng bawat usapan ng pamilya ko. Kung pano ako umahon sa putikan at kung pano ako pumalayo sa magulong angkan namin. Halos lahat ng narinig ko ay paghanga sa matapang na desisyon ko sa buhay ko. Indi ko lang alam kung meron din silang pinagsasabing masama sa likod ko.
Ako ang nagbasa ng huling liham ng Diyos para sa lahat sa misa para kay Tita. Obvious sa tinig ko ang lungkot habang binabasa ang Bibliya sa harap ng madla. Kelan pala ako huling nakahawak ng bibiliya?
Indi ko na alam.
Indi ako nagpalabas ng luha noong nilibing na si tita. Indi na ako nakakaramdam ng sakit na dulot ng mundo. Sanayan nalang. Patigasan ng bungo ang kalakalan dito sa mundong ibabaw. Indi din ako lumapit sa kanila. Ayoko. Mas gusgustuhin ko pang wala akong memorya ng libing ng isang tao keysa sa habang buhay ko maaalala kung pano ko makikita ang kanyang kabaong na pinapasok sa mainit na nitso. Indi ako umiyak.
Niyaya ako ng nanay ko na pumunta sa puntod ng tatay ko. Kumpleto ang pamilya. Walang kulang. Malalaki na kaming lahat ng magkakapatid ko, na parang kelan lang ako ang sumusundo sa skul nila. Maligaya ako na sa ganitong panahon, naging kumpleto kaming lahat. Indi mapapantayan ng pera ang kaligayahan na dulot ng pag uwi ko.
Nakita ko ang pangalan ng Tatay ko na nakasulat sa makinis na bato. “Jer, ito na pala anak mo” wika ni nanay habang nakatingin sa bato na may pangalan ng lalaking iniidolo ko. Pinakilala ako ng nanay ko sa sarili kong tatay na tila indi ako nakita sa mahabang panahon. 11 years? Malaki na nga ang pinagbago ko.
Sa sandaling yun, dun bumuhos ang mga luha ko. Masakit parin pala.

Ipinaskil ni azul noong Mayo 6, 2009 bandang 6:13 umaga
aw!ang lungkot ng entry na toh..malungkot na masaya…malungkot dahil sa mga taong nawala sayo..masaya dahil nagkasamasama kayo ng pamilya mo…bakit kasi hindi ka muwi sa inyo kahit once a year man lang…
Ipinaskil ni kikayness noong Mayo 6, 2009 bandang 6:21 umaga
hanu ba yan?! nalungkot tuloy ako
naalala ko lolo ko
Ipinaskil ni kikayness noong Mayo 6, 2009 bandang 8:24 hapon
yup…baby pa lang ako kasama na namin sya…cool yung lolo ko e kaya nakakamiss…
Ipinaskil ni kikayness noong Mayo 8, 2009 bandang 5:20 hapon
amf! e bakit yung ex ko panay iyak lang ang nangyari sa’kin nung kami pa tapos ngayon naman na hinde na kami, department of labor ang tinging nya sa’kin? grrrr….huhuhuhuhu
(magsumbong daw ba?!)
Ipinaskil ni miz mean noong Mayo 6, 2009 bandang 6:57 umaga
hmmfff..may nakita akong picture sa kwarto mo…nkaputi yung babae, pula ang mga mata…wait, de pala picture yun!hahaha!
welcome back kuya, d kumpleto inuman namin kagabi dahil wala ka
Ipinaskil ni yhen noong Mayo 6, 2009 bandang 7:14 umaga
sadness ang tema ngayon ah… sumasabay nga sa panahon na tila nagbabadya na naman ng matinding kalungkutan sa ilan sa mga kababayan nating maapektuhan sa buhos ng ulan…
nwei, walang bagay ang di lumilipas… mawawala din yang kalungkutan na yan…
at cge iiyak mo lang…
tapos niyan makakangiti ka na…
Ipinaskil ni deejay noong Mayo 6, 2009 bandang 8:44 umaga
somebody needs a hug.
it’ll be fine, maldits.
Ipinaskil ni anakngpating noong Mayo 6, 2009 bandang 1:31 hapon
ang lungkot pero alam kong natanggap mo ito lahat..
ang nice dahil naipakilala ka pa rin ng nanay mo sa tatay mo malamang nasusubaybayan ka naman nya..at ng tita mo ngayon…ok k nb ngayon ..i hope ok kna..
may tag/award ako sayo..
bisita ka dito..
http://anakngpating.wordpress.com
hugs..
Ipinaskil ni epfi noong Mayo 6, 2009 bandang 7:40 hapon
emo mo pre!!!
pero ganun talaga… kung mula sa loob at totoo ang sinasabi
minsan nagiging madrama
eh pakialam ba nila
sa yun ang gusto nating sabihin eh
condolence ulit bro
everything will be olrayt
Ipinaskil ni kengkay noong Mayo 6, 2009 bandang 8:19 hapon
iba talaga ang dating ng kahit na anong family reunions ano? am sure naka resbak ka na rin
Ipinaskil ni lio loco noong Mayo 6, 2009 bandang 11:09 hapon
wala na ‘kong sasabihin dahil nasabi na nilang lahat. at kung tutuusin, walang kwenta ang mga pakonswelo de bobong condolences sa tunay na nararamdaman ng nawalan. words will never truly commensurate to the human emotion we feel. malaking bata ka na. alam mo na yan.
Ipinaskil ni dencios noong Mayo 7, 2009 bandang 5:40 umaga
dumadaan tayong lahat sa ganyang time sa buhay natin na akala natin everything is fine pero di pala. ok lang iyan, alam ko naiiyak mo na yan kaya move forward. para din sa mga natitira mo pang mga mahal. syempre ang nanay mo tiyak ikaw ang shock absorber kaya dapat mas malakas ka sa kanilang lahat
Ipinaskil ni Aling Baby noong Mayo 7, 2009 bandang 8:40 umaga
nakaka-touch naman tong post mo maldits. elebinyers ka na rin palang indi nakakadalaw sa tatay mo. sana tagalan mo pa ang bakasyon mo jan sa inyo, for sure namiss ka rin nilang lahat.
Ipinaskil ni Allen noong Mayo 7, 2009 bandang 8:43 umaga
what a very sad post. My dad’s gone for 11 years na din. Nakalimutan ko na nga boses nya e.
May your tita rest in peace
Ipinaskil ni cindyrella noong Mayo 7, 2009 bandang 10:42 umaga
ang tagal din nun no pero nandyan yung di mo namamalayan na eleven years na pala ang nagdaan.. at least yuv got the chance db?
Ipinaskil ni Reesie noong Mayo 7, 2009 bandang 6:17 hapon
ang lungkot ng post na ito. napaluha tuloy ako.
be well, malditz!
Ipinaskil ni sexy moi noong Mayo 9, 2009 bandang 1:54 umaga
kakalungkot naman…
Ipinaskil ni gasti noong Mayo 12, 2009 bandang 1:52 umaga
anlaki mo na malditz! anlaki na oh! ano nga ulit yun?
ok sige…nasabi ko na naman lahat dati pa eh. eto na lang last…hindi ko rin ugaling maglagay ng pic ng babae sa wallet ko. kaya lang..required daw eh sabi ni misis. haha!